Shin's POV
Natapos yung isang buong linggo na lagi kaming nasa HQ ng mafia at tina-train yung mga reaper. Sa loob din ng isang linggo na yon lagi na kaming magkausap ni Kris. Nalaman ko rin na ang dami naming similarities pero mas madami yung pagkakaiba namin. Tulad ng pagiging mahilig ko sa libro at siya hindi.
"Nabasa mo na ba yung The Selection? Grabe sobrang ganda!" Sabi ko sa kanya habang magka-video call kami at tinignan naman niya ako na para akong isang alien.
"Problema mo dyan?" Tanong ko sa kanya.
"You like reading?" Tanong niya at umiling ako.
"I love it." Sabi ko at nag-poker face naman siya sakin.
"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ba sumasakit mata mo sa pagbabasa ng 400 plus pages na libro?" Tanong niya.
"Hindi naman kasi isang basahan lang yung 400 plus pages na yon Kris. Uso din kasing magpahinga. Utak mo gamitin mo." Sabi ko sa kanya sabay irap.
Mahilig siya mag model at ako naman mahilig kumuha ng pictures. Mahilig din siya sa mga sports car at pati na rin sa mga motor, pero ang pinaka pinagkasunduan namin, parehas kaming mahilig sa coke.
Hindi ko alam pero natuwa talaga ako nung nalaman ko na magkasundo kami sa coke. Sila kuya kasi root beer o kaya beer talaga. Sila Delanxe at Brigitte naman ganon din. Kaya madalas nag-aagawan sila sa root beer samantalang ako solong-solo ko yung coke.
****
"Okay na ba sa'yo 'tong unit, Shin?" Tanong ni Zsa-Zsa pagkatapos naming i-check yung unit sa isang condo building malapit sa DVU.
"Yeah. I'll move here next week." Sabi ko at tumango naman siya.
"Can you take care of the other things for me? Ihahatid pa raw kasi namin sila Sr. Matt sa airport." Sabi ko at tumango naman siya sa akin. Nagpunta na ako sa parking lot at naka-receive ako ng text galing kila kuya na nauna na sila sa airport at sumunod na lang ako.
"Bye po." Sabi ko at nag-bow sa kanila. Ngumiti silang dalawa sa 'kin at naglakad na sila papasok. Nakatingin lang ako sa likod nilang dalawa at nararamdaman ko naman ang masamang tingin sakin ni kuya Jin.
"Bakit? Tunaw na yung ulo ko." Sabi ko pagkaharap ko sa kanya.
"Bakit hindi mo kami sinama sa bago mong condo? Bakit si Zsa-Zsa lang nakakakita ng condo mo?" Sumbat niya sakin and I immediately frowned.
"Eh malamang siya ang naghanap ng units para sa akin, ngayon ko lang din naman nakita 'yon, don't worry, dadalhin ko kayo ron as soon as everything's settled." Sabi ko at tinanguhan naman niya ako.
"Safe ba ron?" Singit naman sa usapan namin ni Kuya Jonas.
"Yeah, hindi naman pipili si Zsa-Zsa ng palpak ang security system." Sabi ko at tumango sila sa akin.
Umalis na kami sa airport at dumiretso kami sa bagong bahay ni kuya Trace. Sa isang bahay lang kasi siya sa subdivision namin lumipat dati kaya parang feeling daw niya nakatira pa rin siya sa bahay. As soon as he knew that Blake and I will be leaving that house, naghanap na rin siya ng bahay outside the subdivision.
"May party dito mamaya, punta kayo." Sabi niya at napailing ako.
"Cool kid ka na niyan?" Pang-aasar ko sa kanya and he raised his middle finger at me.
"Teka Shin, bakit condo lang sa'yo? Lahat kami bahay, e." Tanong ni kuya Jonas sakin at napatango silang lahat.
"Masyadong malaki kapag bahay. Ako lang naman mag-isa." Sabi ko at tumango na naman sila. Pakiramdam ko tuloy nanghinayang sila sa laki ng mga bahay na binili nila. Or, maybe not. Malamang 'yan araw-araw party dahil sa dami ng mga "kaibigan" at babae nila.
BINABASA MO ANG
I Know Places (COMPLETED)
Teen FictionYou stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them whisper as we pass by It's a bad sign, bad sign Something happens when everybody finds out See the vultures circling dark clouds Lov...