IKAW LANG

1K 20 0
                                    

"Aray ko!" tinamaan na naman sya ng bola. Net ba sya? Kaya lagi syang tinatamaan ng bola? Naisip nya iyon, buti nalang at matigas ang ulo nya kaya hindi ito nag-crack kahit na matigas ang bolang nakatama sa kanya. Paglingon niya, nakita niya kung sino ang papalapit. "Andito nanaman ang asungot!" ng makalapit ito sa kanya ay dinampot nya ang bola at inihagis dito.

"Ganti ko yan sayo! Bwesit ka talaga Miles!"

"Haha.. hindi naka tama!" pang aasar pa nito sa kanya.

"Kala mo! Ang panget mo naman!" sigaw pa ulit ni Gwen dito.

"Ako? Panget?" sabay turo sa sarili. "Ang gwapo ko kaya."

"You wish! Sabi mo kung mgaluyag ka sa akon pag dako nata sagotin taka! Hindi no! Biskan gwapo kapa na sabi mo!" salitang Ilonggo nya dito.

Naka ngiti lang si Miles habang sinasabi sa kanya ni Gwen ito.

"Maghintay ka lang, Gwen. Pag dalaga ka na, talagang liligawan na kita at babawiin mo lahat ng mga sinabi mo ngayon. Magiging girlfriend din kita."

 

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon