MTJAB: Chapter 17
MARCUS' P.O.V
Aminado akong isa akong tarantado. Gago man sabihin pero tinangka kong gumamit ng iba para lang makalimutan ang babaeng kinababaliwan ko. I knew that she will never love me the way I do dahil kahit anong gawin ko, mahal niya ang kapatid ko.
Then she came. Isang babaeng napagkamalan kong patay na patay sa akin dahil sa tattoo niya. Parehong pareho sila ng pag-uugali. Palagi niya rin akong sinisigawan at itinataboy pero nilamon ako ng sariling panggagamit ko nang matitigan ko ang mga mata niya nung araw na inihiga ko siya nang maayos dahil may pilay siya sa balakang niya.
Hindi ko alam kung kailan ako tinamaan sa kanya. Isa lang ang nasisigurado ko—nung araw na umiyak siya sa harapan ko, pakiramdam ko ay may bumugbog sa gagong puso ko."Siya lang ang iniisip mo? Siya lang ba ang nasaktan? K-kanina lang nag-aalala ka sa akin dahil sa hindi pa magaling masyado ang balakang ko. Tapos ngayon kung itulak at kaladkarin mo ako parang nakalimutan mo lahat ng pag-aalala mo sa akin. Wala kang kwenta! Hindi mo alam kung paano ako ininsulto niyang ex mo! Bago ka umaksyon, mag-isip ka muna. Hindi mo alam kung anong puno't dulo sa nangyari." Umiiyak na sabi niya. Napaawang ang bibig ko at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa ayos ng pagtayo niya at masasabi kong she's really hurt. Putang ina. Anong kagaguhan ang ginawa ko? Yung labi niya, yung malambot na labi niya dumurugo dahil sa katarantaduhan ko.
Tinalikuran niya ako at parang may kung anong tumadyak sa akin. Inabot ko ang braso niya pero kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Yung mga mata niyang nagpapawala nang sobra sa katauhan ko sa hindi ko malamang dahilan. Marahas niyang hinila ang braso niya sa pagkakahawak ko at kitang-kita ko kung paano siya mahirapan sa paglalakad.
Napakagago ko. Bakit ba hindi ako nag-iisip?
Buong klase, pinapakiramdaman ko siya sa likuran ko. Bawat hikbi niya ay tumutusok sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Naramdaman ko na ito dati pero bakit parang mas doble yung sakit ngayon?
Natapos ang klase. Nakiusap ako sa kanya na mag-usap kami kahit alam kong hindi niya ako pakikinggan. Sinundan ko siya pero may humila ng braso ko.
"Marcus!" Kunot noo ko siyang hinarap at hindi ko alam kung bakit bigla akong namanhid sa hawak niya sa akin.
"T-Thank you. S-siguro kung hindi ka dumating kanina, baka nalumpo na ako sa babaeng 'yon." Nakangiting sabi niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Wala siyang kahit anong galos maliban sa namumula niyang pisngi dahil sa sampal ni Lian sa kanya. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at umiling ako. This is bullshit. Maling-mali ang ginawa ko.
Mabilis ko siyang tinalikuran para mahabol si Lian.
"Marcus!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.
Pinagtatadyakan ko ang sasakyan ko nang hindi ko naabutan si Lian. Umuwi ako sa apartment pero wala siya roon.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring ito.
Princess Calling...
"Kuya! Umuwi ka raw ngayon sabi ni Dad." Ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang takot. Psh. Nagsumbong na naman ba yung bida kong kapatid?
"Okay." Wala sa sariling sagot ko.
Tiningnan ko ulit ang buong apartment at parang gagong nagwala ang puso ko nang makita kong nandito pa rin ang gamit niya.
Pagdating ko sa bahay, nakakatawa dahil pagtungtong pa lang ng mga paa ko sa lintik na sahig na tinatawag na mansyon ng lahat, isang malakas na suntok ang natanggap ko. Ayos lang. Sanay na naman ako. Pero natigilan ako nang marinig ko sa sigaw ni Dad ang pangalan ni Lian. Mabilis nag-react yung puso ko. Sa sobrang bilis ng tibok nito, parang 'yon na lang ang naririnig ko. Hindi ko na naririnig ang bawat pagsumbat ni Dad sa akin.
BINABASA MO ANG
More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]
Художественная проза#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wrong reasons--ego and money, to be precise. Ara Lian didn't expect that she would fall for an arrogant prick like Liam. Despite real feelings b...