MTJAB: Chapter 16
Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Wala na kasi sa kwarto sila Tatay. Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Hindi ako pumayag sa hinihingi niyang chance sa akin. Bakit? Masyadong mabilis ang lahat ng nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong paniwalaan. Bigla kong naalala yung huling pinag-usapan namin kagabi.
"Tigilan mo na ako, Liam. Wala akong panahon sa'yo." Matigas na sabi ko sa kanya saka ako humiwalay sa mga yakap niya. Hindi ko siya nilingon dahil baka hindi ko mapigilan na tuluyang manghina kapag nakita kong umiiyak siya.
"Alright. Sa ngayon, titigilan kita. Ngayong gabi lang, Lian. But be ready, miss, dahil hindi ako titigil hangga't hindi ka nahuhulog sa akin nang paulit-ulit."
Tumatak sa isip ko ang mga salitang 'yon. Nakakainis. Napaka-paasa niya pero kahit anong mangyari, hinding hindi ako bibigay sa karisma ng isang Cando. Kinamumuhian ko nga sila, hindi ba? Except sa mga magulang nilang totoong napakabait naman talaga. Kailangan niya munang dumaan sa butas ng karayom bago niya ako tuluyang maangkin.
"Ara! Anak! Nandito si Xander!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isinigaw ni Nanay. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto.
"Xander?!" Sigaw ko at saka ako mabilis na yumakap sa kanya. Na-miss ko 'tong best friend kong 'to. Kahit pa sabihin mong nagkita na kami sa Manila iba pa rin talaga kapag kasama ko siya may napagsusumbungan ako ng mga hinanakit ko sa buhay.
"Hindi ka pa ba babalik sa school, Pancake?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin.
"Ano ka ba naman? College na tayo, 'yan pa rin ang tawag mo sa akin." Hiyaw ko sa kanya at saka ko siya itinulak palayo sa akin. Ngumisi naman siya.
"Nakasanayan ko na kasi. Okay ka na ba? Hindi na ba mainit ang ulo mo?" Mahinahong tanong niya sa akin at bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang tinutukoy niya siguro ay nung araw na sinungitan ko siya. Umiling na lang ako bilang sagot sa kanya.
"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kanya.
"Ito lang naman ang takbuhan mo sa tuwing malungkot ka." Sagot niya sa akin.
"Magkape muna kayong dalawa. Panay ang kwentuhan niyo riyan." Natatawang sabi ni Nanay. Umupo kami sa maliit na hapag kainan namin.
"Salamat po, Aling Leslie." Nakangiting sabi ni Xander. Bigla kong naalala si Liam. Naisip ko kasi na hindi niya tinatawag sa gano'ng paraan sina Nanay at Tatay. Pero umiling ako nang palihim para mabura sa isipan ko iyon.
"Tingnan mo nga naman, hijo. Ang laki ng ipinagbago mo. Dati rati, ang taba-taba mo." Natatawang sabi ni Nanay.
"Nay, ano ka ba!" Ngumingising suway ko.
"Hindi, ayos lang 'yon, Ara." Nakangiting sabi niya sa akin at tumango naman ako. Hindi pa rin nagbabago si Xander. Mabait pa rin siya kila Nanay.
"Sama ka sa hacienda, manguha tayo ng mangga." Suhestiyon niya.
"Ngayon na ba?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya bilang sagot. Madalas kasi naming gawin iyon. Tuwing walang pasok, nagpupunta kami sa hacienda nila at nangunguha kami ng mangga. Masarap kasing mamunga ang mga puno ng mangga nila.
Naligo lang ako sandali pagkatapos lumabas na rin kami ni Xander. Kaagad kong natanaw si Liam na abalang abala sa pagsasaka sa gitna ng tirik na araw. Doon ko lang napansin na medyo maitim na rin siya nang kaunti at namumula ang mukha niya. Pero bakit sa paningin, ang gwapo pa rin niya? Nakatanaw na naman sa kanya ang mga kababaihan dahil naka-topless na naman siyang nagsasaka ngayon.
BINABASA MO ANG
More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]
General Fiction#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wrong reasons--ego and money, to be precise. Ara Lian didn't expect that she would fall for an arrogant prick like Liam. Despite real feelings b...