Chapter 19

342 15 3
                                    

Chapter 19

"One week na lang tapos na ang kontrata mo kay pogi. Hindi mo ba siya mami-miss??"

I made a face and snapped at Bubbles na nooy abala sa paglalagay ng blush on sa mukha. Ang init na nga ng panahon nakuha pa nitong magmake-up.

Two weeks. Dalawang linggo rin akong hindi nagpakita kay Zach matapos ang insidenteng 'yon. I just thought I needed a long break after what happened. Wala na rin akong narinig mula sa ate niya so I guess everything will just go back to normal after this week.

I intentionally ignored his calls and texts to relax my entire self. Ginagawa ko pa rin naman 'yong project niya na malapit ng matapos out of courtesy. Pakiramdam ko kasi kapag kasama ko siya puro kamalasan lang ang nangyayari sa'kin. It needs to stop.

I immediately brush him off out of my head bago pa ako tuluyang maasar.

Today is going to be a long travel day. We are heading to Cebu kasama ang iba pa naming colleagues para sa scheduled field trip this semester. This will going to be our last trip so I am hoping it will be worth it.

"Lex? Ano sa tingin mo ang mas maganda? Itong purple o orange?" Narinig kong tanong ni Bubbles. He's holding two lipsticks on both hands na akala mo naka depende ang buhay niya ro'n.

"Black. Bagay sa naaagnas mong mukha!" Inis kong sagot. Hahampasin niya sana ako nang magsalita si Mr. Katakutan sa harapan naming lahat. As usual, singkintab pa rin ng ginto ang noo nito.

"Everyone, listen!" Lahat kami natahimik. "As you may all know, Cebu is our next destination. Dalawa lang kaming handler niyo so we ask for your full cooperation on this trip. No one should escape to roam around the City without our approval. And above all, no excessive wearing of make-up, right, Robert? Hindi club ang pupuntahan natin for Chris' sake!" Matalim ang tinging ipinukol nito kay Bubbles. Gusto kong matawa pero mabilis niya akong inirapan."Last but not the least, some students from an elite School will be joining us. I know this is very sudden but treat them well, okay?"

What the heck!? Everyone was in shock. Akala ko ba exclusive lang 'to para sa block namin? Bakit kailangan pang makisawsaw ng iba? This is not part of what we have discussed and agreed!

I was about to raise my hand and say something when we heard some screeching sounds. Lahat yata kami napanganga sa nasaksihan. Three fucking luxury cars and a Van stopped few steps from us.

"They're here!" Masayang anunsiyo ng professor. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanila.

But someone specifically caught my eyes.

You've got to be kidding me!

"Lex! Lex! Diba si ano 'yan!? Oh my god! At tignan mo! Ang dami ring papabells sa loob ng mga sasakyan! This is going to be so much fun!"

Hindi ko pinansin si Bubbles kahit halos sumabog na ang tenga ko sa lakas ng tili niya.

Naka focus lang ang atensyon ko sa iisang tao. Kahit medyo malayo siya, kitang kita ko pa rin ang sarkastiko niyang ngiti.

Alam kong halos maglaway na ang ilan sa mga kasama ko habang nakatitig sa kanya, pero bakit nandito siya!? Out of all people, why him!?

"We're so glad you let us join your team, Samuel." Bati nung babae na mukhang Dean ng School nila. "It's a request that we can't say no, I hope you don't mind."

"No, definitely not. It's quite unexpected but the pleasure is on us, Miss Chu. Sabi nga nila, the more the merrier." Magiliw na bati rin ni kalbo.
"Thank you. Pa'no, we just drop by to say hello. We'll see you all in the hotel tonight." Paalam nito.

Matapos ang maikling batian ay agad ng umalis ang mga ito. Nagtilian naman ang mga babaeng kasama ko when some of those guys wave at us.

Nanghihinang napatingin ako sa kawalan. This can't be real! Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Wala na akong nagawa nang isa-isang magsitakbuhan ang lahat papuntang sasakyan. Lahat yata sila sobrang excited maliban sa'kin.

Mabigat ang loob na pumwesto ako sa pinakadulong parte ng Van kahit gusto ni Bubbles na tabi kami sa unahan. I need my own space.

Handa na akong magpakalunod sa playlist ko when a text suddenly came in. Tinatamad na tinignan ko ang mensahe.

You look cute today. See you later.
-Zach

Bachelor's NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon