Chapter 23

333 19 2
                                    

Chapter 23

How many times do I have to wake up feeling disoriented? Wala naman akong balat sa pwet pero bakit puro kamalasan ang nangyayari sa 'kin?

"Kumusta ang pakiramdam mo, hija?"

I was stunned when I saw an old woman sitting beside me. Muntik ko na siyang ma uppercut dahil sa sobrang gulat. Kahit maaliwalas ang mukha nito, mas nangingibabaw pa rin ang takot na baka isa siya sa mga napapabalitang terorista na pakalat kalat sa bansa.

I know I was exaggerating things pero ano bang malay ko.

She was talking in her own dialect, pero dahil may konting alam ako sa salitang bisaya, I was able to comprehend.

I immediately moved away and grabbed the blanket to protect my stupid self.

Kumpara nung una, the place was entirely different. Para itong kubo na ina-upgrade sa mas modernong estilo at kagamitan.

"Nako. Huwag kang matakot, anak. Hindi ako masamang tao. Mahigpit na ibinilin ni Senyorito na bantayan kita hanggang sa magising ka. Okay ka na ba?" anito.

Now I'm totally in awe. Where the hell am I? At sino ang sinasabi niyang Senyorito?

Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko sa daming tanong na gusto kong hanapan ng sagot ora mismo.

Can I just go back to sleep and see if I'm just having a nightmare?

"Ang mabuti pa'y sumunod ka sa 'kin. Nandun sila sa likod ni Nestor."

Wala akong nagawa nang alalayan niya akong tumayo. I can smell the sea breeze up from here. Sigurado akong nasa paligid lang ang dagat.

Alam kong hindi ito ang tamang panahon para mamangha, but every corner of the house was extremely out of ordinary. The designer did a great job of combining the old and modern designs all at one.

It will make you feel at home, except that I am away from my own house at hindi ko alam kung sinong adik ang nagdala sa akin dito.

Could it be..

"Senyorito Zach! Gising na po ang kaibigan ninyo."

I stood still, unable to move my feet and process everything.

Zach was holding a knife and a coconut on the other hand. Dapat straight lang ang tingin ko pero tangina. Fuck him for having a good physique.

He was looking at me with his signature smirk. Pa'no niya nagagawang mag relax habang parang sasabog ang ulo ko sa mga nangyayari?

"We need to talk." I made sure to emphasize every word para ma gets niya na ano mang oras pwede kong itarak ang kutsilyo sa noo niya kapag hindi siya nag seryoso.

"Manang, pakihanda niyo na po ang hapag. We'll follow after our small talk," aniya sa matanda.

Ginagalit talaga ako ng walang hiya.

He motioned me to follow pero inunahan ko na siya paglakad.

The whole island is a true paradise, no doubt, but I could not appreciate the beauty at that point.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang mapagod, saka ako huminto at hinarap siya.

"Now what?" tanong niya.

Lahat yata ng kulo sa katawan ko umakyat na papunta sa ulo ko. Dahil sa sobrang yamot pinagbabato ko siya gamit ang maliliit na bato na nakita ko lang kung saan.

"Now what!? E kung watwatin ko kaya yang katawan mo!? This is kidnapping!"

Imbis na umiwas, tawa lang ito nang tawa habang nakaharang ang dalawa niyang kamay sa harapan.

"You think this is a joke!?"

"You agreed to be here."

"Are you fucking kidding me!? Wala kang ebidensya!"

He did not say anything.

Bagkus, may kinuha siyang cellphone sa bulsa. He did some tapping and showed me a short clip of a girl lying at the back seat of a car.

Kahit saang anggulo tignan, hindi maipagkakailang ako ang babaeng yun.

"I'm heading to our private island for a week, wanna come?"

"Mmmh, y-yes."

I could not believe I agreed to that. It couldn't be true!

"I'm sure it was altered, you idiot! There is no way I would say that! And besides, how the hell did I end up in your car and in this place when I should be at the museum looking so bored and all!?"

Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"You should be scared of how unconscious your body can be. About the museum, you can ask your prof about it. They'll be here in 3 days."

He then turned around and started walking away.

"The brunch will be ready in a minute."

Out of frustrations, sinugod ko siya sa likod hanggang sa matumba kaming dalawa. Muntik ng mabagok ang ulo ko sa nakaambang bato if he wasn't quick enough to grabbed me by hand.

Pareho kaming nakatingin lang sa isa't-isa, nagpapakiramdaman. My heart began to beat faster than the usual. Pamilyar sa'kin ang pakiramdam na'to.

Hindi ko alam kung anong maligno ang sumapi sa 'kin. Naramdaman ko na lang na kusang pumikit ang mga mata ko as if waiting for something to happen.

"Do you want me to kiss you?"

"N-no!"

"How about an intimate sex?"

"Excuse me?!"

Mabilis akong bumalikwas at inambangan siya ng suntok.

Isang malutong na tawa ang naging sagot niya.

"Gago!"

"I know. Let's go."

I swear he's going to be the death of me!

Bachelor's NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon