Balita ni Ybarro kay Amihan

655 19 2
                                    

Nagpaalam at umalis si Ybarro sa piling ni Alena upang balikan si Amihan. Alam niyang mali na nagsinungaling siya kay Alena ngunit gulong gulo lamang talaga siya at satingin niya si Amihan lamang ang magbibigay liwanag sa kaguluhan ng kanyang isipan.

Napagalaman ni Ybarro na hinanap siya ni Amihan. Dali niya itong pinuntahan sa kagubatan kung saan kasama niya sila Alira Aswen at ang mga kawal ng Lireo at Sapiro.

Pinagmasdan muna niya sa malayo ang wangis ng Reyna. Hindi padin nagbabago ang dala nitong tuwa kapag nasisilayan niya si Amihan. Ibang tuwa padin na nakikita niyang maayos at buhay ang Reyna.

"Ybrahim? Buti nakabalik ka na." Masayang bati ng Reyna. Hindi kaagd nakasagot si Ybarro pagkat hindi niya alam kung paano sisimulan ang kanyang balita. "Ano bang nangyari sa iyo at magdamag kang nawala. Saan ka nagtungo? Nag-alala ako, nag-alala kami para sa iyo." Nakita ni Ybarro ang pagaalala ng Reyna para sa kanya. Ngunit dapat na niyang sabihin ang kanyang balita.

"Poltre." Humingi nalang ng tawad ang mandirigma dahil pinagalala niya ang Reyna ngunit nahihirapan pa din itong sabihin ang katotohanan.

"Sa susunod na gusto mong umalis, magpaalam ka muna sa akin. Pagkat ayokong dumagdag ka sa aking mga suliranin." Pagpapaalala ng Reyna. Batid ni Ybarro na nagbibiro lamang ito. Ngunit mas lalong nakonsensiya ang mandirigma pagkat pakiramdam niya siya ay nagtataksil.

Kung kanino man ay hindi pa siya sigurado.

"Amihan.." tawag niya sa Reyna.

"Ybrahim." Tugon ng Reyna.

"May dapat kang malaman Mahal na Reyna." Hindi niya maiwasang maging pormal sapagkat sa kanyang palagay ay dapat siyang magpakatotoo lamang.

"Buhay si Alena. Buhay ang iyong kapatid." Diretsong sambit ni Ybarro. Nabigla ang Reyna sa kanyang balita at hindi ito makapaniwala.

"Anong sinabi mo? Buhay ang aking kapatid? Hindi ba't sinabi ni Cassiopiea na wala na si Alena?" tanong ni Amihan.

"Amihan, totoo ang aking sinasabi. Pagkat si Alena ang kasama ko kung kaya't hindi kaagad ako nakabalik dito." Sagot ni Ybarro.

"Sa iyong piling." Nais sana niyang idagdag ngunit ayaw na niyang lumala pa ang sitwasyon.

"Hindi rin ako makapaniwala pero totoo nga. Nagbalik na ang iyong kapatid." Pagpapatuloy ni Ybarro.

"Buhay si Alena?!" Masaya ang reaksyon ng Reyna sa kanyang binalita.

Hinagkan siya ng Reyna. Ito ang unang pagkakataon na si Amihan ang unang yumakap sa kanya. Ang init ng yakap ni Amihan na tila ayaw na niyang matigil. Isang buong gabi at araw niya itong hindi nakasama kaya ganito na lamang ang pagkasabik niya dito.

"Nasaan ang aking kapatid? Bakit hindi mo siya dinala dito?" Tanong ng Reyna sa kanya. Piniling magpakatotoo ni Ybarro kay Amihan sapagkat alam niyang maiintindihan siya nito.

"Pagkat nagdalawang isip ako. Amihan.." pagaalinlangang sagot ni Ybarro sa Reyna.

"Ybrahim, masaya ako na nagbalik si Alena. Hindi lang bilang kapatid ngunit bilang iyong kaibigan. Pagkat batid kong nagmamahalan kayo."

Hindi alam ni Ybarro ang kanyang mararamdaman. Alam niyang tama si Amihan ngunit batid din niyang nagpaparaya din ito. Masakit para sa kanya ang mga narinig ngunit wala siyang magawa sapagkat ayaw niyang pilitin ang Reyna na aminin ang tunay nitong nararamdaman.

"Ibabalita ko kay Imaw ang magandang balita." Batid ni Ybarro na umiiwas na si Amihan sa usapan. Ngunit hindi pa siya handang umalis si Amihan.

"Amihan. Sandali.." hinawakan niya ang kamay ng Reyna bago pa ito makalayo.

"Papaano tayo?" Pangahas na tanong ni Ybarro. Ayaw niyang ipasangtabi ang kanilang nararamdaman. Minahal niya si Alena ngunit gaya ng sinabi niya nung nagkita sila ni Alena ay marami na nga ang nagbago at isa na doon ang kanyang nararamdaman. 

"Ybarro.." nakikita niyang nagaalangan ang Reyna.

"Amihan, huwag mong ikaila na may namamagitan sa atin. Dahil batid kong hindi lang ako ang may pagtingin sa iyo." Patuloy ni Ybarro. 

"Ngunit ayokong saktan si Alena. Nagawa ko na iyon dati at ayoko nang maulit muli iyon." Malungkot na tugon ni Amihan.

Parang dinudurog ang puso ni Ybarro sa kanyang mga naririnig. Ayaw niya din saktan si Alena ngunit ayaw niya itong lokohin kung babalik pa ito sa kanya na tila walang nagbago. Alam  ni Ybarro na mas labis na masakit ito para sa Sang're. 

"Ybarro, huwag mo akong alalahanin. Higit na mahalaga sa akin na nagbalik na si Alena. At dadagdag siya sa ating bilang. Malakas ang pwersa ni Alena kaya kailangan natin siya. Balikan mo ang aking kapatid, at iuwi mo siya dito." Ipinatong ni Amihan ang isa pa nitong kamay sa kanilang magkahawak nang mga kamay. 

Nais sabihin ni Ybarro na siya na ang mahal nito at hindi na ang kanyang kapatid. Gusto niyang ipagsigawan ang kanyang nararamdaman ngunit hindi na siya tulad nang dati na mapusok na mandirigma. Isa na siyang prinsipe na ang dapat iniisip ay ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Kahit pa na masakit ito para sa kanya. 

Lahat ng sinabi ni Amihan ay totoo ngunit alam ni Ybarro na siya ay nagsasalita bilang Reyna at hindi bilang si Amihan. Ang mga puntong kanyang binanggit ay sa ikakabuti ng lahat kahit na alam niyang masasaktan siya. Uunahin talaga ni Amihan ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarili.

Hindi makapaniwala si Ybarro sa kanyang sarili sapagkat sa gitna ng suliraning kanilang kinakaharap ay mas lalong lumalalim ang kanyang pagtingin kay Amihan dahil sa pinapakita nitong katapangan ng loob.

Nakangiti si Amihan ngunit batid ni Ybarro ang umiiyak nitong kalooban. Batid niya sa mata ng kanyang mahal na Reyna na ito'y nasasaktan.

At walang siyang magawa sapagkat naiipit din siya sa sitwasyon. Ayaw niyang isipin ni Amihan na hindi niya pinapahalagahan ang kaniyang nararamdman ngunit ayaw naman din ni Amihan na saktan ni Ybarro si Alena kaya ganito ang kanyang desisyon.

"Masusunod, Mahal ko... kong Reyna." Hindi na magawang aminin ni Ybarro ang kaniyang nararamdaman para sa Reyna sapagkat nakapagpasiya na ito at susundin niya ang utos ng kanyang Reyna.

Nasasaktan siya para kay Amihan ngunit nahihirapan siyang tulungan ito sapagkat siya mismo ang dahilan kung bakit nasasaktan ang Reyna.

Siya ay naguguluhan pa din sapagkat sabi nang kanyang isip, tama lamang na kay Alena nito ituon ang pansin ngunit ang puso ng mandirigma ay tila pagamamay-ari na ng iba.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon