25

43 1 0
                                    

Shin's POV

Wala pa kong isang oras na nakakatulog pero nagising na agad 'yong diwa ko dahil sa pakiramdam na may nakatingin sa akin. Hindi ko muna idinilat ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid ko.

"Bakit ba hindi na lang natin patayin 'yan? Isang putok lang ng baril dyan oh." Narinig kong sabi ng isang lalaki na nanggaling sa likod ko.

"Gago ka ba? Kapag napatay natin 'yan tingin mo ligtas na kaagad buhay natin?" Rinig ko namang sagot ng isa pang lalaki.

"Eh madali nang patayin 'yong mga 'yon. Itong isang 'to masamang damo eh." Sagot ng isa pa at nakaramdam ako ng baril na nakatutok sa akin.

"Oh sige patayin mo na nang mapatay ka rin ni boss pagbalik mo sa Hide Out."

Hide Out?

"Asan ba cellphone nito nang malagyan na ng tracker?"

"Nalagyan mo na ba ng tracker 'yong sasakyan nito? Pati ng mga mic yung palibot ng unit?"

"Oo. Saglit lang hahanapin ko 'yong cellphone tapos sibat na tayo."

"Tara na." Sabi ulit nung isang boses pagkatapos ng katahimikan.

"Ba't ang tagal mo?! Pawis na pawis na ko ron at baka biglang magising 'yon tapos ikaw pa petiks-petiks ka na lang? Bilisan mo ngang bumaba!" Sabi nito at nawala na yung presensya nila sa paligid ko kaya agad kong idinilat ang mata ko.

Agad akong nagpunta sa balcony at nakita ko silang bumababa mula rito. Nagpalit lang ako ng damit at sinundan ko na sila palabas.

Matapos ang ilang minutong pagsunod sa kanila ay nakarating kami sa isang pamilyar na bahay.

Nakita kong maraming tao ang nakapalibot sa bahay at lahat sila may armas. This is not fucking good.

"Ano? Handa na ba kayo? Asintado na ba ni Snipe yung target?" Tanong nung lalaking nasa kwarto ko kanina at tumango naman ang isang lalaki at may tinignan sa isang puno.

Tinignan ko yung punong tinignan nito at nakakita ako ng sniper. Agad akong nanakbo papunta sa punong 'yon at dahan dahang inakyat ang puno at mabilis na pinatulog ang sniper.

I have to be the most quiet and careful as I can, one wrong move and this can all go down to hell.

Pinagmasdan ko ang bahay at nakitang may limang katao lang sa likod. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng bahay at agad na pumasok sa isang bintanang bukas bago pa sila lumingon sa gawi ko.

Sa isang bakanteng kwarto ako nakapasok at nakita ko namang walang tao kaya agad akong lumapit sa telepono dito at dinial ang number ng taong makakatulong sa amin ngayon.

"Auxilium." Sabi ko nang hindi na pinagsasalita ang sumagot at ibinaba na ang tawag. Lumabas na ako sa kwartong pinasukan ko at tumambad sakin ang sandamakmak na armadong lalaki.

Asan si kuya Jin? Imposibleng hindi niya ramdam 'tong mga 'to.

Isa-isa kong pinatumba ang mga lalaking umaatake sakin at sa lahat ng makakaya ko, hindi ako gumawa ng ingay. Ayaw ko ng magtawag pa ng bisita sa loob ng bahay.

Nang maubos ko sila ay agad akong nanakbo papunta sa kwarto ni kuya at nakita ko siyang himbing na himbing ang tulog. Anong nangyari sa kanya? May mali rito eh. Napakunot naman ang noo ko nung makakita ako ng mga bote ng alak sa kwarto niya.

"Kuya." Mahina kong paggising sa kanya.

"Kuya, tang ina gumising ka. Kaunti na lang oras natin." Sabi ko sabay sipa nang malakas sa paa ng kama niya dahilan para masira 'to at magising siya.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon