Chapter 15

565 28 1
                                    

Chapter 15

Last night was unexpected. Zach wouldn't stop teasing her until she threatened him that she would back out as his temporary assistant. Huminto naman ito pero hanggang makauwi na sila ay kinukulit pa rin siya nito sa text.

Sex is important. You wouldn't get the chance to see the world and of course me if not for sex.

Tangina! Hanggang dito ba naman!?

Sex is life. Sex is goal.

Naibato ni Alex ang cellphone niya nang wala sa oras at minabuting matulog na lang at kalimutan ang kamanyakan nito. She did not wish to see his other sides pero unti unti niya ng nakikilala ang ugali nito, and she was not pleased at all.

Agad siyang nagpahapatid dito kagabi when the rain finally slowed down at baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. Mabuti na lang at tulog na si Diane when she got home.

"Ano na? Wala ba talagang nangyaring milagro kagabi?"

Muntik niya ng isubsob si Bubbles sa lamesa at sa kinakain nitong sopas sa sobrang kulit. Alam niyang kanina pa ito atat maki chismis when she told him about what happened na pinagsisihan niya.

"Dapat kasi nagpakita ka ng motibo. Dapat sinunggaban mo! My god! Sa gwapo ba naman ng lalaking yun kahit sinong babae magmamakaawa para makasama siya!" Bulalas nito. Halatang inis na inis ito dahil walang nangyari.

"Kung meron mang atat makipaglampungan sating dalawa, ikaw yun! Kelan ka ba huling nagpa vaccine sa kalandian? We just checked the location. That's it."

"Kung sabagay. Iba nga pala ang trip mo. Besides, sa liit niyan," turo nito sa dibdib niya, "wala talagang magnanasang landiin ka. Kung naging straight ako I won't settle for boobs na kasing flat ng ilong ng malditang cashier sa cafeteria," anito sabay hagalpak ng tawa.

Sa sobrang lakas ng boses nito some customers were able to hear him kaya napuno ng tawanan ang buong lugar. Alex looked at him like she was ready to kill him on the spot. Last time she checked, her ladies are okay; not too big but definitely not that small. How dare him and Zach!

Bakit ba sobrang issue ang hinaharap pagdating sa mga lalaki? E ano kung maliit? That won't make any of the girls less of a person! She thought.

"Madali lang bumili ng kabaong sa tabi. Gusto mo na bang makipag shake hands ni Satanas?" Banta niya.

"Luh. Grabe siya, o. Nako, may pasok pa nga pala ako, friend. See you on Monday."

Dali dali nitong hinablot ang mga gamit at inisang hakbang ang pagitan nila para makipag beso beso saka mabilis na umalis. Wala siyang nagawa kundi sundan ito ng nagliliyab na tingin.

Sinimangutan niya rin ang lahat ng parokyanong nakitawa at nakatingin sa kanya, partikular sa bahaging yun kaya agad huminto ang mga ito. She clenched her fist and walked out of the place. Kahit kelan pahamak talaga si Robert sa buhay niya.

°°°
Afternoon came too fast at handa na ang mga gamit niya para pumunta sa penthouse ni Zach. He already gave her the access card at alam na rin ng mga nasa front desk that she'll be off and on during the entire semester.

She was not cool about the idea dahil sobrang hassle pero mas gusto nito na dun niya gawin ang trabaho kaya wala siyang choice but to obey.

Tantya niya ay matatapos niya ang project sa loob lamang ng tatlong linggo kung mamadalain. Sigurado naman siyang hindi maaapektuhan ang thesis nila at iba pang curricular activities kaya wala siyang masyadong problema.

She planned to stay up until 7pm para worth it ang isang araw. Bumili na rin siya ng ilang makakain para hindi siya gutumin mamaya dahil paniguradong ubos lahat ng energy niya sa katawan. She like foods that are instant kaya puro fast food at cup noodles ang binili niya.

After almost an hour of complaining dahil sa sobrang traffic, finally narating niya rin ang building. Papasok na sana siya sa elevator when she got a call from someone she never thought would call her after the bachelor thing.

"Alex? This is Shannon. Can we meet somewhere private? I'd like to talk to you about a very confidential matter."

She can sense the urgency in her voice. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan. Wala sa sariling sumang-ayon siya.

°°°

Pagkatapos iwan ang ibang gamit sa penthouse ay agad niyang pinuntahan ang isang high end restaurant na sinabi nito.

True to her words, nandun na nga ito at matyagang naghihintay sa kanya. She looked upset kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pinili nito ang isang private room para makapag usap daw sila ng walang ibang makakarinig.

"I'm glad you came, Alex. Sorry to bother you at this time. Take a seat."

Isang tango ang sinukli niya rito. "Ano ba'ng pag-uusapan natin?"

Shannon took a deep breath. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I know you and my brother are constantly communicating after the unfortunate date. This past few days, surprisingly, I saw some progress on him kaya naisipan kong mag imbestiga. Alam ko rin na ikaw ang pinapagawa niya sa mga projects niya kahit matagal ng may naka assign na gagawa nun para sa kanya. Una pa lang kitang nakita, alam ko na agad ang dahilan."

Alex was surprised that she know all of that. But knowing their connections, alam niyang sisiw lang para sa mga ito ang kumalap ng inpormasyon.

She didn't know how to react kaya mas pinili niyang manahimik at hintayin ang susunod nitong sasabihin. After a long and painful silence ay may kinuha itong kung ano sa loob ng purse nito and placed it on the table. Saying that she was shocked was an understatement.

"Zach doesn't really need you as his assistant. He's interested in you because you look exactly like Bianca, his girlfriend who died 2 years ago," anito. Tumahimik muna ito ng ilang segundo bago nagpatuloy, "at gusto ko sanang humingi ng pabor sa'yo. I know your parents are already old and needs to take a break from working abroad... kaya kapalit ng dalawang milyon, I want you to please do your best to make Zach happy. I figured this is too much for you to digest but I am begging you. Money is not a problem here. And this is not an offer nor a proposal, but a request coming from me and my desperate parents. We want Zach to come back to his old self, at alam kong kaya mong gawin 'yon."

She was stunned.

"Wait, what!?"

Make him happy? Dalawang milyon?! What the fuck is she talking about!? Ang pagkakaalam ko sa libro lang nangyayari ang mga ganitong eksena! I'm going nuts!

Bachelor's NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon