CHAPTER 1

314 15 1
                                    

Abaroan, Palawan..

"Aray ko!"

Sigaw ng labing dalawang taong gulang na batang babae sabay hawak braso nya, tinamaan pala ito ng bola ng baseball habang nag lalakad sa tabi ng kalsada. Pag lingon sa bandang kaliwa ay nakita nya ang mga kabataang mga lalake doon sa bakanting lote na malapit sa kanila na nag lalaro. Nang malaman nya kung sino ang naka tama sa kanya ay bigla syang napasimangot.

"hehe si gisi pala ang tinamaan" biro sa kanya ng isang binatilyo.

"Ewan ko sa inyo! ikaw talaga Miles, pasimuno ka sa lahat! mga panget kayo!" ganti nya ring sigaw sa mga ito lalo na doon sa leader leaderan nila.

Kahit na sinigawan nya ang mga ito ay hindi parin sya hinintuan sa mga pang aasar at sa sobrang inis ng batang babae ay bigla nyang dinampot ang bolang naktama sa kanya at inihagis ito sa mga binatilyo. Hindi nya alam kung may tinamaan ba siya. Kumaripas na kasi sya ng takbo pero parang may narinig sya na sumigaw.

"Tol, mukhang natulala ka ah!" si Miles tanong nya sa bestfriend nyang si Lenard.

"She's cute" sabay habol pa nya ng tingin sa papalayong dalagita

"Bago mo palang ba nakita si Gwen? OO nga pala isang lingo ka palang pala dito"

"Yeah, right!" maikling sagot ni Lenard kay Miles"

"Ooooyyyyy.. mukhang nagkagusto ka sa tabachingching na iyon" biro pa nito kay lenard"

"I have seen her before, gusto ko nga syang lapitan kaya lang biglang may lumapit sa kanyang lalaki. I just want her to be my friend"

"Ewan ko saiyo Tol, ang mabuti pa ay umuwi na tayo at baka hinahanap na tayo sa mga bahay natin.

"hay... mabuti pa nga" segunda ring sabi ng isang kasamahan nila.

Samantala hinihingal pa si Gwen ng huminto siya sa pagtakbo, bigla syang nagulat ng may nag salita sa kanyang likuran.

"Gwendolyn Casabuena! ano na naman ang ginawa mo at nakita kita kaninang kumakaripas ng takbo tinatawag kita pero hindi ka manlang huminto"

"hmp! paano naman kasi kuya iyong mga batang lalaki doon sa bakateng lote na malapit sa atin, tamaan ba naman ako ng bolang nilalaro nila tapos tinawanan lang ako at tinawag pa akong gisi. Pinangunahan pa ng Miles na iyon, kala naman nila hindi masakit! mga panget sila!" sumbong nya sa kanyang kuya.

"o, iyang nguso mo umabot na sa ilong mo. hehe"

"Kuya naman! akala ko kakampi kita."

"oo naman sis, lagi akong andito para sa iyo atsaka hayaan mo nalang sila Gwen, baka hindi naman nila sinasadya ang pagka tama sa iyo"

"ah basta! gagantihan ko sila lalo na iyong leader leaderan nila!" sabay padyak pa ng paa.

"sige na sige na pumasok na tayo sa bahay at baka magtaka na si Nana Rosa kung bakit hindi pa tayo pumapasok sa loob."

Habang papasok sila ay pinagmasdan ni Gwen ang kabuoang labas ng bahay nila may malaking puno ng santol na malapit sa terrace at namumunga na ito. Dalawang palapag ang taas ng bahay nila kulay brown na may gate na bakal, green naman ang kulay. Pag pasok naman sa loob naka tiles na puti ang sahig at sala kaagad ang iyong makikita. Sa bandang kanan naman ng sala ay nandoon ang hagdan paakyat sa taas. Pag dating sa pangalawang palapag ng bahay ay yari na ito sa kahoy para nga naman daw presko sa pakiramdam. (ngeeks presko nga sa araw sobra namang lamig sa gabi - naiisip nya.)sa may sala nila ay may naka pagitan lang na binder na pinapatungan ng kaninlang t.v papunta na iyong dining area at sa unahan pa ng konte ay may bar counter na nakaharang papuntang lutuan nila may dalawang kwarto sa baba na para sa dalawang kasambahay nila at tatlo naman sa itaas para sa knila ng kuya nya at ang isa para sa mommy nila. Pamilya narin ang turing nila kay nana Rosa at sa pamangkin nito na si lora. Maliit palang kasi sila ng kuya nya ay naninilbihan na ito sa kanila. Pag pasok na pag pasok nila ay sya namang tawag ni Nana Rosa sa kanya.

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon