Chapter 21

3 1 0
                                    


CHAPTER TWENTY ONE

Mabilis na lumipas ang mga araw. Masayang Masaya si gwen, kahit na minsan lang sila magkita ni lenard ay hindi naman itong nakaklimot na tawagan sya araw araw at etext naintindihan naman nya ito. Kasam nya ngayon ang tita nya at nagpasama ito sa school nila kasi gusto daw nitong Makita si jonathan. Pwede naman nyang tawagan ito or etext si tita talaga, grabe lang kung magka gusto" isip ni gwen. Nangingiti pa sya ng malala yung nangyari sa ospital.

Flashback:

"yessss...!" bigla nalang sumigaw si lenard at niyakap ng mahigpit si gwen. Nagulat naman sya kasi hindi nya kasi inaasahan ang gagawin nito pagka tapos nya itong sagotin. hinalikan sya nito syempre hindi nya rin napigilan ang sarili at gumanti rin sya ng halik dito pero habang nag kikiss sila ay nakita nya sa gilid ng mga mata nya na nakatingin sa kanila si Samantha.

"you don't how happy im right now gwen" tuwang tuwa pang sabi pa sa kanya ni lenard. Masaya silang nag uusap ni lenard ng dumating yung chief nila at may iba pa itong mga kasama pinatawag ito si sam. Humalik ulit ito sa kanya bago umalis.

Hindi na ito ulit nakalapit sa kanya kaya pagka tapos nun nag text nalang ito na humihingi ng paumanhin kasi kailangan daw nilang bumalik duon sa lugar kung saan nila nakita si Christy.

End of flashback:

Umaga na ng makabalik sila lenard duon sa lugar maswerte sila kasi isang oras nung dinala si Christy ay nagising ito nag iiyak ito kaya hindi nila makausap para tanongin tumahimik lang ito nung Makita ang mga magulang.

Kaya ito ngayon sila kasama ang ibang mga ktrabaho nya, buti nalng at huminto na ang ulan. Sa may gubat sila dumaan mga isang oras na siguro silang nag lalakad ng may mapansin silang bahay. Nagsenyasan sila na wala munang kikilos tinawagan muna nung isa yung ibang mga kasamahan nila na nag hihintay sa kabilang parte ng gubat.

"ako ang lalapit duon sa bahay at kayong iba ay palibutan ito" sabi ni lenard sa mga kasama. Pito silang katao ang napag planuhang maghahanap nitong bahay. Dahan dahang lumapit si lenard ditto sya sa likod dumaan. Walang ingay syang nakapasok sa loob at sa may parting kusina ito. May nakita syang maliit na pinto sa may parteng kanan nya, maingat syang lumakad palapit ditto at dahan dahan nyang binuksan ang pinto pag bukas nya ay isang hagdanan papuntang cellar ang nakita nya. Bumaba dito si lenard habang hawak ang baril may nakita syang pinto sa dulo. Ano ba ito puro pinto. Isip ni lenard, habang binubuksan ang pintuan pag pasok nya ay may nakita syang malaking kama at may nakahiga dito, nilapitan nya ito at nakita nya ang isang hubot hubad na babae may mga sugat ang katawan nito at hindi na ito gumagalaw nilapitan nya ito para pulsuhan at napahinga sya ng malalim ng wala na syang makapang pulso nito tinawagan nya ang ibang mga kasama at ipinaalam ang nakita nya. Habang nag hihintay sa kasama ay kinuha nya ang nakita kumot para itakip sa babae. Kasalukuyan nya itong ginagawa ng may mag salita sa likoran nya.

"sino ka?" tanong nung lalake

"sh***t!" Mura ni lenard hindi nya napansin yung pintuan na nilabasan nung lalake.

Kinuha ni lenard ang baril na binalik nya sa bewang nya kanina at itinutok dito.

"huwag kang gagalaw" sabi ni lenard habang nakatutuk ang baril. Nanlaki naman ang mata nito at tumakabo papunta sa pintuan palabas, pag hawak nito ng doorknobay bigla naman itong bumukas kaya natumba ito at kaagad nya itong nahawakan. Mabuti nalang ang mga kasamahan nya ang dumating. Tatlong wala ng buhay na mga babae ang nakita nila. Dinala kagaad nila lenard sa prisinto ang lalaking nadakip.

"put****ina!" mura ni lando habang nakasilip sa isang puno pinag mamasadan nya ang nangyayari duon sa bahay.

Mabuti nalang pala at naisipan nyang nahanapin si Christy nung tumila na ang ulan, kung hindi sigurad syang kasama sya ngayong nahuli. Napakunot ang noo nya ng Makita si lenard habang hawak hawak si tony, hindi nya alam na ito ang trabaho ng pamangkin matagal kasi itong nawala at nung nakaraan nya lang ito nakita. Ang inialala nya baka msg salita si tony at malaman na kasama sya nito. Kailangan nya munang makalayo dito at maingat na umalis sa lugar si lando.

"Ma, pasyal lang po ako sa bahay ni uncle" paalam ni miles sa ina

"sige anak ikamusta muna rin ako sa kanya"

"sige po ma" hinalikan lang ni miles ang ina sa pinsngi nito at umalis na.

Hindi nagtagal ay nakarating narin sya sa bahay ng uncle nya.

"uncle!" tawag nya dito at nag hintay para buksan sya ng pintuan, ilang minuto na syang nakatayo dito sa harapan ng pinto ay hindi parin sya pinag bubuksan kaya na inip na sya, kaya kinuha nya ang susing bigay nito at kusa nalang syang pumasok. Nagulat sya kasi pag pasok nya ay magulo ang loob ng bahay hindi naman ganito ang uncle nya malinis ito sa bahay. kinabahan sya baka kung ano na ang nangyari dito, "uncle!" tawag pa nya ulit dito. pumasok sya sa kwarto nito, magulo rin yung loob ng cabinet pero imposible naman na ninakawan ito kasi napansin nya na andito pa sa loob ng kwarto yung mga appliances, yung malaking flat screen na t.v., yung pc, at nakita nyarin ang jewellery box nito pag bukas nya ay nandito rin yung mga alahas nito kaya nka hinga sya ng maluwag. Natakot sya kasi baka may naggyari na ditong masama, baka naman may pinuntaha lang ito. Napakunot noo sya ng may Makita syang flash drive sa loob ng jewellery box. napakibit na lang sya ng balikat isasarado nalang sana nya ang box ng magbago ang isip nito kinuha nya ang flash drive nilagay sa bulsa at saka umalis na sa bahay ng uncle nya.

----------

Sorry po kung matagal akong nakapag UD na adik po kasi akong mag watch ng super natural.. sorry sorry po talaga.. malapit narin po ito ayaw ko ng masyadong pahabain pa kasi nag start ako ng bagong story try akong gumamit ng POV sa characters ko. Sana basahin nyo ulit hehehe...             

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon