Chapter 10

3 1 0
                                    


CHAPTER TEN

UNKNOWN:

"Bwisit talaga! Kailangan nating mahanap ang babaeng iyon!"

Sigaw nito sa kasama.

"pwede naman nating ituloy ang ginagawa natin habang hinahanap natin sya kailangan lang natin mag ingat at kalingan narin natin palitan ang kulay ng sasakyan natin." Sagot noong kasama nya.

nag isip mo na ito sandali sabay ngiti. "tama ka nga dyan kalingan lang natin mag ingat at palitan ang kulay ng sasakyan natin at kailangan na nating baguhin ang gawi natin imbis sa loob ng sasakyan duon nalang sa farm ko walang tao duon at medyo malayo dito."

Tumango ang kasama at nag tawanan silang dalawa tuwang tuwa sa panibagong plano nila.

Kinabukasan nagising si gwen sa tunog ng cellphone nya hindi na nya pinag kaabalahan pang tingnan kong sino ito.

"hello!" sagot nya medyo paos pa ang boses at nakapikit pa ang mga mata.

"good morning sweetheart!, hows your sleep?" napa ngiti si gwen ng marinig ang boses sa kabilang linya.

"im still sleepy" sagot nya dito

"im sorry alam kung maaga pa kaya lang gusto kong marinig ang boses mo bago ako umalis."

Pagka rinig ni gwen na aalis si lenard ay biglang syang napa mulat at napa bangon sa kama.

"what! Where are you going, how long will you be gone?" sunod-sunod nya tanong dito.

"haha.. Sweetheart isa-isa lang ang tanong. To answer your question, hindi ko pwedeng sabihin kung saan ako pupunta ang masasbi ko lang tungkol ito sa trabaho."

"are you going to see some girls?" mahinang boses na tanong ni gwen dito.

"haha gwen, are you jelous?"

"hindi noh! Bakit naman?"

"Listen gwen, always remember that I love you, hindi ako hahanap ng iba para ipang palit sayo. Trabaho talaga ang lalakarin ko hindi ko lang talaga masabi kung ano ito. Please understand okey."

Natahimik si gwen sa kabilang linya.( ano ba itong inaasal nya kung maka react sya kala mo girlfriend sya ni Lenard hindi naman eh..) huminga ng malalim si gwen.

"okey Lenard, i understand and i trust you, alam ko naman na wala akong karapatan mag react ng ganito kaya lang pag naiisip ko na may ibang girl naiinis ako"

"haha.. Sweetheart i like that yung pagiging selosa mo"

" mag iingat ka Lenard ha" sabi ni gwen ditto

"i love you gwen, i have to go. Tumawag lang ako para ipaalam sayo na aalis ako, i don't know how long i will be gone ang pinaka matagal seguro one week I'm not sure"

"Okay, be careful again" paulit nya na sabi dito.

"okey, bye"

"wait Lenard ano pala yang work na yan?"

(ngeeks.. pinatay na nya yung phone. Haay.. ano kaya ang trabaho ni Lenard ang alam nya may farm ito at ang inisip nya nay yun ang pinag kakaabalahan nito. Nakaka inis naman ito si Lenard mag i ,i love you sa kanya tapos aalis din.) bulong bulong ni gwen sa sarili.

Humiga nalang ulit si gwen sa kama nag talukbong ng kumot para maka tulog ulit ng tingnan kasi nya kung anong oras sa cp nya kanina pagka tapos nilang mag usap ni Lenard ay six am palang kaya matutulog nalang sya ulit. ( kaiinis! Ang aga-aga mang isturbo) bulong – bulong ulit ni gwen sa sarili.

Kaya lang pabali-baliktad lang sa kama si gwen hindi na sya maka tulog lalo na kapag naaalala nya ang nangyari kagabi hindi nya kasi alam kung ano ba ang pumasok sa kanya hindi sya maka paniwala sa sarili nya na nakipag halikan sya kay Lenard, diba nga grabe ang tangge nya kay miles pero pag dating kay Lenard wala syang magawa. At itong isa naman ang akala nya na hihintayin daw sya kahit ilang taon pa pero unang date palang nila nag tapat na kaagad agad sa kanya. Hindi naman nya masisi si lenard kong nag tapat na ito sa kanya ang tagal ba naman ng panahon na hinintay nito.

"Oh Mr. Jereza buti pumayag ka sa trabahong inaalok ko?"

"ninong naman! kailngan ba talagang pormal pa ang pag tawag mo saakin tayo lang naman ang nandito"

"haha.. pasensya na lenard, matagal na kasi tayong hindi nagkikita tapos nabalitaan ko pang sa ibang bansa kapa nag tapos at nalaman kung na train ka sa ganitong klaseng kaso"

"yes sir" sagot naman ni lenard

"Okey ito nga pala ang mga files ng mga biktima"

Sabay abot ng mga folder na nag lalaman ng mga pangalan ng biktima kung paano ito namatay at ang mga litrato noong na bubuhay pa ito at ang mga kuha kung saan sila nakita at ang mga itsura na nila. Tinignan ni lenard isa-isa ang mga folder at napansin nya na agad na mag kakapareho ang klase ng pagpapahirap sa mga biktima at kung paano ito pinatay.

"sir may lead na po ba kung sino ang mga suspect?"

"may nag report dito last night na may isang biktima na nakatakas at nasa ospital daw sya ngayon."

"sir, base sa mga picture ng mga biktima na hindi lang iisa ang suspect dito, may makikita na paltandaan sa katawn ng biktima."

"are sure lenard, kelangan nating maka sigurado?"

"Im sure sir"

"sya nga pala mamaya kana umalis may makaksama ka dito sa kasong ito"

"sir?"

"o, ito na pala sya"

May narinig si lenard na kumatok sa pintoan pag tingin nya kong sino ito napatitig sya sa taong pumasok.

"tito im here na" narinig nyang tawag ng babae sa ninong nya.

"im sorry po may inutos pa kasi si mommy alam nyo naman po iyon kelangan sya ang unahin lagi.

"i understand hija"

"may kasama po tayo tito?

"oo nga pala lenard meet my niece sya ang makakasama mo sa kasong ito."

"Ye...Yes sir" napalonok pa si lenard at hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalagang pumasok.

"hi! im samantha sandoval" sabay alok nito ng kamay kay lenard.

Inabot din ni lenard ang kamay nya dito para makipag kamustahan.

"ikaw na ang bahalang mag explaine kay samantha tungkol sa kasong ito. Makakaalis na kayo"

"Yes sir" sagot naman ng dalawa.

Napag kasunduan ng dalawa na pumunta muna sa ospital para makausap ang biktima habang nasa sasakyan sila.

"Why sam?" tanong ni lenard sa kasama.

'Why, what do you mean lenard?"

"Wag kanang mag paligoy-ligoy pa samantha, alam mo kung ano ang tinatanong ko sayo."

"ano ba ang gusto mong malaman?"

Huminga mo na ng lalim si lenard, gusto man nyang tignan si samantha sa mukha hindi nya magawa, sya ang nag didrive ng sasakyan.

"bakit kana lang biglang nawala sam?"

Tapatawa ng pagak si samantha.

"alam mo kung bakit lenard,bakit hindi mo tanongin ang sarili mo kung bakit iniwan kita."

"mamaya nalang natin ito pag usapan sam, malapit na tayo sa ospital."

IKAW LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon