Chapter 15

4 1 0
                                    


CHAPTER 15

Pinuntahan kaagad ni lenard at samantha ang bahay ng kaibigan ni christy, ang babaeng nawawala. Pagabi narin kaya sigurado silang nasa bahay na nila ang taong kalingan. Pinapasok sila kaagad ng malaman kong sino sila. Pinaupo sila sa sala nakita din nila na kasama nito ang mga magulang.

"ikaw ba ang kaibigan ni christy?"

"ako nga po"sagot naman nito sa kanila

"ano ba ang natatandaan mong nangyari kagabi ang sabi saamin ay sinamahan nyo pa si christy na nag abang sya ng tricycle kagabi?" tanong ni samantha.

"opo sinamahan pa po namin, dyan lang naman po sa harap ng bahay sinabihan ko panga sya na mag text saakin pag nakarating na sya sa bahay nila kaya lang po hindi sya nag text, inisip ko nalang po nabaka nakalimutan lang nya. Nagulat na nga lang po ako kaninang umaga ng hanapin sya dito ng parents nya."

"gaano ba kayo kalapit ni christy?" tanong ni lenard.

"mag kaibigan na po kami since grade school"

"soo.. kung ganun alam mo kung may boyfriend ang kabigan mo" si lenard ulit

"wala naman po syang nababanggit na may boyfriend sya or may nanliligaw manlang sa kanya. Sina sabi po nga nya lagi na priority nya po ang studies nya."

"ganun ba. Baka pwede mo naman sabihin saamin kung may natatandaan ka manlang sa itsura nung driver ng sinakyan ng kaibigan mo."

"pasensya na po hindi ko po matandaan pero kinuha ko naman po yung plate number nung tricycle nya" sabay abot kay lenard ng papel ng pinag sulatan ng number.

"maraming salamat sa kooperasyon mo hindi na kami magtatagal" paalam nung dalawa.

"mag iingat nalang sana kayo paki sabi narin sa ibang mga kaibigan mo kasi hindi pa namin alam kong sino ang may kagagawan nito at hindirin namin alam kung iisa lang ang maygawa nito sa kaibigan mo at duon sa ibang mga biktima. Ang mga binibiktima ay ang mga katulad nyong mga kababaihan. Kaya sana mag iingat kayo. Sabi ni Lenard ditto.

Sa isang liblib na lugar may isang bahay na nakatayo. Pag punta mo sa may cellar ng bahay ay may makikita kang ibat ibang gamit may alamabre at kung anu-ano pa, may malaking kama sa gitna nito. May tatlong babaeng nakakadena sa isang sulok at umiiyak habang nakatingin sila duon sa may kama. At kasama duon si Christy. Umiiyak sya habang tinitignan ang isang kasama nila na pinapahirapan ng mga hayop na iyun. Kung anu-ano ang mga ginagawa nito sa katawan ng kasama nya. Napaiyak sya lalo ng pumatong na ang isang lalaki duon sa babae. Hindi sya maka sigaw kasi baka mapansin sya at sya ang ipalit. Takot na takot sya gusto na nyang umuwi. Ipinikit nalang ni Christy ang mga mata nya para hindi nya Makita ang nangyayari.

Biglang nagising si bronwynne at napaupo sa kama ang lakas ng kabog ng dibdib nya tiningnan nya kung anong oras na alas dos palang pala ng madaling araw. Tuluyan na syang bumangon para makapag bihis kailang nyang sabihin kay Gerald ang mga nakita nya. (bakit ngayon nya lang nakita, marami napalang mga babae ang na kukuha ng mga ito nakita nya kung paano pahirapan ang babaeng sa kama) kinilabutan si bronwynne habang naaalala ang mga nakita nya sa pangitain nya.

Maikli lang po ang UD ko pero dalawang chapter naman po hehe.. sorry sa late na UD lagi.

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon