Shin's POV
Nandito na kami ngayon sa isang cottage malapit sa dagat. Marami ring cottage na nakahilera rito at medyo madami na rin ang tao kaya medyo nakakairita dahil ang ingay at ang gulo. Ang dami pang bata na nagtatakbuhan kaya lalo akong nairita. Ayoko kasi ng ingay at gulo kapag di naman ako kasama, wala silang karapatan.
"Wala ka bang ibang gagawin kung hindi kumain?" Tanong sa 'kin ni Blake at umupo sa harap ko.
"Katamad lumangoy eh." Sabi ko at itinaas ang paa ko.
"Ibaba mo nga 'yan!" Sabi niya at hinampas yung tuhod ko ng hawak niyang kutsara.
"Bakit kasi sumama pa 'ko." Naka-poker face kong sabi sa kanya.
"Oo nga, bakit kasi sumama ka pa?" Sarkastiko niyang sabi sa 'kin.
"Sino kaya 'yong hindi ako tinigilan para lang sumama ako? Sino kaya dyan yung nag-impake pa para sa 'kin?" Tanong ko at inirapan din naman siya kahit di niya makikita yung pag-irap ko. Nakatingin kasi siya sa dagat.
"Pasalamat ka nga niyaya pa kita. Makakabonding mo si Kris." Sabi niya at natawa.
"I've had enough bonding with him." Sabi ko at sumubo ng potato chips na kinakain ko.
"Mahal mo na ba?" Seryoso niyang tanong at napatawa ako.
Di ko lang ma-imagine yung sarili ko na may mahal. It's like way out of my league. Tho nararamdaman ko na may nararamdaman ako kay Kris na kakaiba. I tell myself not to rush it. Ayaw kong i-over analyze muna ang mga bagay.
"We're just friends." Sabi ko.
"Hindi mo naman nasagot yung tanong ko."
"We're friends." Pag-uulit ko pa.
"Pero nangliligaw sayo?" Tanong niya nang natatawa.
"He never asked for my permission! Statement nung sinabi niya na mangliligaw siya." Pag-explain ko sa kanya for the nth time.
"Sus! Umamin ka na kasi na gusto mo na rin si Kris." Natatawa na naman niyang sabi habang nagsasalin ng root beer sa isang plastic cup.
"And what if I do? Am I even allowed to have feelings for him?" Tanong ko sa kanya at natigilan naman siya.
"Huy! Sumama na kayong dalawa rito!" Tawag samin nung isa sa mga Black Dragons yata. Malay ko kung sino sila sa mundong 'to. Wala naman akong pake sa kanila.
"Saglit lang!" Sagot ni Blake bago tunggain 'yong root beer niya at napapikit naman siya nang mariin.
"Brain freeze." Sabay naming sabi at pinagtawanan ko siya habang siya ay nakahawak sa ulo niya habang nakapikit.
"Brigitte! Tulungan mo 'to oh!" Sigaw ko at napatayo nang maayos si Blake.
"Sinusubukan mo ko ha?" Sabi niya at binuhat ako at sinampay ako sa balikat niya.
"Blake! Blake! Blake!" Tili ko sa kanya habang nagpupumiglas at nagtatawanan naman 'yong mga kasama namin.
"Ibaba mo ko!" Sigaw ko sa kanya pero hindi siya kumikibo at naririnig ko lang ang tawa niya. Panigurado itatapon niya lang ako sa tubig. Ayoko pa ngang maligo eh!
Nakapulupot pa pati sa akin yung towel na dala ko, wala akon magagamit after!
"Blake sinasabi ko sa-- AHHHHHHH!" Huli na ang lahat. Naitapon na niya ko sa dagat. Basa na ko. Nararamdaman ko na yung malamig na tubig na kumakapit sa balat ko.
"For fuck's sake, Blake!" Sigaw ko sa kanya pagkaahon ko at nakita ko namang nagtatawanan na sila. At todo cheer pa sila Delanxe at Brigitte. Mga walang hiya sila!
![](https://img.wattpad.com/cover/80197893-288-k34405.jpg)
BINABASA MO ANG
I Know Places (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsYou stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them whisper as we pass by It's a bad sign, bad sign Something happens when everybody finds out See the vultures circling dark clouds Lov...