Payapa na ang gabi, lahat maliban sa kanilang mga nagbabantay ay nahihimbing na. Lahat marahil ay pagod hindi lamang sa pisikal na aspekto ngunit pati na rin siguro emosyunal dahil iniisip nila ang kanilang kaligtasan.
Nasa tapat siya ng kubol ni Amihan at nang silipin niya ito sa loob, nakita niyang natutulog nadin ito at si PaoPao. Napansin niyang hindi maayos ang kanilang kumot kung kaya't nagkusa na siya na ayusin ito para sa kanila.
Dahan dahan siyang pumasok at inayos ang kumot. Nang siya ay lalabas na ay narinig niyang tinawag siya ng akala niyang natutulog na Reyna.
"Ybrahim?" Natuwa si Ybarro sapagkat matagal niyang inintay na muli niyang marinig na tawagin siya ng Reyna.
"Mahal na Reyna. Agape Avi, Tinitiyak ko lamang na mapayapa kayo ni PaoPao. At Ybrahim? Hindi ata ako masasanay na ganyan ang tawag mo sa akin." Hindi maipaliwanag ni Ybarro kung bakit tila hindi niya pa din matangap ang kanyang tunay na pangalan. At sa tuwing maririnig niya ito tila ibang nilalang ang kanilang tinatawag at hindi siya.
"Bakit naman, nung una tayong magkakakilala ay Ybrahim na ang iyong ngalan hindi ba?" Tinutukoy ng Reyna ay yung una nilang pagtatagpo sa panaginip. Naalala din pala ng Reyna ang kanilang unang pagkikita.
Hindi pa nais ni Ybarro na ipaliwanag sa Reyna ang pagaalinlangan nito kaya ninais na lamang niya umalis.
"Sige na Mahal na Reyna, mauuna na ako. Magbabantay pa ako sa paligid." Paalam ni Ybarro.
Nang siya ay palabas na ay naramdaman niyang may kumapit sa kanyang kamay. Nang tinignan niya ito, magkalapat ang kamay niya at ng mahal na Reyna.
Ito ang unang pagkakataon na hindi siya ang naunang umabot sa kamay ng Reyna. Ganun pa din ang pakiramdam nito, mainit at malambot ngunit may bagong kakaibang hindi maipaliwanag nanaman na nararamdaman si Ybarro sa mga sandaling iyon. Kaya hindi rin niya natanggihan na hindi pansinin ang Reyna.
"Ybrahim, kitang-kita ang pagod sa iyong mga mata. Umupo ka muna at uminom ng tubig." Utos ng Reyna sa kanya. Hindi mabatid ni Ybarro kung paano nalalaman ni Amihan ang kanyang mga nararamdaman kahit hindi siya magsalita. Sa tingin pa lamang ay nababatid na ng Reyna ang mga iniisip at kinikilos ni Ybarro.
Nang hindi kaagad sumunod ang mandirigma, ang Reyna na mismo ang ngsalok ng tubig para sa kanya.
"Utos ng iyong Reyna, mandirigma." Sambit ng diwata.
Ibang tuwa ang dumaloy kay Ybarro. Hindi lamang siya pinagsilbihan ng Reyna kung hindi nagaalala din ito para sa kanya. Sino ba si Ybarro upang tanggihan ang Kanyang Reyna kaya sinunod na niya ito.
Sobrang lapit na naman niya sa Reyna. Tila numinipis na naman ang hangin sa kanyang dibdib.
"Avisala Eshma." Pasasalamat ni Ybarro.
Alam niyang pinagmamasdan siya ng Reyna. Sa kanyang gilid, batid niyang hindi nilulubayan ng tingin nito habang siya ay umiinom.
"Natatakot ako, baka hindi na natin makita ang ating anak." Narinig ni Ybarro mula sa Reyna.
Sa mga panahong gaya nito, alam ni Ybarro na tunay ang nadarama ni Amihan. Isa ito sa mga katangian na hinahangaan ni Ybarro sa Kanya. Marunong itong tumanggap ng takot at pangamba, na gaya ng isang normal na diwata. Na hindi dahilan ang pagiging Reyna niya upang hindi niya maramdaman ang mga ito. At masaya si Ybarro na isa lamang siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Amihan upang ipakita ang ganitong klase niyang pangamba at pagaalinlangan.
Lumabas din ang pagiging Ina ni Amihan. Ina sa kanilang Anak. Batid ni Ybarro ang pangungulila niya para sa anak. Sana ay makasama na nila ang kanilang anak.
Sa totoo lamang si Amihan at ang kanilang anak na lamang ang natitirang dahilan kung bakit lumalaban si Ybarro. Sila na lamang ang maituturing na tunay na pamilya ni Ybarro. Kung kaya't hindi dapat sumuko at panghinaan ng loob si Ybarro at dapat din siyang maging matatag para kay Amihan.
Isinumpa niya kay Amihan na sasamahan at hindi niya iiwan ang Reyna hanggang sa makita nilang muli ang kanilang anak.
"Huwag ka magalala Amihan, alam kong matatagpuan natin siya. Huwag kang panghinaan ng loob at tatagan mo ang iyong puso. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ko ang natitirang mga mahal ko sa buhay." Sambit ni Ybarro.
"Mahal?" Tanong ni Amihan sakanya. At doon niya lamang napagtanto ang kanyang sinabi. Hindi niya sinasadya ang mga salitang iyon, nagsalita lamang siya ayon sa laman ng kanyang puso. Hindi na niya binawi ang mga salita niya at hinayaan na lamang niyang isipin ni Amihan ang kanyang nais sabihin.
Ngunit hindi na pinatulan ito ni Amihan at tila pinalampas na lamang ito.
"Ang gulo-gulo na sa Encantadia. Ano kayang mangyayari sa atin?" Tanong niyang muli. Tila madami nga ang bumabagabag sa Mahal niyang Reyna. At bakas sa kanyang mga mata ang takot sa walang kasiguraduhang kinabukasan.
Ayaw magsinungaling ni Ybarro sa Reyna kaya hindi na niya sinubukang iwaksi ang takot ng Reyna ngunit isa lamang ang masasabi ni Ybarro na alam niyang tunay at totoo hangang sa huli.
"Huwag kang magalala. Nandito lamang ako."
Hindi na mapigilan ang damdamin ni Ybarro. Hindi niya magawang pigilin ang nararamdaman para sa Reyna hindi lamang ng Lireo kundi sa kanyang palagay ay Reyna na rin ng kanyang buhay.
Tinignan niya ng malalim ang Reyna, napaka lapit muli ng kanilang mga mukha. Dumiretso ang tingin ni Ybarro sa mga labi ng diwata tila nawala na lahat ng kanyang pagaalinlangan at inilapit niya pa ng husto ang kaniyang mukha.
Kung nung una ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso, ngayon ay tila tumigil na ito. Hindi na niya nararamdaman ang tibok sapagkat ang kanyang pansin ay nakatuon na lamang sa labi ng Reyna.
Palapit na ng palapit ang kanilang mga mukha. Hindi inalis ni Ybarro ang kanyang tingin sa mata ng Reyna. Unang pumikit ang Reyna at nang siya ay nagpaubaya nadin sa kanyang nararamdaman ay ipinikit nadin niya ang kanyang mga mata.
"Anong ginagawa mo?"
Narinig nila ang tinig ng paslit, at bumangon ito sa pagkakahimbing. Si Amihan ang unang umiwas at itinuon ang pansin kay PaoPao.
Hindi makapaniwala sa Ybarro na muntik na naman niyang halikan ang Reyna. Ngunit sa pagakakataong ito ay nasigurado na ni Ybarro na siya ay nahuhulog na nga para sa Reyna.
"PaoPao gising ka pa pala. PaoPao matulog ka na nga." Batid ni Ybarro ang nanginginig na boses ng Reyna. Napa ngiti na lamang siya at nagpasiyang dapat ay bumalik na siya sa pagbabantay at baka hinahanap na siya ng mga kasama.
"Mauna na ako Mahal na Reyna."
Lumabas na si Ybarro na kubol ng may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya maipalawanag ang sayang kanyang nararamdaman.
Hindi naman siguro masama kung iibig siyang muli. Nang mamatay si Alena ay buong akala niya ay hindi na siya iibig muli ngunit narito siya ngayon at tila sigurado na sa nararamdaman para kay Amihan.
Pinagmasdan ni Ybarro ang langit na napaka aliwalas at puno ng bituin na tila walang bakas ng kaguluhan na nangyayari sa Encantadia.
"Alena, paalam mahal ko. Maraming salamat sa masasayang alala na nakasama kita. Nawa'y masaya ka na sa Devas ngayon. Hindi mawawala ang puwang mo sa aking puso habang buhay. Pero Nawa'y pahintulutan mo ang nararamdaman ko para sa iyong kapatid. Hindi ko din inaakala ito ngunit sumasaya ako kapag kasama ko siya." Sambit ni Ybarro sa hangin, na sana'y matangap ni Alena kung nasaan man siya.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanficPag-ibig na itinakda ni Emre ngunit hindi para magkatuluyan. Pag-ibig na umusbong sa hindi inaasahang panahon. Pag-ibig na mayroong malaking responsibilidad para sa ikaliligtas ng buong Encantadia. Para nga ba sila sa isa't-isa? Tama bang unahi...