May mga saysay ang payong binigay ni Imaw ngunit hindi pa din mawaksi ni Ybarro ang pagaalala kay Alena kaya pinili niya umalis na muna sa kanilang kuta. Ayaw man niyang iwan si Amihan, batid ni Ybarro na hindi babalik sa dati ang kanilang ugnayan dahil laging uunahin ni Amihan ang kapakanan ng kanyang kapatid at hindi din niya kayang saktan si Alena ng ganun ganun lamang.
Hinanap ni Ybarro si Alena kung saan saan at hindi muna siya bumalik sa kuta nila Amihan, bagkus ay sa Sapiro muna ito nanatili.
Hinahanap din ni Ybarro ang kanyang sarili sapagkat tila nawawala din ito. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Batid niyang siya ang dahilan ng gusot na ito ngunit kasalanan bang umibig sa Reyna?
Bilang si Ybarro, minahal niya ng buo si Alena at kahit sila ay magkahiwalay siya pa din ang tinitibok ng puso nito. Ngunit nang siya ay mamatay at mabuhay muli bilang si Prinsipe Ybrahim ay tila bago na rin ang kanyang katauhan. Noong una ay hindi pa niya matangap na isa siyang Prinsipe sapagkat sa kanyang palagay ay wala namang basehan at kahulugan ito ngunit nang makasama niya si Amihan at sabay nilang hinarap at hinaharap ang mga kalaban ay tila nagkakaroon siya ng saysay bilang Prinsipe. Sa tabi ni Amihan, malayo na siya kay Ybarro na mandirigma at mas nakikilala niya ang sarili bilang si Ybrahim, ang Prinisipe ng Sapiro.
Kasabay ng pagkilala niya sa sarili ay ang pagkahulog ng loob nito kay Amihan. Hindi dahil siya ay Reyna ng Lireo, o kapatid ni Alena, o anak ng kanyang Anak. Wala sa ano mang ito ang basehan kung bakit nahulog ang kanyang loob kay Amihan.
Si Amihan na nakilala niyang matapang, mabait, mapagkumbaba, at walang ginawa kundi ang unahin ang iba bago ang sarili. Inibig niya ang isang simpleng diwata na nagkataon lamang ay Reyna, kapatid ng dating sinisinta, at nanay ng anak na itinakda ni Emre.
Kung si Ybarro lamang ang papipiliin ay ayaw niya ng gulo at gusto niyang umiwas na lamang ngunit hindi niya madidiktahan ang kanyang puso na tila si Amihan ang sinisigaw kaya kahit anong gawin niyang layo dito ay mas lalo lang siyang nasasabik na makasama ito.
Sana lang makita na niya ang kanyang hinahanap upang makabalik na siya sa tunay na nagmamay-ari na ng kanyang puso.
Nang siya ay naghahanap ay may kaguluhan siyang naabutan sa kagubatan. Isang diwatang babae na naka gayak pandigma na ngayon pa lamang niya nakita ang nakikipaglaban sa mga bandido. Hindi mabatid ni Ybarro ang pagnanais na protektahan ng diwata kaya tinulungan niya ito.
Kakaiba ang mga salitang binabanggit ng diwata at dito napagtanto ni Ybarro na hindi taga encantadia ang diwata. Nang subukan niyang kunin ang armas ng diwata sapagakat nais lang niyang makasiguro na hindi ito isang kaaway, ay bigla itong tumakbo papalayo sa kanya. Hinabol niya ito ngunit tila bigla na lamang ito naglahong parang bula.
Makalipas ng ilang araw nagpasiya siyang bumalik sa kuta upang kamustahin ang mga kasama. Nais din niyang makitang muli ang Reyna.
Hindi pa din nagbabago ang kanyang nararamdman para dito at hindi niya alam kung ito ay magbabago pa.
Hindi din niya nakita kahit anino ni Alena. Sinubukan niya sa Lireo ngunit umalis na raw rito ang kanyang hinahanap. Masyadong malaki ang Encantadia upang hanapin si Alena kaya't nagpasiya siya na itigil muna ang paghahanap at sundin ang payo ni Imaw na hayaan muna ito upang mag-isip.
Sa kanyang daan nakita niya si Mashna Aquil na kasama si Sang're Danaya. Nagulat siya sapagkat sa pagakaka alam niya ay nasa mundo ito ng mga tao. Nang narating niya ang mga ito, nakita niya ang Reyna na tinatawag ang mga ibon.
Hindi siya pinansin nito at si Sang're Danaya lamang ang sumagot sa kanya.
Nandito na sa Encantadia ang tunay niyang anak, si Lira. At malakas ang hinala ni Ybarro na ang tinulungan niyang diwata ay ang nawawala niyang anak base sa binigay na impormasyon ni Danaya. Nagmadali si Ybarro, hindi maaring si Amihan lamang ang mga may gawin upang mahanap ang kanilang anak. Umalis muli si Ybarro at hindi na siya nagpaalam sapagkat alam niyang hindi rin siya papansinin ng Reyna.
Ilang araw ng naghahanap si Ybarro ngunit bigo muli siya. Sa lahat nalang ba ng bagay ay bigo siya? Una sa paghahanap kay Alena, ngayon naman ay ang paghahanap sa kanyang anak? Ano nalang ba ang nakatakda niyang gawin sa buhay niya?
Nalulungkot si Ybarro sapagkat tila wala na siyang tamang ginawa. Nagalalakad siya sa gilid ng palasyo ng Lireo nang makita niya si Pinunong Imaw na mukhang malungkot at tumatangis.
Agad niya itong nilapitan at nang nalaman niya ang dahilan ng kanyang pagtangis ay nagpasiya siyang bawiin ang tungkod ni Imaw mula kay Hagorn. Panahon na rin siguro na magpakita si Kalasag sa mga kaaway.
Muntik man hindi mabawi ni Ybarro ang tungkod, laking tuwa niya nang makalabas siya ng Lireo na bitbit ang kanyang sadya. Napansin niyang nagkakagulo sa loob ng palasyo ngunit hindi na niya ito pinansin pa dahil sabik na siyang isoli ang tungkod ni Imaw.
Pagdating niya sa kuta ay palihim niyang hinanap ang Reyna ngunit hindi niya ito nakita. Tinungo niya ang kubol ni Imaw at naabutan niya itong akmang aalis at narinig niyang magtutungo ito muli sa Lireo.
Pagkatapos isoli ni Ybarro ang tungkod, tinanong niya ang Mashna Aquil kung sino ang kasama nila ngayon sa kuta. Nang malaman niyang wala si Amihan o Danaya ay nagpasiya siyang manatili upang may katuwang si PaoPao sa pagbabantay sa kuta.
Galing sa paglilibot si Ybarro at Aquil nang makita nila ang kambal diwa ni PaoPao na paalis. Nang malaman nila ang dahilan, hindi nagatubiling sumama si Ybarro sa pagtungo sa Lireo.
Nasa panganib si Amihan.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionPag-ibig na itinakda ni Emre ngunit hindi para magkatuluyan. Pag-ibig na umusbong sa hindi inaasahang panahon. Pag-ibig na mayroong malaking responsibilidad para sa ikaliligtas ng buong Encantadia. Para nga ba sila sa isa't-isa? Tama bang unahi...