12

40 1 0
                                    

Shin's POV

Sabi sakin ni nanay Corazon dati, wag daw ako magtampo sa mga magulang namin dahil hindi kami nagkakasama lagi. Wag daw ako magtampo dahil lagi silang may ibang priorities kesa sa amin, kasi at the end of the world daw, magulang pa din namin sila.

Hindi ko sinunod ko yung sinabi niya. Hindi ko kayang hindi magtampo dahil tuwing may event sa school, inggit na inggit ako sa mga kaklase ko na may magulang na kasama habang ako, nag-iisa kasama si Blake. Pero tinago ko yung nararamdaman ko. Tinago ko sa kanila na nagtatampo ako. Dahil sino ba naman ako para magtampo? Anak lang naman ako eh.

Akala ko sanay na ko, akala ko tanggap ko na. Yun pala naiipon lang sila ng naiipon sa sistema ko, hanggang ngayon na sumabog na lang ako sa harap ni kuya Jonas at kumawala na yung mga luha kong ilang taon kong pinigil at ikinulong.

"I'm sorry, Shin. 'Di ko sinasadya. Tumahan ka na, baka bigla pumasok dito si Jin lagot ako dun." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko at nakita ko din namang namumutla siya at nanglalamig ang mga kamay niya.

"Okay lang ako." Sabi ko at tinanggal na 'yung pagkakayakap niya sakin.

"Ngayon lang kita nakitang umiyak sa buong buhay mo. Nataranta ako." Pagpapaliwanag niya. It is the first time na umiyak ako sa harap ng isang tao. Hindi naman kasi talaga ako umiiyak dahil sa mga personal issues. Mas iniiyakan ko pa yung pagkamatay ng aso kesa sa mga problema ko.

"Ayos na ko. Magpapahinga na ko." Malamig kong sabi dahil wala na akong nararamdaman na emosyon ngayon. Siguro nga ay dahil nailabas ko na itong lahat kanina.

"I'm sorry, again." Sabi niya at ginawa namin ang secret handshake namin bago siya lumabas ng kwarto ko.

Nung maramdaman kong umalis na siya ay naghilamos kaagad ako at nagpalit ng pants, sando, at lumabas gamit ang balcony ko.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng village at bawat reaper na madadaanan ko ay nagbo-bow sakin pero hindi ko sila pinapansin. I just need to unwind.

Noong makalabas na ako ng village ay tumambad sa harap ko ang sandamakmak sa security guard sa labas. Tinutukan pa nila ako ng mga baril nila pero noong nakita nila kung sino ako ay kaagad silang nag bow sa akin.

"Keys." Sabi ko doon sa isa at binigay naman niya sakin ang susi ng kotse ko na nakapark sa labas ng village. Kaagad kong pinaandar ang sasakyan ko at napunta ako sa kabilang village at umupo sa swing ng play ground doon.

Tumingala ako at nakita kong ni isang star ay wala.

"Loser." Sabi ko sa langit sabay irap dito.

Nanatili pa ako doon ng ilan pang minuto hanggang mayroong pamilyar na lalaki na umupo sa katabi kong swing.

Nakaupo lang siya don. Walang nag-uusap samin. Nagpapakiramdaman. And I liked the idea of it. Sa tingin ko sinasabi niya sakin na it doesn't matter if I will tell him my thoughts or not, ang importante nandiyan lang siya sa tabi ko para suportahan ako kapag nararamdaman niyang guguho na ako.

Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay tumayo na ako.

"Thanks for the company." Sabi ko sa kanya at nginitian siya.

"I barely did anything." Natatawa niyang sabi sakin.

"You helped a lot." Sabi ko at tumayo na din siya at sabay na kaming naglakad. Napansin ko naman na naka jersey shorts siya at black na tshirt.

"Kakatapos lang ng game mo?" Tanong ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.

"Magsisimula pa lang." Sabi niya at chineck ang phone niya. "15 minutes pa." Sabi niya at napatango ako.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon