Chapter 20

2 1 0
                                    


CHAPTER TWENTY

"Ano kaya ang nangyari sa kanya?" Tanong ni nicolle kay gwen, kasalukuyan silang andito sa kwarto kung saan nila dinala yung babaing nakita nila.

"malamang hindi maganda, look at her puro sugat ang katawan at may bakas pa yung kamay nya na parang tinali sya" mahina lang ang boses na nag uusapa sila ni nicolle ng may marinig silang dumating na sasakyan. Nagkatinginan silang dalawa.

"dito ka lang ako ang baba" sabi ni gwen kay nicolle.

"sasamahan na kita"

"hindi na dito kanalang" sabay check ni gwen sa stun gun na binigay ni nicolle kanina. Hindi na nya ito nilagay ulit sa bulsa nya.

Nang makababa si gwen ay may naririnig syang nag uusap sa labas ng pintuan, hindi nya maintindihan ang mga pinag sasabi ng mga ito.

"tok..tok.." nagulat si gwen ng biglang may kumatok

"gwen open tha door!" ng marinig nya na tinawag ang panglan nya ay nag mamadli nyang binuksan ang pinto.

Pag bukas ng pintuan si Lenard kaagad ang nakita ni gwen pumasok kaagad ito sa loob ng bahay at mahigpit syang niyakap nito.

"im glad your okey sweetheart" mahigpit din ginantihan ng yakap ni gwen si Lenard. Ngayon na andito na ang binata saka naramdaman ni gwen ang paghihina. Hindi nya ito pinakita kanina, yung kabang nararamdaman para sa kanilang magka kaibigan.

"im also here dear sister" pag tingin ni gwen sa nag salita nakita nya yung kuya nya na naka kunot ang noo habang naka tingin sa kanya. Namumulang kumalas si gwen sa pagkakayakap kay Lenard.

"kuya andyan kapala."

"malamang, Magkakasama kaya kami" sagot ng kuya nya. pag tingin nya may iba papala silang kasama, napansin nya na yung katabing babae ng kuya nya ay pinag mamasdan sya.

"May kasama ka kuya,girlfriend mo?"

Umiling ito sa kanya "nope... she's not with me, she's with him."

Tumingin si gwen sa katabi pagkatapos ay umurong sya palayo dito. Napansin naman ni Lenard na umuurung palayo sa kanya si gwen kaya nilagay nya yung kamay nya sa bewang nito.

"Sweetheart, si Samantha my partner"

"lokohin mong lelang mo!" sabay inalis nya ang kamay nito na nkayakap sa kanya.

"what?" hindi na pinansin ni gwen si Lenard.

"andito yung babae sa taas. hindi parin sya nagigising" sabi ni gwen sa mga ito at nauna ng lukad paakyat."

"anong nangyari dun?" tanong ni Lenard sa mga kasama.

Si sam ay nag kibit lang ng balikat.

"hahaha..." bigla naman tumawa si Gerald "hindi mo ba na gets pare. selos sa kanya yung kapatid ko" sabay turo ni Gerald sa naglalakad na si samantha

"dyan lang ba kayong dalawa" si Samantha na nasa may hagdan narin pala at paakyat na.

Nagka tinginan yung dalawang lalaki sabay sumunud narin kay Samantha para umakyat.

Nagulat si Lenard ng Makita kung sino yung babaing nakita nila gwen kanina. Hindi nila inaasan ni Samantha na mkikita pa nilang buhay si Christy. oo natatandaan pa nila ito syempre ito ang trabaho nila ang hanapin ito.

"Lenard we need to talk" sabi sa kanya ni Samantha at nauna na itong lumabas ng kwarto.

Nakita ni gwen ang pag sunod ni Lenard sa sinabi ni Samantha.

Kainis yung babaing yun obvious naman na may gusto sya sa Lenard ko! Yes Lenard ko, inangkin ko na sya. Sabay tulis ng nguso.

"hoy gwen yang nguso mo tumulis nanaman, ano nanaman bayang iniisip mo" sita sa kanya ng kuya Gerald nya.

"kasi naman kuya si Lenard e may sinama pang ibang babae" reklamo naman ni gwen.

"hindi mo ba narinig ang sabi nya kanina Partner diba, partner"

"a basta hindi ko feel ang Samantha na yun. Teka nga pala bakit kanina hindi ka sumasagot sa tawag ko pagkatapos ngayon magkasama kayo ni Lenard dito"

"nagising na ako sa tawag mo tapos sasagutin ko nalang sana ng huminto na ito sa pag ring, inaantok pa ako kaya hindi ko pinag kaabalahang tignan kong sino yung tumawag pero nung makakatulog na sana ako ulit ay sya namang dating ni Lenard at may kasama sya. Nung papunta kami dito sinabi nya yung mga nangyayari"

Nilapitan ni gwen ang kuya nya at sabay na hinampas ito sa braso.

"sira ulo ka talaga kuya! Paano nalang pala kung pinapatay na kami dito at humihingi pala ako ng tulong sayo" malakas yung boses na sabi ni gwen sa kuya nya.

"ssssh.. pwede kayong dalawa hinaan nyo lang yung boses nyo may pasyente kaya dito" sita sa kanila na nanahimik na si nicolle.

"sorry.." sabay pang sabi ng magaka patid. Sabay pasok naman nung dalawang taong lumabas kanina. Nag tinginan muna ito bago sila hinarap.

"napag usapan kasi namin ni sam na dilikado tayo dito kaya kailangan na nating umalis." Sabi sa kanila ni Lenard

"base kasi sa kwento nyo kanina at kung saan nyo nakita si Christy,naisip namin na malamang malapit lang dito yung pinagdalhan sa kanya at kung saan nya nakuha yang mga pasa at sugat nya sa katawan" si Samantha at pare pareho nilang tiningnan ang babaing natutulog sa kama.

"at sigurado kami na nasa malapit lang dito ang may gawa nito sa kanya" dugtong na sabi ni Lenard.

"pag tulung tulungan nalang natin syang buhatin para maibaba natin sya ng maayos" sabi pa ulit ni Lenard.

Pero ang nangyari naunang lumabas si sam at pinag tulungan naman buhatin ni Lenard at Gerald si Christy at last na lumabas si nicolle at gwen.

Dalawang sasakyan ang dala nila ang kuya nya at si nicolle ang sa isang sasakyan at silang tatlo naman nila Lenard at sam ang sa isa.

Pag dating sa ospital ay kinausap ni Lenard si gwen duon sila sa isang tabi at habang abala ang iba, si sam ay tinatawagan ang chief nila para ipaalam ang nangyari si Nicole naman ang nag asikaso kay Christy at sinamahan ito ng kuya Gerald nya.

"sweetheart bakit kaba nagaglit saakin, simula ng dumating kami kanina sa beach house at pag dating dito hindi muna ako pinapansin?"

"pinapansin naman kita ngayon a" mataray na sagot naman ni gwen.

"oo kasi may kanya kanyang ginagawa yung iba, gusto ko lang malaman may nagawa ba ako?"

yumuko si gwen at mahinang nag salita "nag seselos kasi ako sa kasama mo" halos hindi marinig ni Lenard ang sinabi ni gwen.

"hindi mo naman kailangan na mag selos gwen" yumuko si lenard at itinapat ang bibig sa may taenga ni gwen at may ibinulong.

"mahal na mahal kita gwen" sabay titig ni lenard sa mga mata ni nito. namula naman ang mukha nya ng marinig ang sinabi ni lenard sa kanya.

Hindi narin mapigilan ni gwen ang nararamdaman nya para kay lenard, at nakapag decide na sya ngayon.

Tumingkayad si gwen at hinalikan si lenard sa labi smack lang din at sinabi "i love you too lenard."    

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon