MTJAB-Season 2: Chapter 43
Pagkalagay ni Liam ng mga gamit niya sasakyan, magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa gym. May game daw sila ngayon ng basketball at bago pa man din kami makapasok sa loob, dinig na dinig ko na ang malakas na sigawan mula sa loob.
"Daming tao." Bulong ko. Narinig kong ngumisi lang siya. Kaagad ko na namang nakita ang tarpaulin na may nakasulat na 'Cando's Mental Love Club' kung saan ang mga kababaihan ay nakasuot na ng kani-kanilang uniform. Pero ngayon iba na ang print ng shirt nila—hashtag Team Cando. Kulay puti ang shirt at kulay itim naman ang sulat ng Team habang ang Cando naman ay kulay Pula. (#TeamCando)
"Doon na lang ako sa pwesto nila Claire!" Hiyaw ko kay Liam dahil halos hindi na kami magkarinigan. Tinanguan niya ako at inalalayan niya akong makapunta roon sa pwesto nila Claire. Panay ang hiyawan nila nang mapansin nilang papunta kami sa pwesto nila.
"FOREVER TEAM CANDO!" Chant ng mga kababaihan na talagang nagpapabingi sa buong gym.
"Paki-ingatan ang asawa ko!" Hiyaw ni Liam nang sa wakas makarating na kami sa pwesto nila.
"Sus! Magbihis ka na nang manalo ang school natin!" Sigaw ni Claire at saka pinagtulakan si Liam pero hindi siya nagpaawat dahil hinapit niya ako sa baywang ko at sandali niyang hinalikan ang labi ko.
"Isang good luck kiss." Ngumingising sabi niya habang gumagalaw ang labi niya sa ibabaw ng labi ko. Halos mabingi ako sa lakas ng sigawan ng mga kababaihan. Humaplos ang kamay niya sa likod ko pataas pababa.
"Liam..." Tawag ko sa kanya. Panay ang kalabog ng puso ko dahil sa mga haplos niya.
"Ako lang ang susuportahan mo, baby, wala nang iba. Hindi ang team ko kundi ako lang." Sabi niya sa akin.
"Hindi ka naman possessive niyan?" Ngumingising pang-aasar ko sa kanya at halos lumundag ang puso ko sa ganda ng ngiti niya sa akin.
"Hindi ba halata?" Bawi niya at hinalikan niya ang noo ko saka tumakbo na siya papunta sa locker room ng mga basketball players.
Suot suot na niya ang uniform niya na pang-basketball. Kulay green ito na may nakasulat sa likod na Cando at number 14. Napansin ko naman si Ethan mula sa gilid ng court kung saan nakatanaw kay Claire. Sandali akong lumingon kay Claire at kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata niya kahit na hindi naman siya nginingitian ni Ethan.
Nagsimula na ang game. Sa una ay lamang ang team nila Liam pero nang tumagal, halos maghiyawan na ang members ng Cando's Mental Love Club dahil sa nahuhuli na sila sa score.
"Team Cando for the win!" Hiyawan ng lahat. 2nd quarter na ng laban at halatang pawisan na ang dalawang team dahil sa laban. Nagsasaya na ang supporters ng taga-kabilang school dahil parang nalalasap na nila ang pagkapanalo nila.
"Ara! Baka pwedeng ikaw naman ang sumigaw! Malay mo hinihintay lang ni Marcus ang paghiyaw mo para galingan niya!" Panunukso sa akin ni Dunalyn, miyembro ng Mental Love Club. Namilog lang ang mga mata ko sa sinabi niya dahil sa totoo lang, simula nang mag-umpisa ang game ay tahimik lang akong nanonood at halos magulat ako sa sigawan ng tao sa paligid ko.
"Hay nako! Oo nga, Sisteret! Lucky charm ka niyang si Liam!" Pag-sang-ayon ni Claire sa mga ka-miyembro.
"Sige na, Ara! Matatalo ang Team Cando!" Magkakasabay na sigaw nila at hindi ko na malaman kung sinong papakinggan ko sa kanila dahil sabay sabay na silang nagsasalita.
"Ayokong matalo sila lalo na ang Team Cando." Malungkot na sabi ng isa.
"Sisteret..." Tawag sa akin ni Claire. Maging siya, down na down na ang itsura niya.
BINABASA MO ANG
More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]
General Fiction#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wrong reasons--ego and money, to be precise. Ara Lian didn't expect that she would fall for an arrogant prick like Liam. Despite real feelings b...