MTJAB: Chapter 8

491K 6.4K 485
                                    

MTJAB: Chapter 8

Pagkarating namin sa bahay, padabog kong ipinatong ang mga gamit ko sa kawayan na upuan. Nanggagalaiti pa rin ako sa sobrang inis sa kanya.


Hinarap ko siya, "Wala kang karapatan na gawin sa akin yon!" Hiyaw ko sa kanya. Tiningnan niya ako nang sobrang talim. Para bang kakainin niya ako nang buhay.

"Girlfriend kita kaya hahalikan kita tuwing gusto ko." Deklara niya at napaatras ako.


"Huh? Girlfriend? Are you kidding me? Sa papel mo lang ako girlfriend, Mr. Cando. H'wag mong sabihing na-in love ka na sa akin?" Sarcastic na tanong ko sa kanya. Maganda 'yan at least mananalo ako sa pustahan na 'to. Nakita kong gumalaw ang adam's apple niya. Ibig sabihin, napalunok siya sa tanong ko.

Ako na ngayon ang humakbang palapit sa kanya pero hindi man lang siya natitinag. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin. Tumingala pa akong mabuti para hindi ako makabitaw sa mga titig niyang matalim. Dalawang hakbang na lang, magkakadikit na ang katawan naming dalawa. Akala ba niya siya lang ang marunong maglaro sa pustahan na 'to? I'll make sure na ako ang mananalo.

"Come on, Mr. Cando. Don't tell me natatakot ka?" Panunukso ko sa kanya. Hindi ko ipinapahalata sa kanya na kinakabahan ako. Basta ang alam ko, gusto ko siyang gantihan sa ginawa niyang pambababoy sa akin kanina sa harapan ng marami.


Pero napalunok ako nang ngumisi siya. Damn it. I hate that evil smile. Humakbang siya ng dalawang beses at bahagya siyang tumungo para magdikit ang ilong naming dalawa. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya at naduduling ako sa sobrang lapit niya.

"I don't give a damn about love, Ms. Binalatan." Mariing pahayag niya habang nakangiti. Napakurap kurap ako.

"Then stop acting na parang tinamaan ka sa akin." Pang-aasar ko sa kanya. Ako naman ngayon ang ngumisi at siya naman ang napatulala sa sinabi ko. Nakahanap ka ng katapat mo Liam. Tinalikuran ko na siya. Narinig ko namang pumasok na siya sa loob ng kwarto.

Padabog akong umupo sa sofa at nilabas ang ibang gamit ko para gumawa ng assignment ko bukas. Mahilig akong magpatugtog sa cellphone tuwing gumagawa ng assignment kaya naman tinodo ko ang patugtog ng mga senti songs ko.


Pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakakunot noo siyang sinigawan ako.

"Patayin mo 'yang tugtog mo, magpa-practice ako! May tugtog kami bukas sa school!" Bulyaw niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang pakialam mo sa tugtog ko ha?! Nag-aaral yung tao rito!" Hiyaw ko sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga na para bang inis na inis siya. Tinalpak niya yung pinto. Hmp! Anong akala niya, susundin ko siya?! Hindi na ako papayag na hahalik halikan niya ako. Papatayin ko na talaga siya at hindi na rin ako papayag na maging utusan sa mga gusto niya.


Pero natigilan ako nang marinig ko ang magandang tunog ng saxophone mula sa kwarto. Nakalimutan kong member nga pala siya ng music club sa school namin. Wala sa sarili kong pinatay ang tugtog ng cellphone ko. Napasandal pa ako sa upuan at hindi ko alam kung bakit napapikit ako habang pinapakinggan ko ang pagtugtog niya. Sinabayan ko pa ng kanta ang pagtugtog niya ng saxophone.

"How deep is your love, I really need to learn, cause we're living in a world of fools, breaking us down. When they all should let us be, we belong to you and me." Kung kantahan lang ang pag-uusapan, masasabi kong may boses ako dahil lumalaban ako sa mga amateur contest sa Lucban.

Iminulat ko ang mga mata ko at dahan-dahan akong naglakad papunta sa may pinto ng kwarto para mas marinig ko ang pagtugtog niya. Mas mabuti pang tumugtog na lang siya habambuhay kaysa marinig ko yung napakayabang na boses niya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon