MTJAB-Season 2: Chapter 36

318K 5.7K 412
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 36

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at halos pigain ang puso ko nang makita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya.

"Please.. Please, baby. Last chance, itatama ko ang lahat." Bulong niya. Namamaos na rin siya dahil sa kaiiyak at mukhang hinahabol na niya ang paghinga niya dahil sa pagpapakawala niya ng hikbi. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at hinalikan ang kamay ko.

"I'm begging you, Lian." Halos magtayuan ang balahibo ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Sa hindi ko malamang dahilan, hinayaan ko siyang hilahin ako palapit sa kanya at tinanggap ko ang mahigpit na yakap na ibinigay niya sa akin nang buong buo. Ramdam na ramdam ko yung mabilis na pagtibok ng puso niya.

Nagsimulang magwala ang lahat ng paru-paro sa tiyan ko at mas lalong lumakas ang pagkalabog ng puso ko dahil naramdaman ko ulit yung yakap niya. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko.

Saya ba itong nararamdaman ko ngayon? Bakit pakiramdam ko lahat na naman ng mali ay nagiging tama dahil kayakap ko siya? Lahat ng sakit, unti-unting nawawala dahil sa yakap at paghikbi niya. Marahan kong hinaplos ang likod niya.

"I... I'm so sorry, baby, pero hindi kita pwedeng ibigay sa kahit na sino." Bulong niya.

"Last chance, baby? Last chance." Umiiyak na pakiusap niya. Para akong tau-tauhan na tumango tango at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. Naramdaman niya rin ang paghigpit ko sa yakap ko sa kanya dahil hinalikan niya ang pisngi ko at mas hinigpitan din niya ang yakap sa akin.

"K-kahit anong mangyari hinding hindi kita isusuko." Bulong niya.

"P-pero Liam, masasaktan kita. Kapag sobrang sakit na, tigilan mo na ha? Kapag selos na selos ka na, lumayo ka na sa akin. H'wag mo nang ipilit yung sarili mo kapag sobrang sakit na." Pakiusap ko sa kanya dahil alam kong kahit saang anggulo ko tingnan, masasaktan ko lang siya dahil may ipinangako rin ako kay Kevin na hindi ako basta basta bibigay kay Liam.

Tama rin naman si Kevin. Babae ako kahit naman siguro minsan, hindi masamang maramdaman kong paghirapan ako dahil nasaktan na rin ako. Alam kong hindi rin tama 'to dahil mahal ko si Liam at hindi tamang pasakitan ko siya nang sobra. Pero kagaya ng sinabi niya, last chance.

Last chance. Gusto kong makasigurado na sa huling pagkakataon na 'to, mararamdaman na namin ang lahat ng sakit at pagkatapos nito, wala nang ibang mararamdaman kundi puro pagmamahal na lang at saya.

Last chance... Gusto ko sa huling pagkakataon na 'to, maging maayos na ang lahat saaming dalawa. What's done is done. Wala na akong dapat balikan o takbuhan sa nakaraan namin ni Liam dahil alam kong darating yung araw na pahahalagahan ko ang lahat ng nangyari sa amin.

Marahan siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinagtagpo niya ang mga mata naming dalawa at kitang kita ko ang pagmamahal doon. Kitang kita ko kung gaano siya kadesperado para lang bumalik ako sa kanya. Hilam na hilam na ang mga mata naming dalawa sa luha pero alam kong naiintindihan naming dalawa kung anong gustong iparating ng isa't isa.

"I... I'm not forcing myself, baby, because I'm pushing myself to you." Bulong niya habang pinupunasan niya ang luha ko, "I'm pushing myself to you hanggang sa hilahin mo na ako pabalik sa'yo. Hanggang sa mahalin mo na ulit ako kagaya nang dati." Sandali niya akong tinitigan sa mata at napapikit ako nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa noo ko. Miss na miss ko 'to. Miss na miss ko ang paghalik niya sa noo ko.

"K-kakayanin natin 'to. Babalik ka sa akin, babalik ang dating tayo. Pangako 'yan." Paninigurado niya sa akin at muli niya akong niyakap nang sobrang higpit. Mahigit twenty minutes din kaming tahimik na magkayakap lang nang marinig nanamin ang sunod-sunod na pagkatok. Marahan kaming naghiwalay at inayos niya ang suot kong coat niya at hinawi niya ang maikling buhok ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon