Shin's POV
Shit. Shit ka Kris! Sino ka ba para pabilisin ng ganito yung tibok ng puso ko? Ano ka ba?
"Huy! Wag mo ngang problemahin masyado 'yong sinabi ko sa 'yo, hindi pa naman katapusan ng mundo. Gusto lang kita." Natatawa niyang sabi at tumingin sa langit.
"Gusto mo talaga ko?" Tanong ko sa kanya at natawa na naman siya.
"Kapag ba sinabi kong hindi babalik ka na sa dati?" Tanong niya at humiga na siya ngayon sa bubong at nag-iwas naman ako sa kanya ng tingin.
"Ngayon lang ba may umamin sayo?" Tanong niya ulit.
"Not really. Pero iba yung sa'yo eh. Kinabahan ako." Sabi ko at tumingin din sa langit.
"HOY SHIN! ANDYAN LANG PALA KAYO!" Sigaw ni kuya Trace mula sa kabilang bubong at kasama niya yung iba niyang kaibigan pati sila kuya at yung dalawang babae. Nanakbo na sila papasok ng bahay at pakiramdam ko ay susunod sila samin dito. Ano bang meron sa bubong at dito kami nagkita-kita?
"Nagso-solo kayo ha." Bulong sakin ni Alex at naamoy kong amoy alak siya. As in puro alak na lang naamoy ko sa kanya. 'Di ko na nga naaamoy yung pabango niya.
"Ano ba? Lahat ba kayo lasing nang sobra?" Tanong ko sa kanila at napaiwas sila ng tingin sakin at yung iba naman ay tumawa.
"Tawa kayo dyan, mga walang hiya kayo. Mga lasing pala kayo kung makaakyat kayo sa bubong! Pano kung mahulog kayo? Tulungan mo nga kong ipasok 'tong mga lasing na 'to, Kris!"
***
Isang linggo na simula nung umamin si Kris na may gusto siya sa 'kin. Isang linggo na rin kaming walang communication. Umiwas muna ako dahil kailangan kong mag-isip.
Like ano'ng gagawin ko? Ngayon lang may nangyari na ganito. Dati kapag may umaamin sakin ang sinasabi ko lang ay 'okay' tapos wala naman akong nararamdaman. Bakit kay Kris kinabahan pa ko, and worst, bakit ko ba 'to pinoproblema?!
Hindi ko na alam kung ano gagawin at iisipin ko! Hindi ko nga alam kung bakit ako umuiwas kay Kris tapos panay naman ang tambay ko sa mga social media niya, abnormal na ata ako eh.
"Kumpleto na ba yung gamit mo?" Tanong sakin ni kuya Jin nung mapuno namin yung truck nila kuya dahil sa paglilipat ko ng gamit. Ang dami ko kasing bags, damit at sapatos kaya kailangan lahat ng mga sasakyan nila kuya ay ipanghakot.
"Oo. May iniwan na lang ako na iba ron para kapag diyan ako mags-stay." Sabi ko at pumunta na sa kotse ko.
Lumabas na ako ng bahay pero tumigil ako sa labas para magpaalam kay nanay Corazon habang dumiretso naman na sila kuya.
"Pati kayo ni Blake iiwan na kami." Malungkot niyang sabi at napangiti ako.
"Dadalaw pa rin naman ako rito, Nay. Saka, ang lapit lang kaya natin." Sabi ko sabay akbay sa kanya at humarap kami sa bahay.
"Mami-miss ko yung mga asaran niyo ng kuya mo. Yung sigawan niyo sa madaling araw. Lalo na 'yong pagkataranta niyo kapag tumutunog 'yong alarm ng bahay." Natatawa niyang sabi at napatawa rin naman ako.
"Okay lang yan, Nay. Papalitan na kami ni Hiro. Malay mo next year, may makabuntis ulit sa isa kila kuya." Sabi ko sabay kindat sa kanya at napatawa siya.
"Pero ang pinakamami-miss ko yung paglalambing niyo sa 'kin. Lalo na kapag gutom kayo at tinatamad kayong magpunta ng mall! Nako naman." Sabi niya at napatawa ako.
"Promise nanay, kapag wala kami masyadong ginagawa, dadalaw kami rito. Bakit naman namin kakalimutan 'yong nanay namin, diba?" Sabi ko at niyakap siya nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
I Know Places (COMPLETED)
Novela JuvenilYou stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them whisper as we pass by It's a bad sign, bad sign Something happens when everybody finds out See the vultures circling dark clouds Lov...