Ang Puso ni Reyna Amihan

832 11 8
                                    

"Patay na si Lira! Hindi mo na siya makikita pa!"

"Lira!"

Dali - daling napabalikwas sa kinahihigaan niya si Amihan. Napanaginipan na naman niya ang engkwentro nila ng kanyang kapatid na si Alena. Hindi nito napansin na may tumulong mga luha mula sa kanyang mga mata pagkat kanyang naalala muli ang pagdakip kay Lira ng sarili niyang mga kapatid.

Lira, ang kanyang nagiisa at pinakamamahal na anak na simula nang kanyang sinilang ay saglit lamang niyang nakakasama. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso ang Reyna ng Lireo. Anong silbi ng kanyang titulo kung wala naman itong nagawa upang iligtas ang kanyang anak.

Ang lumang espada ni Lira na lamang ang natitira niyang alaala mula dito. Dapat ba siyang mapagod? Paulit ulit na lamang nawawala ang kanyang anak. Wala ba siyang karapatan na maging masaya maski makasama lamang ang kanyang anak?

"Lira, anak, bumalik ka na sa akin. Umuwi ka na." Mahinang sambit ng Reyna habang umiiyak at yakap nito ang ginintuang espada.

"Amihan?" Tawag ni Danaya sa Reyna. Minulat ni Amihan ang kanyang mga mata at bumungad ang nagaalalang wangis ng kapatid.

"Narinig ko ang iyong pag sigaw. Ayos ka lang ba?" Tila nag aalangan na tanong ni Danaya sa kanya. Hindi kaagad sumagot si Amihan, pinunasan ang mga luha at tumayo na lamang ito mula sa kama at nagsimulang maglakad palabas ng kanyang silid.

Iniipon ni Amihan ang lakas upang ikwento sa kapatid ang kanyang panaginip. Tila bangungot kung tutuusin pagkat hindi ito kanais nais. Hawak niya pa din ang Avatar ni Lira nang bigla na lamang may kakaibang nangyari at naramdaman ang Reyna.

Tila may isang malaking pagkukulang ang kanyang nararamdaman sa kanyang puso at isipan. Para bang nawala siya sa kanyang sariling ulirat panandalian at nahilo ng saglit.

"Hara, bakit mo hawak ang Avatar?" Tanong ni Danaya sa Reyna. Nawala ang konsentrasyon ng Reyna at pinagmasdan ang kanyang hawak.

"Hindi ko mabitawan Danaya, pagkat pagaari ito ni.." Tumigil saglit ang Reyna at pinagmasdan ang sandata na kanyang hawak, sinuri at napansin ang kakaibang wangis nito.

"Kay gandang sandata nito Danaya, kilala mo ba kung sino ang may ari nito?" Tanong ni Amihan sa kapatid. Mukha itong pamilyar ngunit sigurado ang Reyna na ngayon lamang niya ito nakita.

"Hindi. Ngayon ko lamang nakita ang sandatang iyan." Pag tanggi ni Danaya. Patuloy na sinuri ni Amihan ang sandata sa kanyang kamay. Kung hindi nila kilala ang may ari nito, paano ito napunta sa kanya?

"Wala pa rib ba si Ybrahim?" Pinutol ni Danaya ang pagiisip ni Amihan. Tumungo si Ybrahim upang kausapin si Alena na patawarin si Danaya sa di sadyang pag patay kay Khalil dahil pinagkamalan itong kampon ni Hagorn.

"Wala pa din. Hindi pa siya dumarating, sana lamang ay mayroon siyang dalang magandang balita." Sagot ni Amihan ngunit hini nito inalis ang tingin sa sandata na hawak.

"Tayo ay magpahinga na Amihan. Malaking digmaan ang ating pinanggalingan kaya nararapat lamang na pagpalakas tayo dahil di natin alam kung kailan muli susugod sila Hagorn." Sumang ayon na lamang si Amihan at bumalik ito sa kanyang silid.

Bago nito ipikit ang mga mata, muli niyang sinilip ang sandata na nagdadala ng kakaibang pakiramdam sa kanyang puso't isipan. Tila ba mayroon siyang nakakalimutan ngunit hindi niya maalala kung ano ito.

Ngunit ilang sandali pa ay nakatulog na ang reyna dala na rin dahil ng pagod mula sa gyera at paglalakbay papunta sa dakilang moog.

-----

Nasa hapag kainan sina Amihan kasama ang iba pang kasamahan at kumakain ng almusal nang may magbalita sa kanila na may nilalang sa labas ng Moog na tila nang gugulo. Agad na tumayo si Amihan upang silipin ang kaganapan sa labas ng Moog.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon