Lumisan si Ybrahim ng may ngiti sa mga labi. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak na si Lira at hindi siya mangangamba pagkat batid niyang gagawin lahat ni Amihan upang ipagtanggol ang anak.
"Mukhang ang laki ng mga ngiti sa ating labi, Mahal na Prinsipe." Pangbubuyo ng kaibigang si Wantuk.
Madalas ay niloloko siya nito at palagi niya itong pinapagalitan ngunit ngayon ay tila hindi niya nais gawin ito pagkat masaya naman talaga ang Prinsipe.
Hindi pa rin nawawala ang sakit ng pagkamatay ni Khalil ngunit natatabunan na ito muli ng pagmamahal na umaapaw mula sa kanyang anak at batid ni Ybrahim na mula din sa Reynang kanyang sinisinta.
"Masama ba ang ngumiti, Wantuk?" Tanong nito sa kaibigan habang sila ay naglalakbay ngunit di kaagad sila patungong Dakilang Moog pagkat sila ay pupunt muna ng Ascano upang kumuha ng ilang kagamitan na maari nilang gamitin sa kanilang pagtira sa Palasayo. Kasama nila ang ilang dama na kanyang kinausap upang tulungan siyang ayusin ang Palasyo.
"Hindi naman Kaibigan. Napapansin ko lang na iba ang iyong ngiti."
Tinignan lamang niya ang kaibigan pagkat wala naman siyang masabi pagkat siya ay masaya lamang.
"Ano bang gagawin natin at kailangan nating pumunta sa Ascano bago sa
Palasayo?" Tanong muli ng makulit na kaibigan nito.
"Nais kong ayusin ito nang sa gayoon ay maging kanais-nais itong tirahan para sa aking Mag-ina... at ng ating mga kasama." Sagot ng Prinsipe.
"Ayun naman pala eh. Para lamang pala sa kanyang mag-ina!" Muling pangaalaska ng kaibigan.
"Ssheda Wantuk! Nais mo bang iwan kita dito?" Pananakot ng Rehav. Sila ay nasa madilim na bahagi ng gubat at batid niyang matatakutin ang kaibigan.
"Nagbibiro lamang Mahal na Prinsipe! Ikaw naman, di ka na mabiro." Pagbawi ng kaibigan sa kanyang pangbubuyo.
"Pupunta tayo ng Ascano upang kumuha ng ilang mga kagamitan at mga tela upang gawan ng bagong damit ang ating mga kasamahan." Sagot ng Prinsipe sa kaibigan.
Hindi na umimik muli ang kaibigan at matahimik silang naglakbay papuntang Ascano. Pagdating nila dito ay naghihintay si Wahid sa kanila na may dalang ilang mg kagamitan at mga tela, kasama nito ang ilang barbaro na may dala ng mga gamit.
"Avisala Kaibigan." Bati ni Ybrahim at iniabot ang kanyang kamay.
"Avisala! Narito ang mga kinakailangan niyo para sa paglipat sa dakilang Moog." Paghantad ni Wahid sa mga kagamitan. Pinagmasdan ito ng Prinsipe at tila natuwa naman sa handog ng kaibigan.
"Mainam. Avisala Eshma. Wantuk, tayo ay magpapahinga saglit at lalakad na muli pabalik ng dakilang Moog." Utos nito sa kaibigan na daliang nagtungo sa hapag upang kumain.
Naiwan si Wahid at Ybrahim na nililibot ang paningin.
"Avisala Eshma Wahid. Maraming salamat sa pagtulong ninyong mga barbaro sa amin." Sambit ng Prinsipe sa kaibigan.
"Walang ano man. Oo nga pala, may nais akong ihandog sa iyo." Umalis saglit ang barbaro at sa kanyang pagbalik ay may dala itong isang kahon na sa tingin ng Prinsipe ay naglalaman ng importanteng bagay.
"Ito. Tanda ito ng aking katapatan sa Sapiro." Iniabot ng kaibigan ang kahon at nang buksan nito ay bumungad sa kanya ang isang gintong kwintas na mayroong asul na dynamante sa gitna nito. Halatang mamahalin ito dahil sa pakiwari ng Prinsipe ay gawa ito sa purong ginto.
"Wahid, hindi ko ito matatanggap." Sinubukang isoli ni Ybrahim ito ngunit hindi na ito tinanggap ni Wahid.
"Kaibigan, sa iyo na iyan. Tanda ng pagbabalik ng katapatan naming mga barbaro sa Sapiro." Sambit ng kaibigan at tska ito umalis at sinaluhan si Wantuk sa pagkain. Naiwan ang Prinsipe na pinagmamasdan ang kwintas.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictiePag-ibig na itinakda ni Emre ngunit hindi para magkatuluyan. Pag-ibig na umusbong sa hindi inaasahang panahon. Pag-ibig na mayroong malaking responsibilidad para sa ikaliligtas ng buong Encantadia. Para nga ba sila sa isa't-isa? Tama bang unahi...