Shin's POV
"Pare ko! Na-miss kita! Pa-kiss!" Bungad sa 'kin ni Alex pagkapasok ko sa classroom namin. Today is the first day of school.
"Ew." Sabi ko sabay takip ng mukha ko bago pa ako mahalikan ni Alex.
I'm kind of happy and sad kasi for sure, hindi naman na kami magkakasama kapag college. Hindi naman kami same ng programs na gusto, so malamang ang mangyayari magiging bihira na lang ang get together namin after nitong academic year na 'to.
"Wag kang ganyan baka magselos si Kr-- Aray!" I cut Kevin off by throwing my bag at his face.
"Wag kang maingay." Sabi ko at tumabi sa kanilang tatlo at nilapit naman nila kaagad ng upuan nila sa upuan ko.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ni Kevin sa 'kin at sabay-sabay silang tumingin sa akin.
"Bawal pa mga bessy. Dapat parents muna makaalam bago ibang tao." Sabi ko at saka nag "shh" sa kanila.
"Aga mo kasi lumandi." Natatawang sabi ni Keneth at sinabunutan ko siya kaya naman napangiei siya sa sakit.
"I hate you." Sabi ko at umirap sa kanya.
"I hate you rin." Sabi niya habang nakasimangot na inaayos ang buhok niyang nagulo ko.
"Babes!" Sigaw ni Delanxe at Brigitte pagkapasok nila sa classroom at agad akong kinawayan. Kumaway ako pabalik sa kanila at narinig ko naman ang tawa ni Alex.
"Ang iingay talaga ng mga babae palibhasa dalawa bibig." Natatawang sabi ni Alex at sinamaan naman siya ng tingin nung dalawa.
"Gagi." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Eh kayo nga dalawa na ulo niyo bat bobo pa rin kayo?" Sabi ni Delanxe at nanglalaking matang napatingin ako kay Alex ngayon na nakasimangot na kay Delanxe, to make it worse, naki sawsaw pa ang mga kaklase namin sa pambabara sa kanya ni Delanxe.
"Aba'y gago." Sabi ni Keneth pero tumawa lang kami lalo dahil mukha na silang napipikon. Sila ang nagsimula tapos sila rin mapipikon, ano kaya 'yon?
"Asan kambal mo?/Asan kuya mo?" Sabay na tanong nila sa 'kin. Ako kaya muna kamustahin nila!
"Mukha bang alam ko?" Pagtataray ko at tinaasan naman nila ako ng kilay.
"Iisa lang kaya bahay niyo." Sabay nilang sagot sa akin at napakunot ang noo ko. Ang alam ko sinabi ko sa kanila na lumipat na kami ng bahay ni Blake, hindi ba sila nakikinig sa 'kin nun nagkwento ako?
"Sinasabi niyo dyan?" Sagot ko sa kanila at sila naman ang kumunot ang noo ngayon.
"Lasing nung house blessing ni kuya Jonas eh. Malamang hindi nila 'yon maaalala." Pang-aasar ni Keneth at tinawanan ko na lang siya.
"Itong lalaking 'to walang ibang ginawa kung hindi mambwisit eh." Sabi ni Brigitte at naglakad palabas. Baka nakita na si Blake.
"Wait. Walk out din ako." Sabi ni Delanxe at naglakad din palabas. Baka nakita na si kuya Miere.
Bakit kasi sa ibang school si Kris, kulang tuloy mga silay ko.
"Napaka abnormal ng mga kaibigan mo." Sabi ni Alex at tumingin naman ako sa kanya.
"Kayo lang abnormal hindi ako." Sabi ko at nagtinginan naman silang tatlo.
"Hala si Jollibee!" Sigaw ko at itinuro 'yong ulo ni Jollibee na kita rito sa second floor ng university.
"Hindi daw siya abnormal." Sabi nila Keneth at iniwan nila ako mag-isa.
"Pagkatapos ko kayong tabihan iiwan niyo ko?! Bumalik kayo rito!" Sigaw ko sa kanila habang umuupo sila sa tabi ng iba kong mga kaklase.
BINABASA MO ANG
I Know Places (COMPLETED)
Genç KurguYou stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them whisper as we pass by It's a bad sign, bad sign Something happens when everybody finds out See the vultures circling dark clouds Lov...