Sakto ang kanilang pagdating sapagkat nasa kuta nila ang naghahari-hariang si Hagorn. Paano kaya nalaman nito ang kanilang kuta.
Buti na lamang ay mas higit na malakas si Amihan at PaoPao kung kaya't napaatras nito ang kalaban.
Dali-dali silang umalis at naghanap ng bago nilang kuta. Mas lumiit pa ang kanilang bilang pagkat nalaman ni Ybarro na sinalakay sila ni Agane bago pa dumating si Hagorn. Napaslang ang iba sa kanila at hindi niya makita ang nagiisang mashna ng Sapiro na si Alira Aswen.
Labis ang kalungkutan at kabiguan ang nadarama ni Ybarro sapagkat kapalit ng paglaya ni Amihan ay ang ilang buhay nang kanilang natitirang mga kaanib.
Medyo nakonsiyensa rin si Ybarro dahil sa hiram nilang saglit na naging maramot siya at ang Reyna, malaki ang naging kabayaran nito sa kanilang pwersa. Tila hindi nga ito ang tamang panahon upang isipin nila ang kanilang mga sarili.
Nakakita sila ng liblib na lugar at dito tumigil pansamantala. Nagbabantay ang dalawang Mashna ng Lireo sa lagusan at si PaoPao naman ay nagpapahinga sa kubol ni Amihan at ang iba ay nagaayos ng gamit.
Sa hindi kalayuan ay pinagmamasdan ni Ybarro ang Reyna na nakikipagusap kay pinunong Imaw. Batid ni Ybarro na tila iniiwasan siyang muli ng Reyna at alam niya na baka kung lumapit ito ay lumayo lamang si Amihan. Akmang may damang patungo sa Reyna na may dalang pagkain at ito kaagad ang naisip ni Ybarro na dahilan ng paglapit niya sa Reyna.
"Amihan, nararapat lang na ikaw ay kumain muna. Batid kong matagal ka ng hindi kumakain ng maayos." Pagaalalang sabi ng mandirigma sa Reyna.
"Paano naman ako makakakain kung hanggang ngayon ay nawawala pa din si Alena at hawak ni Pirena si Lira." Hindi na naitago ng Reyna ang nararamdaman at dito din nabatid ni Ybarro kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ng Reyna pagkatapos ang kanilang pinagsaluhang sandali.
Si Alena.
At batid din ni Ybarro na nalulungkot din siya para sa mga kasama. Marahil ay nakokonsiyensa rin si Amihan sa nangyari ngunit naisip ni Ybarro na hindi niya pinagsisihan ang nakaw na sandali na iyon. Nagbigay ito ng bagong lakas at pag-asa para sa Prinsipe na dadalhin niya sa kanilang patuloy na pakikipaglaban sa pwersa ni Hagorn at Pirena.
Iniisip ng Reyna ang kanyang kapatid kaya bigla na lamang niyang tinalikuran si Ybarro. Sa totoo lamang ay hindi pa sumagi si Alena sa kanyang isip simula nang malaman niyang nasa panganib si Amihan.
Hindi niya nais na kalimutan ang kanilang unawaan ni Alena ngunit napakahirap pigilan ng kanyang nararamdaman para sa Reyna. Ngunit batid ni Ybarro na ayaw masktan ni Amihan ang nakababatang kapatid kaya siya na mismo ang umiiwas.
"Kailangan kong bumalik ng Lireo." Pagpupimilit ni Amihan.
"Amihan, hindi dapat tayo padalos dalos sa pag gawa ng desisyon. Batid kong hindi sasaktan ni Pirena si Lira hanga't hindi niya nakukuha ang gusto niya kaya wala ka dapat ipagaalala." Sagot ni Ybarro. Sadyang napaka tigas ng ulo ng Reyna.
"Wala? Kahit na pinadalhan ako ni Pirena ng putol na buhok at daliri na maaring kay Lira."
"Amihan hindi dapat tayo nagpapadala sa ating mga emosyon. Kailangan maging maingat tayo. Ayaw na nating maulit ang nangyari sapagkat sobrang kaunti nalang ng ating bilang." Tila hindi pa rin kumbinsido si Amihan kaya patuloy parin ang pangamgatwiran ni Ybarro.
"Tulad mo ay nangungulila din ako at yun ay kay Alena. Ngunit hindi tayo mga magulang lamang, pinuno rin tayo sa mga natitira nating kaanib. Kailangang masiguro muna natin ang kanilang kaligtasan bago tayo gumawa ng hakbang para bawiin si Lira." Pangangatwiran ni Ybarro sa Reyna. Alam niyang tama ang kanyang tinuran sapagkat alam niyang mas nangingibabaw ang pagiging pinuno kay Amihan.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionPag-ibig na itinakda ni Emre ngunit hindi para magkatuluyan. Pag-ibig na umusbong sa hindi inaasahang panahon. Pag-ibig na mayroong malaking responsibilidad para sa ikaliligtas ng buong Encantadia. Para nga ba sila sa isa't-isa? Tama bang unahi...