CHAPTER THIRTEEN
Habang naghihintay sila gwen sa ospital ay nilapitan muna nya si sandra para kausapin, ang tita nya ay busy sa kakatxt kaya hindi nya makausap ng matino (sino kayang katxt ni tita ah.. hehe landi landi talaga ni tita). Umupo sya tabi ng kama ni sandra.
"sandra okey kanaba?" tanong ni gwen dito.
"oo, okey narin naman ako. Pasalamat nga ako sa tita mo na naligtas nya ako"
"ganyan naman yan si tita e, matulungin meron kasi yang" tapos lumapit pa sya kay sandra para maibulong ng yung dapat nyang sabihin.
Medyo lumaki yung mata ni sandra ng marinig nya ang sinabi ni gwen dito.
"hindi nga, totoo bayan?" hindi makapaniwalang tanong ni sandra.
"totoo nga yang sinabi ko sayo Wag mo lang sasabihin sa kuya mo at baka matakot yan sa tita ko hahaa.." sabay tawa ni gwen dito.
Makikita naman sa mukha ni sandra ang pag dududa kung totoo nga yung sinabi ni gwen sa kanya.
"ano kaba maniwala ka sa sinabi ko sayo sandy. sandy nalang itatawag ko sayo ha ang haba ng sanrda e hehe.." napa kunot ng noo si sandra.
"pag pasensyahan muna ha madaldal ako ngayon pero mabalik tayo dun sa pinag uusapan natin. Maniwala ka kasi saakin noong una hindi ko rin alam yang bagay nayun pero minsan narinig ko si mama at ang tita ko na pinag uusapan yung tungkol sa bagay na yun. Hindi nga ako makapaniwala e na may ganun pala sya"
"paano nya hinahandle ung bagay na yun?" tanong ni sandy.
"hindi ko rin alam" sagot ni gwen sa kausap tapos kibit ng balikat.
"Ni research ko nga sa internet yung nabanggit nilang kaso aba naging sikat pala ang kasong yun at sa ibang bansa pa nangyari syempre hindi nila nabanggit yung name tita kasi nga isa syang secret imformant sa kanila. Nabasa ko lang yan sa file na nakita ko sa internet. Huwag moring mababanggit kay tita yang mga sinabi ko sayo ha sandy" nakita ni gwen na nangingiti si sandra habang nakatingin sa likod nya.
"hindi ko alam na tsinitsismis mo pala ako pag nakatalikod ako" nagulat si gwen ng nag salita ang tita nya sa bandang likoran nya."
Dahan dahang humarap si gwen sa tita nya na naka peace sign ang kamay.
"hehe.. tita sorry lang naman wala po kasi akong ibang maka usap dito kaya si sandy nalang ang kinausap ko" sabay tingin sa gawi ni sandy na nakita nya pang nangingiti ito sa kanya.
"wala namang bumabawal na makipag kwentohan ka kay sandra gwen, yun nga lang pwede bang huwag ako ang itsismis mo sa kanya."
"sorry naman po tita, totoo lang naman po yung sinabi ko kay sandy, hindi nga ako maka paniwala e, bigla tuloy akong kinabahan kasi may sinabi ka saakin minsan na mag iingat ako sa darating na mga araw. Natatandaan mo ba yun tita?"
Napa kunot ang noo ni bronwynne sa narinig na sinabi ni gwen sa kanya.
"kelan ko sinabi sayo yun gwen?" tanong ng tita nya.
"medyo matagal na po yun tita hindi ko na matandaan e"
"sh*t..!" narinig nyang mahinang sabi ng tita nya.
Hinawakan sya ng tita nya sa may balikat at tinitigan sa mga mata.
"pag sinabi kung mag iingat ka mag ingat ka!" napalakas ang sabi ng tita nya sa kanya.
"opo naman tita lagi naman po akong nag iingat e, wag muna akong sigawan pati si sandy ay tinatakot mo" tumingin si gwen kay sandy nakita nyang medyo namutla ito parang maluluha na. Lumapit dito si bronwynne at hinawakan ang isang kamay.
BINABASA MO ANG
IKAW LANG
Детектив / Триллер"Aray ko!" tinamaan na naman sya ng bola, net ba sya? Kaya lagi sya ang napipiling matamaan? Naisip nya iyon, buti nalang at matigas ang ulo niya kaya hindi ito nag-crack kahit na matigas ang bolang nakatama sa kanya. Pag lingon niya, nakita niya ku...