MTJAB: Chapter 15
"Amoy sunog." Sumisinghot singhot na sabi ni Eris. Nanlaki ang mga mata ko at bumalik ang kaluluwa ko sa katawan saka mabilis akong tumakbo sa kusina."Shit!" Sigaw ko grabe naging inihaw na saging ang banana que namin ni Nanay. Mabilis kong tinanggal sa mantika iyon.
Nakakarinig naman ako ng hagikhikan mula sa sala kaya mabilis akong lumingon sa kanila.
"Anong tinatawa tawa niyo?" Sigaw ko kina Eris at Liam na ngayon ay hindi magkandaigi sa katatawa.
"Wala naman, Ate. Dahil sa pagseselos mo kaya nasunog yang tindang banana que ni Nanay. Lagot ka! Two hundred din ang kita diyan!" Pananakot sa akin ng kapatid ko at napalunok naman ako. Totoo kasing two hundred ang kita ni Nanay doon sa mga saging na niluluto ko.
"Paano na 'yan, Eris? Pagagalitan ako ni Nanay." Bulong ko. Nagkibit balikat naman ang kapatid ko at nginisian lang ako. Grabe talaga ang laki ng naitulong niya ha!
"Anong oras ba ititinda ni Nanay sa palengke 'yan?" Seryosong tanong ni Liam habang pinupunasan ang tumatagaktak na pawis sa mukha at leeg. Nakakapagpalaglag talaga ng panty ang mga kinikilos nitong si Liam kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang mga mata ko sa mga banana que na sunog sa malaking kawali namin.
"Alas tres, Kuya." Sagot ni Eris sa kanya. Tumingin naman sa orasan si Liam at maging ako ay napatingin."Alas onse pa lang. Saan ba kayo kumukuha ng saging?" Tanong niya sa kapatid ko.
"Sa kabilang sakahan! Nandoon kasi ang bukirin namin nila Tatay. Mga trenta minutos kung lalakarin natin." Sabi ni Eris at napatango naman si Liam.
"Tara. Kung thirty minutes ang lakad, mas madali kung may sasakyan." Suhestiyon ni Liam. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero nginisian niya lang ako at lumabas ng bahay kubo namin.
"May auto ka, Kuya?" Excited na tanong ni Eris. Marunong magmaneho si Eris dahil tinuruan ko siya sa sasakyan kong bulok.
"Meron pero ang dala ko ngayon ay yung sa kapatid ko." Aniya.
"Pwede pasubok? Sigurado ako, maganda ang auto mo!" Ngiting ngiting tanong ni Eris. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya naman natahimik siya.
"Sige!" Sagot ni Liam saka hinila sa bulsa niya ang susi ng kotse at ibinato sa kapatid ko na kaagad namang nasalo nito. Tiningnan ako ni Liam at sinenyas niya ang ulo niya na lumabas ako ng bahay. Pinandilatan ko siya ng mata. Mukha namang nakaramdam ang kapatid ko kaya hinila ako nito palabas.
"Eris!" Suway ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
"Tay! Pupunta lang kami sa kabilang sakahan!" Sigaw ni Eris at nagulat ako nang buhatin ako ng kapatid ko na parang isang sako ng bigas. Seriously? Bakit biglang lumakas ang kapatid ko?
"Mas maganda yata kung ako ang magbuhat?" Pang-aasar ni Liam na narinig naman ni Tatay.
"Hindi mo pwedeng hawakan ang anak ko lalo na kapag kaharap mo ako!" Sigaw ni Tatay. Nanlaki ang mga mata ko. Naku Tay, kung alam niyo lang. Lumagpas na kami sa hawak. Shit. Nahalikan na ako nitong hambog na Liam na ito!
"Sige ho, Tay! Masusunod po!" Ngumingising sabi niya.
"Eris! Ibaba mo na ako, kainis ka! Sasama ako sa paglalakad." Nabubwisit na sabi ko sa kapatid ko. Mabilis naman niya akong ibinaba. Inirapan ko silang dalawa ni Liam saka nauna na akong maglakad. Natanaw ko kaagad yung sasakyan niya sa tapat ng sakahan namin.
"Hanep, Kuya. Hummer pala kotse mo." Manghang sabi ni Eris.
"Sa kapatid ko talaga 'yan." Aba, hindi yata mayabang ngayon ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]
General Fiction#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wrong reasons--ego and money, to be precise. Ara Lian didn't expect that she would fall for an arrogant prick like Liam. Despite real feelings b...