Shin's POV
Buong araw natulog lang ako, buong araw din ang tahimik ng bahay at pakiramdam ko ay tulog din sila kuya. Sinusulit na lang namin yung masasayang oras namin kasama yung kama namin. Lagi na lang kasing puro training kapag nandito sila Sr. Matt, gusto niya kapag nandito siya may araw na siya ang trainer namin tapos iba pa ang training kay Soul. Especially for my case, he won't let me stop training, 24/7 nasa training hall ako ng HQ ng Glacifier and if it wasn't for my mom baka hindi na rin ako nakakatulog.
Wala eh, I was born to be Sr. Matt's daughter.
It's weird na kahit sa isip ko, hindi ko siya matawag na 'Papa' it's like the word is the most foreign word in our lives that it became forbidden. Ang weird na para sakin na tawagin siyang papa. Plus, I wouldn't even dare calling him that, it's like a mortal sin. First word ko nga ata "Sr. Matt" at hindi "Papa".
"Shin, andito na ang parents niyo." Pagkatok ni nanay Corazon at napabangon kaagad ako sa kama ko. Tumingin muna ako sa salamin at saka lumabas ng kwarto ko. Nakita kong nasa baba na sila kuya at mas binilisan ko pa ang paglakad ko.
"Good evening po." Sabi ko at nagbow sa kanila.
"Don't be so distant, Shin." Nakangiting sabi ni mama and she spread her arms for me and I hugged her. Awkward.
"Good evening po, Sr. Matt." Bati ko sa kanya at nag bow at tumango naman siya sakin.
"Are your wounds fine?" Tanong ni mama. Napansin niya siguro yung benda sa kamay at paa ko pati yung mga pasa sa braso ko.
"Opo." Sagot ko at umupo na ako sa sofa.
Lahat kami tahimik, walang ibang nagsisimula ng conversation kung hindi si Mama. I feel like we don't have the right to start the conversation with them, pakiramdam ko iniisip nila binabastos ko sila. Ewan ko, as a child sobrang daldal ko kay Mama. Lagi siyang nakangiti tuwing dinadaldal ko siya, but I always noticed that Sr. Matt always looked like his annoyed with me, with my presence, kaya at the age of 7 I was already distancing myself from my parents. Especially from him.
Nangamusta lang ng kaunti si mama samin at nakikinig lang si Sr. Matt. Hanggang sa bigla na lang siyang nagsalita.
"Get dressed. We're going somewhere." Sabi niya at tumayo naman kami para sundin siya.
I wore a simple blue dress at pinatungan ko ito ng white coat dahil hindi naman pwedeng makita ng mga tao ang mga pasa ko sa braso, magmumukha akong battered child or binubugbog ng magulang, which in a way is true, but they'll never understand, those who can are few.
Mabuti na lang wala akong mga pasa sa legs ko, kung hindi, balot na balot ako tuwing lalabas ako until these wounds heal.
Bumaba naman ako kaagad pagkatapos kong magbihis at nasa baba na sila kuya. Buti pa lalaki. Polo at pants lang, okay na. But it's ugly, lahat sila nakasuot ng polo tapos may hawak silang tuxedo just in case ne we need to enter somewhere that needs extra formality.
Never naman kasi sinabi sa amin kung saan kami pupunta, gulatan na lang palagi. Kaya ang naging motto na lang naming lahat: it's okay to come overdressed that underdressed. It's much more embarrassing when you're underdressed, unlike being overdressed, you get the attention because you stand out.
Umupo ako sa tabi nila at tahimik kaming nag-intay.
"Tang ina, kinakabahan ako." Bulong ni Blake sa tabi ko at natawa naman ako nang bahagya sa sinabi niya.
"Lahat naman tayo kinakabahan, 'wag ka mag-alala." Sabi ko sa kanya at dahan-dahan naman siyang huminga and stopped swinnging his feet.
"Let's go." Malamig na sabi ni Sr. Matt at nakasunod naman kami sa kanya. Bat' naman kay mama sweet siya, magka-holding hands pa nga sila. Tapos sa 'min sobrang cold? Favoritism talaga, ana?
BINABASA MO ANG
I Know Places (COMPLETED)
Teen FictionYou stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them whisper as we pass by It's a bad sign, bad sign Something happens when everybody finds out See the vultures circling dark clouds Lov...