MTJAB-Season 2: Chapter 37
Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Marahan akong umupo sa kama ko pero mas nakaramdam ako ng pagkahilo. Tumayo ako at maingat na naglakad patungo sa kusina para uminom ng tubig. Tumingin na rin ako ng gamot sa first aid kit ko pero wala akong makitang gamot doon para sa sakit ng ulo kaya naman bumalik ulit ako sa kwarto ko para tawagan si Ms. Jheann. Nakatatlong tawag na ako sa kanya pero hindi pa rin niya sinasagot iyon.
"Ms. Jheann, please." Bulong ko dahil pakiramdam ko, parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Tatawagan ko pa sana si Ms. Jheann pero biglang nag-appear ang number na ginagamit ni Liam sa tuwing tine-text niya ako.
Good morning, baby.
Naisipan kong replyan sana ang text niya pero pinigilan ko ang sarili ko na h'wag replyan iyon.
"Let's take it slow, Ara." Bulong ko sa sarili ko. Muli kong tinawagan si Ms. Jheann pero hindi pa rin niya sinasagot iyon kaya naman nagpasya na akong i-text na lang siya.
Ms. Jheann, pwedeng pakisuyo naman ng gamot para sa sakit ng ulo?
Lumabas na ako ng kwarto at doon na naupo sa sofa. Gustuhin ko mang kumain ng agahan, hindi ko magawang ikilos nang maayos ang katawan ko dahil parang buong kalamnan ko ay sumasakit ngayon. Mukhang magkakasakit pa yata ako. Kunot noo kong ipinikit ang mga mata ko at humiga ako sa sofa na para bang lamig na lamig ako. Kahit nakapikit ako, nararamdaman ko yung pag-ikot ng mundo ko dahil sa pagkahilo.
"Gosh, Ms. Jheann, I need you." Nahihirapang bulong ko at niyakap ang sarili ko. Napapitlag ako nang mag-vibrate ang cellphone ko at marahan kong sinagot iyon.
"Ms. Jheann..." Sagot ko.
"Hey baby, are you okay?" Napalunok ako nang makilala ko ang boses na iyon. Marahan kong pinatay ang tawag niya at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko na naman ang pagba-vibrate no'n kaya naman pinatay ko na lang nang tuluyan ang cellphone ko. Wala ako sa hulog ngayon para makipag-usap kahit kanino. Kailangan ko si Ms. Jheann, o kahit man lang si Chloe. Napaungol na lang ako dahil sa panginginig ng katawan ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng unit ko.
"Ms. Jheann, ikaw na ba 'yan?" Pinilit kong lakasan ang boses ko pero bigo ako dahil sa panginginig ko sa sobrang lamig. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para sana tingnan si Ms. Jheann pero para akong umiikot sa kawalan kaya ipinikit ko na lang ulit yon.
"Uhm, gamot. Kailangan ko ng gamot." Bulong ko nang maramdaman kong may humawak sa noo ko. Sobrang init ng palad na iyon at pakiramdam ko, kinukuha no'n ang lahat ng lamig sa katawan ko.
"Damn, baby..." Yung boses na 'yon, yung boses na punong puno ng pag-aalala at pagkainis. Naramdaman kong aalis siya kaya naman hinila ko ang kamay niya.
"Don't leave me." Bulong ko habang nakapikit. Marahan niyang pinisil ang palad ko.
"I won't, baby. I won't." Pero binitawan niya ang kamay ko at parang nakaramdam ako ng panghihinayang. Kasunod no'n ang parang paglutang ko sa ere nang buhatin niya ako nang parang bagong kasal. Kaagad kong naamoy ang mabangong katawan ng bumuhat sa akin at parang nawala ang panlalamig ko dahil sa init ng pangangatawan nito.
"Hindi ka dapat tumayo kanina." Sermon niya sa akin. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa pagkahilo, masasabi kong napakagwapong nilalang nitong bumubuhat sa akin ngayon. Na kahit kailan, hindi ko lubos naisip na mahuhulog ako sa kanya nang sobra. Marahan niya akong ibinaba sa kama ko at naramdaman kong binalot niya ang buong katawan ko ng makapal na blanket.
"Nanay..." Bulong ko. Napatigil siya sa pag-aayos ng higa ko at naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang noo ko.
"I'm so sorry, baby. It's all because of me." Malungkot na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko. Nami-miss ko ang nanay at tatay ko. Kapag ganitong nagkakasakit kasi ako, inaalagaan ako ni Nanay at ipinagluluto niya ako ng mainit na lugaw. Naramdaman kong tumayo na siya mula pagkakatuon sa kama ko pero naririnig ko pa rin ang boses niya.
BINABASA MO ANG
More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]
Genel Kurgu#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wrong reasons--ego and money, to be precise. Ara Lian didn't expect that she would fall for an arrogant prick like Liam. Despite real feelings b...