Shin's POV
"Ano nangyari sayo?" Tanong ni Delanxe nung napatigil ako sa paglalakad.
"Ayaw lang kita kasabay." Sabi ko at inirapan niya ako saka nauna nang maglakad sa akin.
"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at nilingon niya ako.
"Gusto ko matulog." Sabi niya at umirap ako.
"Kakagising ko lang. Ayaw ko matulog ulit." Sabi ko at umirap siya.
"Edi maglaboy ka. Matutulog ako." Sabi niya at tinalikuran ako. Umirap ako bago ko hablutin ang damit niya papunta sa sasakyan ko.
"Lalaboy tayo." Sabi ko at naramdaman kong nakasimangot na siya sakin ngayon pa lang.
"Wag mo kong simangutan ihahampas kita rito sa sasakyan ko." Sabi ko at sabay kaming natawa. Parang tanga lang.
Nagpunta kami sa SM Baguio at napagdesisyunan namin na kumain muna sa isang restaurant.
"Table for two." Sabi ko sa waiter at ngumiti naman siya sa amin.
"Right this way ma'am." Sabi niya at sumunod kami ni Delanxe sa kanya.
Pagkaupo namin ni Delanxe we didn't talk. Busy siya sa phone niya and so was I. I tried calling Kris pero busy yung number niya.
"Ano na kayang nangyari ron?" Tahimik kong tanong sa kanya bago ilibot ang paningin ko; nagbabakasakali na makikita ko siya rito kahit imposible.
"Don't be paranoid. He'll be home safe." Sabi ni Delanxe nung nakita niyang hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko.
"I'm not worried about that. I'm worried for his sister." Sabi ko at natawa siya kaya tinaasan ko siya ng kilay. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi naman ako nagpapatawa.
"Hindi nga kayo close nun." Sabi niya at inirapan ko naman siya.
"Masama mag-worry?! Siyempre sister-in-law ko 'yon!" Bulyaw ko sa kanya habang nanglalaki ang mata ko at tinawanan na naman niya ko.
"Eh bakit ikaw? Sister-in-law naman kita bakit hindi naman ako nag-woworry sa 'yo? Wag kang nagagalit." Pang-aasar niya at tinawanan ko naman siya.
"Bakit kayo ba magkakatuluyan?" Pang-aasar ko sa kanya at nawala naman ang ngiti sa labi niya.
"Foul 'yon ah." Mahina niyang sabi at itinaas ang middle finger niya sakin. Ngayon ako naman ang tumawa.
Minutes has pass pero hindi pa rin dumaratig ang order namin ni Delanxe. We tried to be patient as much as possible because the restaurant was packed pero hindi naman ata tama yung nakatapos na ako ng isang k-drama pero hindi pa rin dumarating 'yong order ko?
"Ang tagal naman ng order." Sabi ko at tumango naman si Delanxe bago siya tumawag sa waiter.
"Yes ma'am?" Tanong nito kay Delanxe.
"Pa-follow up naman nung order namin, thank you." Sabi niya at bumalik na kami sa kanya-kanya naming gawain.
"Ma'am, hindi pa raw po kayo nakakapag-order." Sabi nung waiter pagkabalik niya kaya naman nagkatinginan kami ni Delanxe.
"Hala, ang bobo." Sabi ko at natawa kaming tatlo. Natatawa kong binuksan yung menu na kanina pa ako hinihintay. Gusto kong mainis pero hindi ko magawa kasi alam kong kasalanan naman namin. Ang bobo, Shin!
"Yung best dish niyo na lang 'yung akin tapos iced tea." Sabi ko at tumango naman sakin 'yung waiter.
"I'll have set number three. Saka empi lights." Sabi niya at nanglaki ang mata naming dalawa nung waiter.
BINABASA MO ANG
I Know Places (COMPLETED)
Teen FictionYou stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them whisper as we pass by It's a bad sign, bad sign Something happens when everybody finds out See the vultures circling dark clouds Lov...