37

11 1 0
                                    

Shin's POV

"Ehem!" Narinig kong sabi ni Kevin na nasa likod ko at sinipa ang upuan ko. Lilingunin ko sana siya nang biglang magsalita ang adviser namin. 

"Anong problema, Kevin? Inuubo ka? Talaga?" Tanong sa kanya ni Ma'am at inasar naman siya ng mga kaklase ko. 

On going ang exam namin ngayon at first subject pa lang pero mukhang hirap na hirap na sina Kevin at Alex. Ayaw kasi nila talaga sa math kaya hindi talaga sila nag-aaral don, lagi lang nila inaasa sa kopya. 

"Shin, pano gagawin sa test two?" Bulong ni Alex na nasa kaliwa ko at hinanap ko naman ang test two sa pepel ko at iniumang ko sa kanya. 

"Pano mo 'yan nakuha?" Tanong niya at sumimangot ako sa kanya. 

"Kumopya ka na lang." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya nang mahina ang nag-solve ako sa scratch paper ko ng ibang tanong para meron din akong nagagawa habang kumokopya siya. 

"Okay na, thanks." Sabi niya maya-maya pa at inayos ko naman na ang papel ko. 

"Alex, pakopya!" Narinig kong bulong ni Kevin. 

"Tang ina mamaya ka na, may kulang pa ako!" Sabi ni Alex sa kanya at tinalikuran si Kevin. 

"Napaka sama ng ugali mo, tang ina ka." Sabi naman ni Kevin sa kanya at napatawa naman ako. 

Nilukot ko ang scratch paper ko at nilaglag sa likod ng upuan ko. 

"Ay, nalaglag." Sabi ni Kevin at hindi ko naman napigilan ang pagtawa ko. Parang timang kasi 'tong si Kevin, best actor. 

"Shin, okay ka lang ba?" Tanong naman ng adviser namin at tumango na lang ako sa kanya at sa mismong exam paper ko na ako nagsagot. 

Kadalasan kasi I use an extra paper para ron mag-solve dahil ayaw kong magulo test paper ko, pero dahil binigay ko na kay Kevin ang scratch ko, wala naman na akong choice. 

-

"Ikaw, napaka pangit ng ugali mo, 'wag ka kokopya sa'kin mamayang Chem, isinusumpa kita. Si Shin lang talaga naasahan ko tuwing exam!" Naiinis na sabi ni Kevin at ikinawit ang braso niya sa balikat ko. 

"Eh lahat naman tayo kay Shin naka asa. Akala mo ba may iba akong nakokopyahan? Wala rin, pre. Wala!" Sabi ni Alex at tinawanan ko naman sila at umakyat na kami sa rooftop. 

"Grabe, na-miss ko naman dito! Di na tayo masyado tumatambay rito ah." Sabi ko at tumango naman sila sa akin at binuksan namin ang tv at naglabas si Keneth ng mga chips. 

"Bakit hindi dumudumi rito?" Tanong bigla ni Alex at napaisip din naman ako. 

"Oo nga, parang kahit anong tagal nating hindi mapunta rito hindi nagkakaron ng alikabok." Sabi naman ni Keneth.

"Baliw kayo pre, nililinis din kaya 'to ng staff." Sabi naman ni Kevin at nanglaki ang mata ko. 

"Talaga ba? Tae ngayon ko lang nalama 'yon." Hindi ko makapaiwalang sabi at tumango rin naman 'yong dalawa. 

"Oo 'tol, kasi nung nakaraan, dapat may dadalhin akong chenks dito, tas may biglang pumasok na staff, pinapalinis din pala 'to nung principal para raw good shot sa parents ni Shin." Sabi niya pa at nagpantig naman ang tenga ko. 

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya at natigilan naman siya. 

"Sino nagsabi sa'yong pwede ka magdala ng ibang tao rito?" Tanong ko sa kanya at kumunot din naman ang noo nila Alex. 

"Oo nga, 'di ba usapan natin tayo lang pwedeng pumasok dito?" Tanong nito kay Kevin at nag-iwas lang siya ng tingin sa amin. 

"May sasabihin ako sa'yo mamaya, sabay tayong umuwi." Bulong sa akin ni Alex at tinanguhan ko naman siya at kumain na bago pa matapos ang break. 

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon