Nagising si Amihan dahil naramdaman niyang may pumasok sa kanyang silid.
"Paumanhin Amihan kung naistorbo ko ang iyong paghimbing." Narinig ni Amihan. Hindi niya pa namumulat ang kanyang mata ngunit kanyang ramdam na nanumbalik na ang kanyang lakas.
"Wala anuman, Danaya. Bakit ka nga ba naririto?" Tanong nito sa kanyang Apwe.
Nagpapasalamat na lamang si Amihan pagkat naging matapat pa rin ang kanyang kapatid sa kanya matapos ang mga nagawa nito noon na siya ay Reyna at minamanipula ni Pirena.
"Natagpuan na namin ni Aquil si Aliran Naswen." Hindi nakatakas kay Amihan na tila hindi masaya ang kanyang Apwe sa kanyang balita.
"Magandang balita iyan. Ngunit bakit tila hindi ka tunay na masaya?" Tanong ni Amihan at inaya ito sa kanyang tabi.
"Amihan.."
"Danaya, batid ko na ikaw ay may dinadamdam. Ano ito?" Paghihikayat nito na sabihin ang kanyang nasa isip.
Hindi pa rin nagsasalita ang kanyang Apwe at mas minabuti na nito na siya na mismo magtanong.
"Nagseselos ka ba kay Alira Naswen?"
Hindi kaagad nakasagot si Danaya at nanatili lamang sa tabi ni Amihan. Ngunit hindi man ito magsalita ay tila alam nito ang nararamdaman ni Danaya. Kanyang hinagkan na lamang ang kanyang kapatid na sinuklian ng mahigpit na yakap nito.
"Mali ba itong nararamdaman ko Amihan?" Tanong sa kanya ng kapatid.
Hindi din alam ni Amihan ang kanyang sasabihin pagkat ngayon lamang siya tinanong ukol sa ganitong bagay. Siya mismo ay hindi alam ang tama o mali pagdating sa pagibig.
"Sa aking palagay ay hindi ito basehan kung tama o mali ang iyong nararamdaman Mahal kong Kapatid. Pagkat batid kong lahat tayo ay may karapatan upang maramdaman ang ating nararamdaman. Ngunit kung ikaw ay talagang may pagtingin kay Aquil ay sabihin mo ito." Sagot ni Amihan.
Tila kinakausap din ni Amihan ang sarili sa kanyang mga tinuran ngunit batid ni Amihan na hindi sila magkatulad ng sitwasyon ni Danaya.
"Ngunit bakit ikaw, ayaw mong sabihin kay Ybrahim ang iyong nararamdaman?" Balik na tanong sa kanya ni Danaya.
Muli siyang nawalan ng mga salitang maibigkas para sagutin ang kanyang apwe. Hindi nga lingid sa lahat ang kanilang pagtitinginan ni Ybrahim ngunit ayaw niya pa rin aminin kahit kanino ang kanyang tunay na nararamdaman.
Bakit nga ba?
"Danaya, masyadong marami bagay ang dapat ko munang isipin bago ang aking sarili. Bilang Reyna ay katungkulan kong unahin ang kapakanan ng aking nasasakupan pagkat ito ang aking pinagsumpaan. Ngunit ikaw, malaya kang mahalin ang kahit sino mang enkantado na iyong nanaisin." Payo niya kay Danaya. Katotohanan lamang ang kanyang mga tinuran.
"Ngunit huwag mo sanang isara ang puso mo Amihan." Pagpapaalala sa kanya ng kapatid.
Para namang may kirot sa kanyang puso sa kanyang mga narinig. Sobrang naguguluhan pa rin ang Reyna pagdating sa kanyang nararamdaman kaya pinili na lamang niyang umiwas.
"Tayo na. Maghanda na tayo. Lalabas na ako pagkatpos kong magbihis."
Hindi na naman pinilit pa ng kapatid ang kanyang tanong at sinunod na lamang ang kanyang kapatid na Reyna.
Lumabas na ang kanyang apwe at Makalipas ng ilang sandali ay handa nang humarap si Amihan sa kanyang mga kasama muli.
Unang hinanap ng kanyang Mata ay ang Prinsipe na masayang nakikipagusap kay Alira at tila para bang naramdaman kaagad siya na Ybrahim pagkat nagtagpo ang kanilang mga paningin.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionPag-ibig na itinakda ni Emre ngunit hindi para magkatuluyan. Pag-ibig na umusbong sa hindi inaasahang panahon. Pag-ibig na mayroong malaking responsibilidad para sa ikaliligtas ng buong Encantadia. Para nga ba sila sa isa't-isa? Tama bang unahi...