MTJAB: Chapter 25

511K 6.2K 1.2K
                                    

MTJAB: Chapter 25

Pilit kong hinihila palabas si Liam pero nakipagsukatan pa siya ng tingin sa kapatid niya. Wala namang ibang ginawa si Ethan kundi ang ngumisi na parang isang demonyo.

"Tss, h'wag kang mag-alala, bro. Wala naman akong balak agawin sa'yo si Ara. Gusto ko lang maging kaibigan niya. Masama na ba 'yon? Gusto kong malaman kung bakit nababaliw ka na sa kanya ngayon." Nakangising sabi ni Ethan at saka humalukipkip. Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang tensyon sa kanilang dalawa lalong lalo na si Liam na ngayon ay sobrang bigat ng paghinga dahil sa galit.

"Hindi kailangan ni Lian ng isang kaibigang katulad mo." Pagmamatigas ni Liam sa kanya na mas nagpangisi kay Ethan.

"You should thank me, bro. Kung hindi dahil sa akin, wala siya ngayon sa'yo." Panunuya ni Ethan sa kapatid na mas nagpaasar sa akin.

"Liam, tayo na!" Sigaw ko sa kanya at hinila ko ang kamay niya pero hinigpitan niya lang ang kapit sa akin. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya sa sobrang galit.

"Chill bro, I don't even like her." Tiningnan ako ni Ethan mula ulo hanggang paa.

"Malayo siya sa babaeng pinapangarap ko." 'Yon lang ang huling sinabi ni Ethan at nauna na siyang lumabas ng bahay. Dinanggi niya pa ang balikat ng kapatid na para bang nagtagumpay na naman siya sa isang laro.

"Ughh! Bullshit!" Galit na sigaw ni Liam at napapitlag ako nang suntukin niya ang pintuan ng bahay nila.

"Liam!" Sigaw ko at saka ko hinila ang kamay niya. Umiling iling siya at ikinulong niya ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at saka tinitigan niya ako nang sobrang lalim. Ang bilis ng paghinga niya at kitang kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Lian, promise me. Hinding hindi ka lalapit sa kanya. Ako lang, Lian! Ako lang ang lalapitan mo." Nakikiusap ang boses niya at halatang garalgal na ito dahil sa sobrang kaba. Hinawakan ko ang dibdib niya at halos mapalundag ako sa lakas at bilis ng tibok no'n.

"H'wag na h'wag kang lalapit sa kanya. Ni dulo ng buhok o daliri mo, ayokong mahahawakan niya. Ako lang Lian, ipangako mo." Takot na takot ang boses niya na para bang mawawala ako sa kanya. Kinukurot ang puso ko dahil nakikita ko sa mga mata niya ang takot niya sa kapatid niya. Ngayon ko napatunayan na iba maglaro si Ethan.

"Liam, hindi ako mawawala sa'yo." Bulong ko sa kanya. Mabilis niya akong ikinulong sa mainit na bisig niya at halos maramdaman ko na rin ang bawat pagtibok ng puso niya. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"I love you so much." Desperado ang boses niya at bawat haplos niya sa likod ko, parang ingat na ingat siyang h'wag akong masaktan.

"Liam, pumasok ka na sa klase mo." Suway ko sa kanya pero umiling lang siya at hinawakan niya nang sobrang higpit ang kamay ko. Napangiwi ako dahil namamaga yung kamay niya dahil sa pagkakasuntok doon sa pinto nila.

Ayaw niyang pumasok sa klase niya. Ang gusto niya ay makiki-sit in siya sa klase ko para makasama ako pero hindi naman kasi pwede 'yon. May sariling buhay din naman siya. Ayoko namang masira ang magandang grades niya dahil lang sa akin.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga nang makitang pumasok si Xander. Oo nga pala, ngayon lang ulit pumasok si Xander. Kung sabagay, sa America naman talaga siya nag-aaral.

"Mas lalong ayokong umalis sa tabi mo." Bulong niya sa akin. Tningnan ko siya at nagsimulang magtatambol ang puso ko dahil sa lalim at talim ng titig niya sa akin.

"Minsan ka nang nawala sa akin, ayoko nang maulit pa." Paglilinaw niya sa akin. Oo nga at makapanindig balahibo ang mga sinasabi niya pero hindi pa rin ako kumbinsido sa kanya na hindi siya pumasok. Kaya naman inirapan ko na siya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon