Chapter 13
It took a huge amount of effort and white lies before Alex was able to get out of their house. Unfortunately gising pa ang ate niya. Katakut-takot na question and answer portion muna ang naganap bago siya pinayagan nitong lumabas.
"Hoy! Nakikinig ka ba? Ang sabi ko hanggang 11pm lang or else I'll call the police para tulungan akong hanapin ka," sita nito nang buksan niya na ang pinto.
"Oo na." She scowled and rolled her eyes. Kahit kelan ang oa talaga ng kapatid niya. Minsan gusto niya na lang bumukod just to save her soul from a lot of stress pero siguradong sisigawan lang siya nito at ikukulong hanggang sa mabaliw sya.
"Talaga bang si Bubbles ang kasama mo? Kuu! Pag ikaw napahawak nanaman ewan ko na talaga!" Hirit pa nito but she cut her off immediately.
"Bye, ate. Matulog ka na nga lang. Hindi na'ko bata kaya bawas bawasan mo na ang masyadong pag-aalala."
She intentionally stretched the word matulog para hindi na ito maghintay. Sigurado naman siyang hindi sila magtatagal ng binata. At isa pa, pinaunlakan niya lang naman ito dahil wala siyang magawa. It's Friday night after all. She needs to unwind and enjoy herself after a draining week.
But how am I going to enjoy kung si Zach na may sayad ang kasama ko? She mumbled to herself.
Speaking of the devil, naabutan niya itong nakapamulsa habang abala ang isang kamay sa kakapindot sa cellphone nito. Are those pictures? Parang letrato kasi ng babae ang nakita niya.
She always feel confident with her look but for whatever weird reason bigla siyang na conscious sa suot niya lalo na when he scrutinized her from head to toe.
Wala namang masama sa get up niya. Well, she decided to wear a loose shirt, leather jacket, a pair of jeggings and of course, her favorite Nike shoes. It was her most comfortable attire pero bakit pakiramdam niya gusto niyang bumalik at magsuot ng mas pormal na damit?
Kala mo naman may date ka, gaga!
"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan! Sa'n ba tayo pupunta? 2 hours lang ako pinayagan kaya hindi tayo pwedeng magtagal."
"Strange. How old are you?" Kunot noong tanong nito.
"O, akala ko ba pinaimbestigahan mo'ko? I'm sure you already know the answer."
"You're 20 pero may curfew ka pa?"
"Bakit ikaw, wala?"
Imbes na sumagot ay nauna na itong pumasok sa sasakyan.
Gago hindi man lang ako pinagbuksan!
°°°
Dalawangpung minuto na silang nagbabyahe pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung saan sila pupunta.
"Are we having a joyride, a mute contest or what?" Hindi niya napigilang itanong. Mababaliw siya sa sobrang tahimik ng paligid. Kanina lang ang kulit nito.
"We're almost there," tipid nitong sagot. Bakit ba napakamisteryoso nito? Bukod sa puzzle ay para rin itong bagyo sa sobrang unpredictable.
Kesa mainis ay inabala niya na lang ang sarili sa pakikinig ng music. Mayamaya pa'y huminto sila saglit at may kinausap itong mga tao. Pagkatapos nun ay ipinasok nito ang sasakyan sa isang magarang gusali. She snapped. Alam niya ang lugar na yun.
"T-teka lang! Condo 'to di ba!? Walang hiya! Sabi ko na nga ba! Bukod sa school projects alam kong may itim kang binabalak! 100,000 yung binigay mo kaya imposibleng walang ibang dahilan! FYI hindi ako ganung klas--"
"This is our condominium and I'm going to let you use my penthouse para sa mga school projects na gagawin mo. Ipapakita ko lang sa'yo. And one more thing," Zach looked at her intently mula ulo hanggang beywang, "bukod sa wala kang dibdib, you're too plain to hook up with."
Ha!
Pakiramdam niya kumawala ang kaluluwa niya ng ilang minuto sa sobrang inis na nararamdaman. How dare him!
"What? Hindi ka ba bababa?" Untag nito nang hindi pa rin siya kumikilos. She wanted to curse but she lost her tongue all of a sudden.
Walang dibdib? Too plain!? Nagbibiro ba sya!? 34b ako, tangina niya!
Walang kibong sumunod siya rito kahit masama pa rin ang loob.
Ang daming arte ng mga mayayaman e pwede namang sa bahay niya na lang gawin lahat kahit magulo ang kwarto niya.
Bubulong bulong siya hanggang sa elevator. Ni hindi niya namalayang nakalabas na pala sila at nasa pinakatuktok na palapag na ng building. Kahit naiinis she instantly fell in love with the place when they reached the outdoor. Namangha siya sa sobrang ganda ng landscape. May maliit na fountain din sa gitna at sa pinakadulo naman ay ang exclusive room na naka bukod.
That must be the penthouse, she thought.
Zach motioned her to follow. Open area iyon kaya malayang nakakapasok ang mumunting patak ng ulan. She heard the news earlier na may bagyong paparating pero sana naman hindi siya maabutan. Dali dali siyang sumunod dito. May pinindot pindot ito sa may pintuan bago iyon bumukas.
Napasinghap naman siya ng wala sa oras. Kung maganda sa labas, mas lalong nakamamangha sa loob. The room shows nothing but luxury. The interior designer did a great job in putting everything into its perfect place. 50% ng silid ay naka glass wall kaya kitang kita niya ang nagtataasang building sa labas. And the street lights, it was breathtaking.
"This is amazing but why do I have to do all the works here?" she asked curiously.
"So you can work properly. Matagal na'tong nakabakante kaya ipapahiram ko muna sa'yo."
Tumaas ang kilay niya. "Alam ba'to ng ate at ng parents mo?"
"No one needs to know." He said. "You can check around. I'll leave you here for a minute at may pupuntahan muna ako. Aalis din tayo agad."
She was about to nod when the thunderstorms began to growl kasabay ng napakalakas na bugso ng ulan. Anakng! Halos wala na silang makita sa labas. The heavy strings of rain covered the entire city and it was impossible to leave the place.
"Shit! I guess we'll be stuck here for awhile." She heard him say.
Bigla siyang naalarma. Tinignan niya ito pero nakatingin din pala ito sa kanya kaya agad niyang binawi ang tingin at nagkunwaring bingi.
Kalma, Alex!!
BINABASA MO ANG
Bachelor's Night
RomanceBachelorsnight.com is a website compose of hot bachelor men that you wished you have as a boyfriend. Cold and insensitive Zachary is one of the hottest picks out of them. Alex, being the boyish type that she was, hated the site. She believes it's d...