MTJAB-Season2: Chapter 33

360K 5.9K 1.6K
                                    

MTJAB-Season2: Chapter 33

"Sabi ko naman kasi sa'yo, masarap talaga ang pagkain dito." Namumualam pa si Kevin sa pagkain habang nagsasalita. Nginitian ko naman siya. Ito na kasi ang pang-limang beses na kumain kaming dalawa sa isang seafood restaurant at kagaya ng dati, isang malaking lobster ang pinag-aagawan naming dalawa magmula pa kanina.

Napatingin ako sa bagong rosas na bigay ni Kevin sa akin.

Day 30: Habang tumatagal, mas lalong gumaganda ang mga ngiti mo. Good luck para bukas. Siguro naman pwede nang maging pang-limang beses na dinner natin ito together bago i-launch ang album natin.

Thirty na rosas sa loob ng isang buwan. Ang dami nang nagbago. Nagising na rin ang tatay ko mula sa pagkaka-coma sa halos dalawang linggo. Noong una ay nawawalan na ako ng pag-asa pero kagaya ng palaging pinapaalala sa akin ni Kevin, walang imposible sa Diyos kung maniniwala ka sa kanya.

Kahapon nga lang ay naka-chat ko ang kapatid ko gamit ang account ni Kevin sa Skype. Nakita ko roon na nakakangiti na ang tatay ko pero alam kong may tampo pa rin siya sa akin. Kinakailangan pa nilang magtigil sa America para sa theraphy ni Tatay. Sa ngayon kasi, hindi pa nila nakakausap ito puro lang daw ungol. Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing maiisip kong gano'n ang kundisyon ng tatay ko kaya naman gagawin ko ang lahat bumalik lang ang dating sigla niya.

"Nakausap ko si Eris. Baka raw pwede kayong mag-Skype ulit bukas pagkatapos ng launching ng album natin." Usisa ni Kevin sa akin pagkainom na pagkainom niya ng fresh raspberry juice niya. Madalas na rin kasi silang magkausap ng kapatid ko dahil katulad ng sinabi ni Kevin, sinisigurado niyang maayos lang ang lagay nila Nanay doon para hindi ako mag-alala.

"Bukas? Pwede naman, 'yon lang naman ang show ko bukas." Sagot ko sa kanya.

"Great, excited na sila lalo na si Angelo. Alam mo naman ang password ng Skype ko, ikaw na ang bahala." Paalala niya at saka niya marahang pinisil ang kamay ko. Hindi ko alam pero nasanay na rin akong nasa tabi ko si Kevin. Parang lahat na lang ng bagay na gagawin ko na wala akong kasiguraduhan, palaging siya ang gagawa ng paraan para palakasin ang loob ko.

Sa loob ng dalawang buwan ko sa showbiz, masasabi kong mabilis kumita ng pera. Parang isang click ng camera. Sa isang click lang nito, mabibili mo na ang lahat ng gusto mo. Sa isang click lang nito, masasabi mong magkakaroon ka ng isang magandang buhay. Pero kahit gano'n, alam kong may kulang. Alam ko kung ano. Alam ko kung sino. Pero hindi ko magawang sagutin at tanggapin sa sarili ko.

"ALEIN! KEVIN!" Isang nakakabinging sigawan ang narinig naming dalawa ni Kevin pagkalabas na pagkalabas namin sa restaurant. Mabuti na lang at dumating na kaagad sila Chloe para maalalayan kami ni Kevin. May mga nakalapit sa amin at hindi ko malaman kung saan ako titingin dahil kahit saan yata ay mayroong camera. Nakatutuwang isipin na maraming tao ang nagmamahal sa akin ngayon. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko kilala ang mga taong ito.

"Excited na kami sa duet album niyo!" Sigaw ng isa.

"Bagay talaga kayo!"

"Ang swerte niyo naman sa isa't isa!"

Pare-pareho ang sinisigaw nila na nagpapangisi na lamang sa aming dalawa ni Kevin. Kung minsan, nakukonsensya na rin ako dahil alam kong niloloko ko ang mga tagahanga ko ngayon. Napapaniwala ko sila na matagal na kaming mag-boyfriend ni Kevin. Kaya naman kahit na alam kong hinding hahayaan nila Ms. Mae na malaman ng lahat ang sikreto namin, pinaghahandaan ko na rin ang mga matatanggap kong pagkamuhi ng mga tao kung sakaling dumating ang panahon na malaman na nila ang lahat.

"Bagay na bagay sa'yo ang maikling buhok, Alein. Nagmukha kang seductive." Parang kinikiliti ng kung ano ang isa habang sinasabi iyon.

"Salamat." Sagot ko. Nagpagupit kasi ako kahapon. Ang dating mahabang buhok ko ngayon ay hanggang balikat ko na lamang.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon