MTJAB: Chapter 13

520K 6.9K 1K
                                    

MTJAB: Chapter 13

Marahas kong hinawi ang kamay ni Ethan sa pagkakahawak sa akin at pinunasan ko ang luhang biglang tumulo sa mga mata ko. Ito na naman kasi yung pamilyar na sakit na nararamdaman ko. Ano ba kasi ito?


"No..." Matigas na sagot ko kay Ethan. Napaawang ang bibig niya dahil sa sinagot ko.

"Masyadong masakit lahat ng ginawa sa akin ng kapatid mo. Hindi ako santo na mabilis magpatawa. Ethan, oo, mabait ako. Pero alam ko ang hangganan ng pagiging mabait." Umiiyak na bulong ko. Tinalikuran ko siya saka naglakad na ako. Kabastusan man ang gagawin ko pero hindi na ako nagpaalam pa kay Tita Kei. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad at nilagpasan ko si Liam na ngayon ay nakalupasay pa rin sa carpet. Kumirot ang kaliwang bahagi ng dibdib ko nang marinig ko ang pag-iyak ni Tita Kei sa kalagayan ng anak niya.

I really want to help him pero kapag tinulungan ko naman siya, ako rin naman ang masasaktan sa huli. Inamin ko na rin sa sarili ko na nasasaktan ako emotionally na siya ang dahilan pero hindi ko pa rin alam kung bakit.

"L-Lian..." Narinig ko ang nanginginig na boses ni Liam. Knuyom ko ang kamao ko at isang hakbang na lang, makakalabas na ako sa bahay ng mga Cando.

"Kuya, dahan-dahan!" Sigaw ni Monique. Pinipigilan kong h'wag lumingon sa kanya pero ang traydor ko. Tiningnan ko siya at nakita kong pinipilit niyang tumayo. Tumakbo ako palabas ng bahay nila.

"LIAN!" Malakas na tawag niya sa akin pero hindi ko na pinagbigyang pansin iyon. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makalabas ako ng subdivision kahit sobrang sakit ng balakang ko. Pumara ako ng jeep pauwi sa apartment namin. Kukuhanin ko ang mga gamit ko.

Tama si Mama. Kailangan ko na ngang bumalik sa Lucban. Siguro nga hindi ko pa kapalaran na makapagtapos ng pag-aaral ngayon dahil sa mga nangyayari sa akin. Nagkanda-letse letse ang buhay ko magmula nang makilala ko ang mga Cando. Higit sa lahat, nakakaramdam ako ng sakit na tumatagos hanggang sa buto ko. Pinagtitinginan ako ng mga pasahero sa jeep. Marahil pinagtatawanan na nila ako dahil sa pag-iyak ko.

Nang makarating ako sa apartment, nagsimula akong kabahan dahil nandoon ang Hummer na gamit ni Liam kanina. Mukhang naunahan niya ako sa pagpunta rito. Lumunok ako at humugot ng malalim na paghinga. Bigla siyang bumaba sa sasakyan niya. Lalagpasan ko sana siya pero bigla niya akong hinawakan sa braso. Tinabig ko kaagad 'yon at tinitigan ko siya nang masama pero kumirot ang dibdib ko nang mapagmasdan ko ang duguan niyang mukha. Pumutok din ang labi niya dahil siguro sa pananakit ng daddy niya sa kanya. Kitang kita ko iyon dahil sa malakas na ilaw ng poste sa may apartment namin. Bago pa ako mawala sa sarili ko, pumasok na ako sa loob ng apartment at mabilis kong niligpit lahat ng gamit ko. Mabuti na lang at nakalagay pa rin sa maleta ang ibang damit ko kaya mabilis ko lang naayos lahat.

"Saan ka pupunta?!" Balisang tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Hinila ko na ang dalawang maleta ko palabas ng apartment pero bigla niyang hinila ang isa.

"Ano ba Liam?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Lian, hindi ka aalis. Hindi ka pwedeng umalis." Namamaos ang boses niya at masasabi kong paiyak na rin siya ngayon.

"Aalis ako at wala ka nang magagawa roon." Matigas na sabi ko sa kanya pero hindi niya binitawan ang isang maleta ko. Nilamon ako ng mga titig niya. Nakakapanghina siyang tumingin lalo na kapag seryoso pero hindi ako pupwedeng basta na lang bumigay sa kanya.

"Kung ayaw mong bitawan ang gamit ko, ako na mismo ang aalis!" Sigaw ko sa kanya saka padabog kong binitawan ang dalawang maleta at nagmadaling lumabas ng bahay pero tumakbo siya at hinarang niya ako sa gate.

"Anong bang problema mo?" Naiiritang sigaw ko sa kanya. Halos pumiyok na rin ako dahil bwisit, naiiyak na naman ako! Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at tinitigan niya ako sa mata.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon