Chapter 16

3 1 0
                                    


CHAPTER SIXTEEN

Maagang nagising si gwen, unat unat muna ng katawan at tsaka bumangon. Pumasok sa banyo para gawin ang dapat gawin. Sa hapag kainan nagulat sya nanduon ang kuya gerald at kasamang kumakain ang tita bronwynne nya.(well hindi na sya nagtataka lagi naman andito ang tita nya e).

"well, well anong araw ba ngayon at napadalaw ang aking butihing kuya" pang aasar nasabi ni gwen habang nakatingin sa kuya nya.

"dont start gwen it's still early, wala pa akong tulog kaya huwag kang mang asar dyan"

"grabe kanaman kuya" sabay upo sa kabilang side ng lamesa nito at nag start ng kumain.

"huwag kang ma offend kuya ha pero what are you doing here ang aga aga pa at kasama mo pa" sabay turo sa side ng tita nya sa pamamagitan ng nguso.

"may inasikaso lang kami ng subrang aga diba wyna" sagot naman ng kuya nya sa kanya.

"we can't hide it from her Gerald its too dangerous na wala syang alam at laging lumalakad yang kapatid mo minsan gabi pang umuwi"

Napabuntong hininga si gerald. "okey, sabi mo e" sagot nalang nito.

"gwen" tawag nito sa kapatid na busy busyhan kumain kunyare hindi nya naririnig ang pinag uusapan ng dalawang taong kasama nya sa lamesa.(obvious naman na nakikinig ito sa pinag uusapan nila ni wyna, paano banaman nakita nyang sumasang ayon ito sa pinag uusapan nila sa pamamagitan ng pag tangotango ng ulo nito) isip ni Gerald.

"oy gwen! tawag ka ng kuya mo" binato pa sya ng isang butil ng mais na nakahalo sa kanin nila. naka fried rice kasi sila hehe.

"ano po yun tita!" sagot nya tinaman sya ng binato nito sa mukha

"para kang sira dyan naka tulala ka sa harap ng pagkain, para namang hindi ka nakikinig sa pinag uusapan namin ng kuya mo."

"e kasi tita bigla akong may naisip nung sinabi mo na dilikado para saakin at kailangan kong malaman. bakit tita madidisgrasya ba ako, nakita mo ba na may mangyayari saakin na hindi maganda?"

"sira ka, wala no" sabi naman ng tita nya.

"para kang ano gwen kung anu-ano yang pinag sasabi mo" pagalit naman sabi ng kuya nya sa kanya.

"Sorry lang naman kuya, e wala akong maisip na dahilan na pupunta ka dito ng sobrang aga maliban nalang kung may banta saaking beautiful face hehe.." pa joke pang sagot ni gwen.

"pumunta kami dito para hintaying magising ka at buti naman inagahan mo" sabi ng tita nya.

"bakit po, ano po bang problema?" pabalikbalik ang tingin nya sa dalawang taong nasa harapan nya.

"ako ng sasagot sa tanong nya wyna" nakita nya pang hinawakan ng kuya nya ang kamay ng tita nya na nasa lamesa para pigilan ito sa pag sasalita. Umuo naman ang tita nya sa pamamgitan ng pagtango at tuloy na sa pagkain.

"alam mo narin ang tungkol sa premonition ni wyna diba." Tanong ng kuya nya.

"yup, bakit may nakita ba si tita?" excited na tanong ni gwen naka ngiti pa sya habang sinasabi yun.

"hindi ka dapat matuwa gwen, hindi maganda ang nakita ni wyna alam mo narin siguro ang mga nangyayari, yung sa news about duon sa mga kabataang babaeng nawawala."

"Oo kuya, bakit ano ba ang nakita ni tita?"

Tumingin si gwen sa tita nya(parang wala lang nangyayari busy parin ang tita nya sa pagkain sila nga ng kuya nya huminto, basta talaga sa pagkain wala itong si tita) iiling iling pa si gwen habang naiisip yun at naka tingin sa tita nya.

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon