MTJAB: Chapter 27

459K 5.4K 1K
                                    

MTJAB: Chapter 27

"Here." Mabilis akong sinuotan ni Liam ng jacket nang mapansin niyang yakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Nandito na kami ngayon sa tapat ng apartment namin. Hating gabi na at ngayon pa lang kami uuwi sa bahay nila.

"S-Salamat." Bulong ko. Ni hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hanggang ngayon, sumasagi pa rin sa isip ko ang pagsisisi dahil sa pagbigay ko kay Liam ng buong sarili ko. Hindi ko kasi lubos maisip kung tamang rason ba ang salitang mahal ko siya para ibigay ang lahat ng mayroon ako. Isang buwan pa lang kaming mag-boyfriend pero hindi ko akalain na gano'n kadali na ako bibigay sa kanya.

"Baby, may problema ba tayo?" Napapitlag ako sa tanong niya. Tumingala ako at tinitigan ang mga mata niya pero hindi ko magawang titigan iyon nang matagal dahil kumikinang iyon at puno ng saya. Puno rin iyon ng pagmamahal na nagiging dahilan para magsiliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"W-wala." Balisang sagot ko sa kanya. Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. Mas lalo siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinagtagpo niya ang mga mata naming dalawa.

"Tell me. Alam ko kapag nagsisinungaling ka. Hindi mo ako matitigan nang maayos sa mga mata ko." Pagpupumilit niya.

"W-wala, Liam..." Sagot ko sa kanya.

"Come on, baby." Umiling iling ako at bigla na lang bumagsak yung luha ko. Oo, mahal ko si Liam pero bakit pakiramdam ko niloloko ko ang magulang ko? Nangako ako kay Nanay na ibibigay ko ang pinaka-iingatan ko sa taong ikinasal sa akin dahil big deal sa pamilya namin ang usapan tungkol sa pagbigay ng sarili. Mahal ko si Liam pero hindi maalis sa isip ko ang pagsisisi.

"N-natatakot ako, Liam." Humihikbing sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at napansin ko kung paano tumamlay ang kinang ng mga mata niya.

"Pinagsisisihan mo ba?" Halos mabasag na ang boses niya sa pagtatanong sa akin. Hindi ako makasagot sa kanya. Ang tanging nagawa ko na lang ay kagatin ang ibabang labi ko habang umiiyak na titig na titig sa kanya.

"Ara Lian." Nanginig ang sistema ko sa pagtawag niya sa akin sa gano'ng paraan. Para bang may dinaramdam siya sa pagtawag sa akin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at napasinghap ako nang hilahin niya ako at niyakap nang sobrang higpit.

"Wala na akong magagawa kung pinagsisisihan mo yung nangyari sa ating dalawa pero baby, hindi naman kita iiwanan. Kahit anong mangyari, dito lang ako sa tabi mo. Kahit ipagtabuyan mo pa ako, hinding hindi ako aalis sa tabi mo." Bulong niya sa tainga ko. Nanginginig ang boses niya na para bang nagpipigil siya ng iyak.

"I... I'm really sorry, Liam. Hindi ko dapat sinasabi sa'yo 'to." Bulong ko sa kanya pero naramdaman kong umiling iling siya.

"It's alright. Pero baby, magiging honest lang ako sa'yo. Masakit malaman na pinagsisisihan mo dahil para sa akin, bawat maliit na detalye sa nangyari sa ating dalawa, lahat 'yon pinahahalagahan ko. Ngayon kung pinagsisisihan mo, I'm sorry. Sorry, baby, pero masaya ako dahil ibinigay mo sa akin nang buong buo ang sarili mo." Litanya niya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

"Uwi na tayo. Ayokong ganito tayo. Nahihirapan akong huminga kapag alam kong may sama ka ng loob sa akin." Bulong niya habang hinahaplos pababa ang braso ko.

"No, Liam... Hindi masama ang loob ko sa'yo. Naiinis ako sa sarili ko dahil mahal kita at kahit pinagsisisihan ko ang nangyari sa ating dalawa, masaya ako. Masaya akong ginawa 'yon kasama ka." Sagot ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang makita o maramdamang nasasaktan ko siya dahil sa bagay na ginusto ko rin namang mangyari.

"I'm sorry." Ulit niya at inalalayan na niya akong makasakay sa sasakyan niya. Nararamdaman ko pa rin ang sakit mula sa ibaba ko bilang tanda na kinuha niya ang buong sarili ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon