16

18 2 0
                                    

Shin's POV

Nakarating na ako sa condo ko at ang una kong ginawa ay nilagay sa kusina yung mga pinamili namin ni Kris.

Naligo ako at nagpalit na into my fluffy panda pjs at isang muscle tee na sando para comfortable akong makatulog mamaya. Hindi naman uso sakin ang paninibago sa bahay, basta kahit saan, kahit kailan, basta maging komportable lang ako tulog kaagad.

Humiga ako sa kama ko at nakaramdam naman ako kaagad ng antok. Papikit na dapat ako ng biglang tumunog ang phone ko.

"Yes?" Tanong ko sa caller.

"You still up?" Tanong sakin ni Kris at naririnig kong tahimik na sa paligid niya.

"I'm about to sleep. Why?" Tanong ko pabalik.

"Can we skype? May gusto lang ako ipakita." Sabi niya and the next thing I knew is I'm saying good bye to him at two in the morning pero sabi niya ay wag kong ibaba ang tawag at hayaan ko lang siyang panoorin akong matulog. Weird pero pinabayaan ko na lang siya dahil pagod na ako talaga.

Natulog akong nasatabi ko yung laptop ko at nagising ako na nasa sahig na ito at yung paa ko ay nasa headboard na ng kama. What happens at night? Tsk.

Kinuha ko ito at surprisingly hindi pa din nage-end yung call at nakaharap pa rin kay Kris yung camera ng laptop niya. Bakit siya behave lang matulog?

Infairness ang haba pa rin ng baba niya kahit tulog. Pero ang pogi niya diyan. With the rays of the sun striking his face. Ay ang pogi, parang gusto ko na asawahin kaagad!

Inilapag ko sa kama ko 'yong laptop at dumiretso sa banyo para maghilamos.

"Luh, walang sabon?" Sabi ko at napairap. Wala pa naman akong biniling sabon kahapon sa grocery store.

Lumabas ako sa banyo at nakita kong gising na si Kris.

"Oh bat nakasimangot ka dyan?" Tanong niya sa 'kin when he saw me.

"Ikaw bungad sakin eh." Sabi ko at dumiretso palabas ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para kunin yung toothbrush at toothpaste na nabili ko. Ano bang malay ko na wala silang sabon dito.

"You know you look cute on your pajamas!" Narinig kong sigaw ni Kris mula sa laptop.

"I know, kaya nga ako nakaganito kasi cute ako rito." Sigaw ko pabalik habang nagto-tooth brush na ako rito sa sink ng kusina.

Nung matapos ako ay bumalik na ako sa kwarto at hinarap si Kris.

"You have any plans for today?" Tanong niya sa 'kin.

"I'm planning on buying more stuff. Ang dami pang kulang." Sabi ko at tumango naman siya.

"You want me to come with you?"

"Do you want to?"

"Course, I do." Sabi niya at tumango ako.

"We'll leave at one." Sabi ko sa kanya.

"It's 11." Sabi niya at tumango naman ako.

"Obviously." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ang tagal pa. Can I hang out there?" Tanong niya.

"Nah. I want you out of my sight." Pabiro kong sabi at in-end niya yung call. Luh? Problema non?

Binuksan ko yung facebook account ko at nakakita ako ng ilang friend requests at messages pero hindi ko naman kilala 'yong mga nagmessage at nag-add sakin kaya hindi ko na lang pinansin. Lagi namang ganon.

Kris Montealegre: Can you please accept the damn request?

Shin Tuazon: Wow, demanding.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon