CHAPTER 2

200 12 0
                                    

CHAPTER TWO

"Gwen, gising na diba may OJT kapa"

"Nana, maaga pa naman po" sabay hila ng kumot para itakip sa mukha

"alasyete y medya na ano kaba tanghali na ito!, bumangon kana dyan at tsaka tumawag pala ang mama mo"

napabangon sya at nawalang bigla ang kanyang antok.

"talaga po nana, ano pong sabi ni mama"

Pauwi daw sya dito next week at may kasama siya yong tita mo"

"sino namang tita iyon?"

"ang sabi nya si Bronwynne daw hindi mo na ba sya natatandaan?" nag isip si Gwen.

"Nana sila ba iyong nandoon sa Sta. lourdes iyong nakatira sa Villa Paula"

"Oo sila nga iyon buti naman natatandaan mo pa."

"hindi na po masyado maliit pa po ako ng huling nakita ko sya"

"Ganoon ba, maaalala mo rin siya pag nagkita na kayo ulit."
Palabas na ito ng silid niya ng tumingin ito pabalik sa kanya.

"may nakalimutan pala akong sabihin sa iyo, si miles tumawag din ang sabi ko tulog ka pa"

hmmp.. napa simangot sya "buti at naalala pa nya ang phone no. dito sa bahay, hindi manlang ako matawagan sa cp ko or etext manlang"

"kayo talagang dalawa talaga bati away ang relasyon nyo" o s'ya sige bumangon ka na dyan at may pasok kapa."

Naisip nya na kinain rin pala nya lahat ng mga sinabi nya noon tungkol kay Miles naging boyfriend nga nya ito pero sa umpisa lang naging maganda ang relasyon nila kasi pakiramdam nya may something wrong yata dito paano bigla biglang mawawala bigla ring susulpot parang kabute. Ay nako! nakakainis na talaga at may nababalitaan pa syang may ibang girlfriend daw ito.

"Makaligo na nga" bulong nya sa sarili. Ang aga- aga naiinis sya sa boyfriend nya na walang kwenta pero mahal naman nya ito. Totoo nga ang kasabihan na love is blind, kasi kahit may naririnig syang hindi maganda tungkol sa kasintahan nya mahal parin nya ito. Habang nasa shower ay naalala nyang bigla si Lenard saan na kaya ito, ang huling kita nya dito ay noong nakawan siya nito ng halik sa pisngi, she's only 13 years old that time and his already a college student. 

Bakasyon nila noon bumalik lang daw ito doon para mag paalam sa kanya kasi aalis na daw ito at ang buong pamilya nito sa ibang bansa na daw sila titira nalungkot panga siya ng malaman iyon pero ang hindi nya makalimot limutan ay ang pinangako nito na babalikan daw sya nito pag malaki na talaga s'ya, tuwang tuwa panga sya ng sabihin sa kanya ito ni Lenard pero syempre hindi sya nag pahalata. But shes already nineteen years old sa darating na march ay gagraduate na sya. Umaasa pa pala sya sa pangako nito sa kanya. 

Nagulat sya ng biglang katokin ni nana rosa ang pinto ng banyo.

"bilisan mo nga dyan Gwendolyn! lumalamig ang pagkain"

"opo nana, andyan na po" nag mamadali syang nag ayos ng sarali medyo natagalan kasi sya sa pagligo kasi nag muni-muni pa sya e. Pagka tapos mag ayos ay bumaba narin sya para makakain ng almusal.

Nag mano muna sya kay Nana Rosa bago umalis ng bahay.

" alis na po ako at paki sabi po pag tumawag pa ulit si Miles paki sabi nalang na break na kami ang kapal ng face nyang lokohin ako"

"bakit hindi nalang ikaw mag sabi sa kanya nyan anak, hindi naman ako ang girlpren nya.Mag usap kayo maayos"

"hindi na po ito maaayos Nana, ilang beses ko na po syang pinag bigyan paulit-ulit parin po nyang gingawa na pagod na po ako"

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon