Chapter 12

488 23 6
                                    

Chapter 12

Kanina pa nakatambay si Zach sa loob ng itim na kotse habang nagmamasid sa paligid. He decided to observe the sorrounding bago bumaba ng sasakyan. Mukhang safe naman at halos mga kabataan lang ang nakakalat sa daan nang mga oras na yun.

For the ninth time he mentally asked himself kung ano nga ba ang ginagawa niya sa lugar? Well, he just wanted to check Alex's location para wala itong takas kung sakaling maisipan nitong mag back out, his alter ego reassured him.

Bukod dun gusto niya ring iwasan si Shannon. Her sister have been so persistent on pestering him this past few days. Kung saan-saan daw kasi siya nagpupupunta na hindi naman niya sinasabi. Siguro'y nagtatataka ito kung bakit napapadalas ang lakad niya na malimit lang namang mangyari.

Fred and Mike, his closest friends are the one who usually visits him para mangamusta. Kung may pupuntahan naman siya, it's either kasama niya ang ate niya dahil sa pangungulit nito o pupunta siya sa isang exclusive cemetery para bisitahin si Bianca.

Bago bumaba, tinignan niya muna si Alex na prenteng nakatayo sa may terrace nito habang kunot na kunot ang noong nakatingin sa labas. She seemed cute on her oversized shirt, he thought. Hindi niya alam na mahilig pala ito sa Disney prints. Her personality and the way she dress is a whole lot different compared to what she was wearing that night--isa sa mga rason kung bakit interesado siyang kilalanin ito.

There's something about her that's so intriguing. May kamukha rin ito.

Kinuha niya ang cellphone and dialled her number na nakuha niya pa mula sa isang private investigator na inutusan niyang kumalap ng inpormasyon dito.

°°°

I wasn't aware of the black BMW car kung hindi pa ito tumawag at bumaba ng sasakyan. I was surprised to see him standing accrosed the lane. Hindi ko talaga masakyan ang trip niya. Para itong puzzle na ang hirap unawain.

But I must admit, he looked--err--good habang nakasuot ng itim na jacket at itim na baseball cap. Hindi ako yung tipo na madaling ma impress lalo na pagdating sa mga lalaki. They all look the same to me pwera lang sa kanya. Siya yung kaiinisan mo dahil paniguradong magmumukha kang pulubi pag katabi mo sya.

I texted him pagkatapos kong pindutin ang end button.

-Anong ginagawa mo rito?-

He leaned against his car and began tapping on his device.

-Making sure you're doing the project.- He replied.

-Told you bukas ko na gagawin.-

-You're wasting my money.-

-Edi ikaw na lang gumawa! Nasa bangko yung pera mo. You can get it whenever you want!-

-You, mad? -

Antipatiko! Sino bang nagpumilit na gawin niya akong assistant sa mga letseng school projects niya!? Hindi lang baliw kundi demanding pa ang hudyo.

Ilang minuto yata kaming parang baliw na nakatayo lang habang abala ang mga daliri sa pagtatype.

-Matutulog na sana ako kung di ka ba naman isa't kalahating disturbo.-

-It's too early to sleep.-

-Yung totoo? Pinalayas ka ba? Umuwi ka na nga!- Taboy ko. Hindi kasi ito yung klase na mag-aaksaya ng panahon para lang makipag text. I'm sure there's more than that.

-I'm bored.-

-Are you nuts? Ang yaman yaman mo tapos bored?-

-Yup.-

-Anong akala mo sa'kin, Clown!?-

-As a matter of fact, yes.-

Aba't! Siraulo!

-Let's go out. I know a place.-

Huminto ako saglit. I didn't know how to respond. It was so hard for me to believe na wala siyang magawa kaya ako ang pinag-aaksayahan niya ng panahon. He can try harder.

I discreetly looked at his direction and well..found him staring.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero kusang gumalaw ang mga daliri ko. The next thing I knew I was already typing Okay and send it to him.

Bachelor's NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon