Shin's POV
Ngayon ay sobrang nakakapanibago na araw, dahil nagising ako dahil sa ingay ng batang umiiyak. And it is so fucking annoying!
Lumabas na ako sa kwarto ko at mula dito ay nakita ko sila kuya sa sala na halos hindi na magkanda-ugaga sa pagpapatahan kay Hiro.
"Ang ingay naman niyan." Sabi ko nung nakababa at napatawa sila kuya.
"Nakalimutan kong hindi mahilig sa baby 'tong isang 'to." Sabi ni kuya Trace at ginulo ang buhok ko bago siya manakbo papunta ng kusina.
"Shin, pabantayan si Hiro ko, kukunin ko lang damit niya. Basang-basa na ng pawis. Kanina pa 'to umiiyak." Sabi ni kuya Jin at nataranta naman ako. Dahil unang-una, wala akong alam sa bata, ni hindi ko nga alam kung pano man lang kumarga ng baby, at pangalawa, sigurado ako na hindi ko naman mapapatahan si Hiro.
"Sila kuya? Asan? Si mama? Nanay Corazon?" Tanong ko at umiling siya.
"Nautusan ko na mga kuya mo, umalis naman sila mama kasama si nanay Corazon kaya ikaw na ang last choice ko." Sabi niya at nanakbo na papunta sa kwarto ng anak niya.
Napahinga ako ng malalim at lumapit ako sa crib ni Hiro at nakita ko kung pano siya pumiglas at umiyak ng walang luha. And damn, baby pa lang siya at hindi pa maayos na nafoform ang mukha niya pero bakit ang gwapo na niyang tignan? Nakakaproud si kuya Jin!
"Uh, can you stop crying? Nakakaistorbo ka kasi ng tulog ng ibang tao, e." Sabi ko sabay kalabit ng mahina sa kamay niya.
Nahawakan naman niya ang daliri ko at maya-maya pa ay napatigil siya sa pag-iyak kung kaya't tumahimik ang buong bahay.
"Buhay pa ba yung anak ko?!" Sigaw ni kuya Jin at nakarinig ako ng mabilis na mga takbo sa paligid ko. Kung saan-saan nagsulputan ang mga kapatid ko na may takot na takot na mukha.
"Please tell me you didn't choke Hiro." Sabi ni Blake habang nakapikit na lumalapit sa akin.
Lahat sila ay nanglaki ang mata nang marinig nila ang tawa ni Hiro.
"Paano?" Litong tanong ni kuya Jin at tumingin sa 'kin.
"Hindi ko alam. Sinaway ko lang siya at sinabihan na 'wag siyang maingay tas hinawakan niya kamay ko tas tumahan na siya." Sabi ko at dahan-dahan na tinanggal ang daliri ko sa hawak ng kamay niya at nakita ko naman na namula yung mukha niya at maya-maya pa ay nagsimula na naman siyang umiyak.
Tinignan ako ng makahulugan nila kuya at napailing ako.
"Hell no." Sabi ko at tumingin kay kuya Jin.
"Please, Shin? Ang hirap patahanin nung bata. Baka mamaya hindi na makahinga si Hiro ko kakaiyak eh." Sabi niya at tinignan ang anak niyang umiiyak na naman.
"Oh God." Sabi ko at pinahawak muli ang daliri ko kay Hiro at matapos ang ilang segundo ay kumalma na ulit siya.
"Dalhan ka na lang namin ng pagkain dyan." Sabi nila kuya at nawala na naman sila sa paningin ko.
"Hala oo nga, nagsh-shine yung mata mo." Sabi ko dun sa baby at nakita kong kuminang ang mata niya.
"Samin mo yan nakuha, positive." Sabi ko at natawa. Sa amin naman talaga. Kadalasan, yun ang napapansin saming magkakapatid. Parang kumikinang daw yung mata namin minsan.
Tumawa naman sa 'kin si Hiro at napataas ang kilay ko.
"Tawa ka dyan? Nagpapatawa ba ko?" Tanong ko sa kanya at narinig kong tumawa si Blake.
"Pati ba naman sanggol aawayin mo?" Tanong niya sakin.
"Diba sabi ko ayaw kong maging katulad natin siya? Bakit baby pa lang siya abnormal na siya kagaya mo?" Tanong ko at napahagalpak siya ng tawa.
BINABASA MO ANG
I Know Places (COMPLETED)
Ficção AdolescenteYou stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them whisper as we pass by It's a bad sign, bad sign Something happens when everybody finds out See the vultures circling dark clouds Lov...