40

11 1 0
                                    

Shin's POV 

"Shin, sabihin mo na kasi sa'kin, ano bang problema ni Brigitte?!" Sigaw na naman sa'kin ni Blake at ginulo pa ang kama ko. 

Kung nandito lang si Kris malamang nag-away na naman silang dalawa dahil sa paninigaw sa'kin ni Blake. 

"Blake, hindi ko nga alam. Walang binabanggit sa'kin si Brigitte, hindi ko rin siya tinatanong ulit nung hindi naman niya ako sinagot. Wala akong pakielam sa relasyon niyo." Tahimik kong sabi sa kanya habang nag-aayos ng gamit ko sa hotel room ko dahil Christmas ball na namin. 

Hindi ko alam kung gano katagal ko kayang itago kay Blake 'yong sakit ni Brigitte, sobrang hirap dalhin 'yong sakit ni Brigitte. Ang hirap na ako lang ang nakakaalam kaya minu-minuto nag-aalala rin ako sa kanya. 

"Ah, kasi okay naman yung love life mo kaya wala kang pakielam saming mga kapatid at kaibigan mo, diba?" Panunumbat na naman niya sa'kin at tahimik na lang akong tumango sa tanong niya. 

Hindi ko naman siya masisisi, ganon naman talaga ang magiging dating sa kanya kahit anong pagpilipit ng mundo. Pinapabayaan ko na lang siyang isipin na tama siya. Para kahit papano, something will make sense in Blake's head, because right now, everything's just so confusing and blurry. Especially for him. 

"Tang ina naman, Shin. Hindi ba pwedeng gawan mo ako ng pabor? This is the first time I'm asking you a favor." Mahina niyang sabi at hinarap ko na siya. 

The sight of Blake really just pains me, halatang pinabayaan na niya ang sarili niya at ngayon mas naging pala inom na rin siya. Halos araw-araw amoy alak. Palaging galit at hindi makausap nang maayos. Palaging si Brigitte ang bukang bibig. 

"Blake, I've said this a thousand times already, tinanong ko na si Brigitte and she won't tell me, knowing how stubborn she is, you shouldn't be surprised." Sabi ko at lumungkot naman ang expression niya. I could just see how tired he is. 

We're just all tired. Pagod na pagod na kami sa nangyayari sa kanya-kanya naming mundo and it's just very overwhelming. 

"It's just fucked up, hindi ko na alam gagawin ko, I'm going crazy." Sabi niya at huminga nang malalim at natahimik kaming dalawa at naupo naman siya sa sahig.

"Just... Just be with her. 'Wag mong sukuan, still try to be with her the most of you can." Sabi ko at napatingin naman siya sa'kin. 

"At least you could say that you did your best, in case na hindi talaga mag-work." Pahabol ko pa sa kanya at ngumiti naman siya nang bahagya. 

"Tang ina talaga, hindi na ako pogi." Mahina niyang sabi at maya-maya pa ay umiyak na. 

If he did this for the first time I would've been shocked, but he's been crying in front of me for the past few weeks, and every time, I'll be torn if I should tell him or should I keep my quiet. 

"It's okay, everything will get better.." Mahina kong sabi sa kanya and I hugged him. 

I know it's not nice to feel that what's happening to my brother's unfair, I know Brigitte's also having a hard time, but I really do feel bad for him. Sobrang sakit sa'kin na makitang ganito mga kaibigan at kapatid ko. Ang gulo-gulo. Ang hirap maging masaya. Nakaka-guilty maging masaya. 

-

"Hi, bub!" Masiglang bati ni Kris pagkapasok niya sa hotel room ko at nginitian ko naman siya nang bahagya. 

"What's wrong?" Tanong niya at napatingin naman siya sa t-shirt ko na basang basa sa balikat na part. 

"Blake?" Tanong niya at tinanguhan ko naman siya at niyakap naman niya ako nang mahigpit. 

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon