39

11 0 0
                                    


Shin's POV

"Shin, wake up." Mahinang bulong ni Kris sa tenga ko habang pinaglalaruan ang buhok ko. Hindi ko naman siya pinansin at mas hinigpitan ang yakap sa kanya kaya naman bahagya siyang natawa. 

"6 am na, diba may training kayo ng 8?" Tanong na naman niya sa'kin at tinanguhan ko siya. 

"It's still early." Mahina kong sabi sa kanya at kinuha ang isa niya pang kamay para ilagay sa bewang ko kaya naman niyakap niya rin ako nang mahigpit. 

"Bangon ka na, drive thru tayo before ka mag-practice." Sabi niya at inalog ako kaya naman sinimangutan ko siya. 

"Pasalamat ka mahal kita, palagi mo na lang ako ginigising." Naka nguso kong sabi at tinawanan naman niya ako nang malakas. 

"Bilis na, get dressed. I'll wait for you here since wala naman kami training." Sabi niya at nang inggit pa nga.

 "Epal." Mahina kong sabi at naglakad na papasok sa cr ko. 

-

"Akala ko ba drive thru lang tayo?" Tanong ko sa kanya nang nag-park siya sa McDonalds.

"Wala lang, hindi pa tayo nakakakain sa loob ng McDonalds eh." Sabi niya at napa-isip naman ako, and he's right. Weird. 

Naglakad na kami papasok ni Kris at nung maghahanap na dapat ako ng uupuan namin ay hinablot niya ang kamay ko papalapit sa kanya. 

"Why?" Tanong ko at bigla naman siyang nagpacute. 

"Don't leave me, hindi ako marunong um-order." Sabi niya at tinaasan ko naman siya ng kilay. 

"Anong hindi? Ikaw nga lagi yung nag-oorder sa ating dalawa." Sabi ko sa kanya at umiling naman siya. 

"That's not me, that's Kris. I'm baby." Mahina niyang sabi using his baby voice na nakapagpalaki sa mata ko. 

Why is that so adorable?! 

"What the fuck was that?" Gulat kong tanong sa kanya at nginitian niya lang ako at ako na ang itinulak sa counter para um-order. 

"What do you want to eat?" Tanong ko kay Kris at sabay kaming tumingala to pick our food. 

"I want pancakes po, pati iced coffee. 'Yun lang po." Mahina niyang bulong sa'kin at natatawa naman akong inulit ang order niya sa counter. 

"Go take a seat na. Ako na bahala." Sabi ko sa kanya at agad naman siyang ngumiti sa'kin at naghanap na ng table para sa'ming dalawa. 

"Ang cute naman ng boyfriend mo, ma'am." Sabi sa'kin nung cashier at tinawanan ko siya. 

"Anak ko 'yun ate, ang lakas nga dumede." Pagbibiro ko at nanglaki naman ang mata niya bago matawa nang malakas sa sinabi ko. 

"Ano 'yon? Bakit biglang tumawa nang malakas 'yung babae?" Pagtatanong sa'kin ni Kris pagkalapit ko sa kanya at nginitian ko lang naman siya. 

"Girls talk lang." Sabi ko sa kanya at tinanguhan niya ako. 

Umupo ako sa harapan niya at nginusuan na naman niya ako. 

"Why? What's wrong?" Tanong ko sa kanya at lalo siyang ngumuso. 

"What's wrong, Kris? Did they got the order wrong?" Tanong ko at umiling naman siya sa'kin. 

"Tabi." Sabi niya na parang bata at tinapik ang katabi niyang upuan at natawa na naman ako sa kanya. 

"What's with you today? Why are you acting like a baby?" Tanong ko sa kanya at tinignan naman niya ako na para siyang nagtataka. 

"I'm not acting like a baby, I am baby." Sabi niya at tinanguhan ko na lang siya at lumipat sa upuan na katabi niya.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon