"Agape Avi, Ecorrei... Ecorrei Hara.." paghingi ng paumanhin ng Rehav sa Reyna para sa kanyang mga nasabi. Ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagpapakita ng pagaalala para sa Reyna.
Alam ni Ybrahim na ang kanyang mga tinuran ay hindi nagustuhan ng Reyna ngunit para sa kanya ay katotohanan lamang ito. Ngunit dahil din dito ay lumayo muli si Amihan sa kanya.
Huminga ng malalim si Ybrahim habang naglalakad palayo sa silid ng Reyna. Kaalis lamang nito ngunit nagaalala na kaagad ang Rehav para sa kanya. Hindi na niya kayang manatili na walang ginagawa habang ang kanyang Reyna ay sinusugal ang kanyang buhay para sa kanilang anak.
May obligasyon siyang protektahan ang kanyang nasasakupan ngunit mas matimbang ang kapakanan ng kanyang Mag-ina ngayon kaya hindi siya mananatili sa Sapiro at maghihintay lamang.
Hinanap niya ang iba pa niyang mga kapanalig upang pagbilinan bago siya umalis. Nais niyang matiyak na may nagbabantay pa rin sa kanilang mga kasama.
"Mashna Aquil. Nasaan si Muros at Danaya?" Tanong niya sa Mashna nang makita niya itong nagiisa.
"Mahal na Prinsipe. Paumanhin ngunit hindi ko batid kung nasaan sila. Nasaan si Reyna Amihan?" Balik tanong sa kanya nito.
"Ayun nga ang nais kong ibilin sa iyo. Aalis muna ako ng Sapiro upang sundan siya pagkat pumunta siya ng Lireo upang subukang bawiiin ang aming anak." Pagsasalaysay nito sa Mashna.
"Naiintindihan ko Mahal na Prinsipe. Magingat ka sa pagpunta ng Lireo. At nawa'y gabayan kayo ni Emre sa paghahanap sa inyong anak."
"Sino ang pupunta ng Lireo?" Pagsingit ni Danaya sa kanilang usapan.
"Danaya. Susundan ko si Amihan sa Lireo dahil pumunta siya doon upang bawiin si Lira." Pagtatapat nito sa Sang're.
"Sasamahan kita. Lubhang napakapanganib kung pupunta ka doon mag-isa. Wala kang kapangyarihan ng Ivictus kaya't sasamahan na kita."
Hindi na tumanggi pa si Ybrahim pagkat ito ang totoo. At mas lumakas ang kaniyang loob dahil tutulungan siya ni Danaya.
"Mainam. Avisala Eshma Danaya. Marapat na ngayon na tayo umalis para maabutan pa natin si Amihan."
Tumango lang si Danaya at lumapit na si Ybrahim sa kanya upang kumapit dito. Nang nailapat na ni Ybrahim ang kanyang kamay sa balikat ni Danaya ay agad silang naglaho at sa isang kisapmata ay nasa loob na sila ng Lireo.
"Nakatitiyak ka bang nandito si Amihan?" Tanong ng diwata habang inilibot niya ang kaniyang panigin.
"Sigurado akong hinahanap niya ngayon si Lira. Kaya maaring dito siya pupunta." Sagot niya dito. Nakakasigurado siya pagkat dito din ang sinabi ni Amihan.
"Hindi niya dapat ginawa iyon. Wala siyang mapapala kay Hagorn."
"Danaya.." pinutol ng diwata ang kanyang sasabihin.
"May paparating." Hinawakan siya muli ni Danaya at naglaho.
Narinig nila ang dalawang tinig na naguusap ukol sa dapat nilang manmanan. Muli silang nagbalik ni Danaya sa harap ng mga nilalang at nakita nila na si Pirena at Hitano ang magkausap. Ang dalawang taksil.
"Sino ang paguusapan niyo ng taksil na ito? Sinong aalamin at mamatyagan ninyo?" Paunang tanong ni Danaya sa kanilang mga kaaway.
Tila nahuli ang dalawa sa akto pagkat hindi kaagad sila nakasagot sa tanong. Uminit ang dugo ni Ybrahim nang makita niya ang taksil na si Hitano. Siya ang dahilan kung bakit siya namatay noon at pinagbantaan pa nito ang kanyang Ama. Matindi ang galit niya kay Hitano dahil nalagay sa peligro ang buhay ng mga kasama niyang mandirigma.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionPag-ibig na itinakda ni Emre ngunit hindi para magkatuluyan. Pag-ibig na umusbong sa hindi inaasahang panahon. Pag-ibig na mayroong malaking responsibilidad para sa ikaliligtas ng buong Encantadia. Para nga ba sila sa isa't-isa? Tama bang unahi...