Saloobin ni Ybrahim

829 32 2
                                    


Hindi mapalagay ang isip ni Amihan dahil hindi pa rin bumabalik si Ybrahim. Lumipas na ang oras at wala pa rin silang balita kung natagpuan nga nila si Alena. Batid ni Amihan na bilang nakakatandang kapatid ay siya ang nararapat na maghanap kay Alena ngunit ayaw niyang palalain pa ang mga pangyayari dahil alam niyang hindi rin siya makakatulong sapagkat anak niya si Lira. Ganoon din ang kanyang magiging reaksyon kung siya man ang malagay sa sitwasyon ni Alena.

Ginawa naman nila ang lahat upang buhayin si Khalil ngunit tila sadyang nakatakda nang mamatay ang anak ni Alena at Ybrahim. Mahirap man tanggapin ngunit natutunan na din ni Amihan na magtiwala na lamang sa kanilang Bathalang Emre pagkat mangyayari at mangyayari ang kanyang itinakda. Ang nais lamang ni Amihan ay hindi pagharian ng galit ang puso ni Alena at kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Nagpaalam na ang barbaro na tila may pagtingin sa kanyang nagiisang anak. Ngunit hindi ito masyado pinagbabawalan ni Amihan at hinahayaan niya na ang kanyang anak ang magdesisyon para sa kanyang sarili.

Nakita niyang dumating si Ybrahim ngunit malungkot ang wangis nito na nawari na ni Amihan na hindi naging maganda ang nangyari sa pagitan nina Alena at Ybrhim. Minsan lamang makita ni Amihan na malungkot ng ganito ang kanyang Prinisipe at nais man niyang tulungan ito,  di niya malaman kung sa paanong paraan.

Umalis ang Prinsipe upang mapagisa ito. Nais malaman ni Amihan ang nangyari ngunit tila hindi pa rin handa ang Sapiryan upang sabihin ang kanyang saloobin.

Ramdam naman ni Amihan ang kalungkutan din ng anak na si Lira na tila hindi makagalaw sa kanyang tabi. Tila nais din niyang kausapin ang ama ngunit nag aalinlangan ito dahil kanyang iniisip na sinisisi siya ni Ybrahim sa pagkamatay ng kapatid.

Inabot ni Amihan ang kamay ng anak upang kahit papaano ay ibsan ang pagaalinlangan na nararamdaman nito.

"Inay, galit po ba sa akin si Itay?" Tanong sa kanya ng kanyang anak.

Agad naman na itinanggi ito ni Amihan upang tanggalin ang anumang pagaalinlangan nito ukol sa kanyang ama. Alam naman ni Amihan na nagluluksa lamang si Ybrahim ngunit hindi niya rin masisisi si Lira sa kanyang iniisip pagkat hindi pa rin siya kinakausap ng Ama simula ng malaman nito ang katotohanan.

"Hindi Anak. At hindi magagawang magalit sa iyo ng iyong Ama. Intindihin mo na lamang na siya ay nagluluksa sa pagkamatay ni Khalil. Pasasaan ba't magiging maayos din ang iyong Ama." Sambit ni Amihan sa kanyang anak.

Sana lamang ay kausapin na ni Ybrahim ang kanyang anak upang mawala na ng tuluyan ang pagaalinlangan ng anak.

Yumakap sa kanya ang anak at buong puso yinakap ni Amihan pabalik ang anak upang ibigay kahit papaano ang suporta na kinakailangan nito.

------

Hinahanap ni Amihan si Ybrahim pagkat nais sana niyang makausap ito. Nais man niyang hintayin na siya mismo ang lumapit ngunit kilala niya ang Rehav at hindi nito ugali na ipakita kanino man ang kanyang tunay na nararamdaman. Kaya madalas na si Amihan na mismo lumalapit dito upang tanungin ukol sa kanyang nararamdaman at kailan man ay hindi siya binigo nito pagkat palagi itong nagpapakatotoo sa tuwing nakapag uusap sila.

Sa balkonahe natagpuan ni Amihan ang kanyang hinahanap, tila malayo ang kanyang tingin at malalim ang iniisip nito. Nagalinlangan sa simula ang Reyna na istorbohin ang Rehav ngunit tinapangan nito ang loob pagkat nagaalala na rin siya para sa kanya.

"Ybrahim?" Tawag ni Amihan sa Prinsipe. Agad naman na lumingon si Ybrahim ngunit hindi nakaligtaan ni Amihan ang pagpahid ni Ybrahim sa mga luha nito.

"Amihan.." sagot nito na sandaling tinignan si Amihan bago itinuon ang pansin muli sa malawak na kalupaan na nasasakupan ng Sapiro.

Tumayo si Amihan sa tabi ni Ybrahim at tila pinagmasdan din ang kalupaan ng Sapiro. Parehas silang tahimik na tila pinakikiramdaman ang bawat isa. Naririnig at nararamdaman ni Amihan ang paghinga ng Prinsipe sa kanyang tabi. Kung paano bumibilis at bumabagal ang pagsinghap ng hangin, tila isang rithmo na sinusundan ni Amihan habang naghihintay. Natuldukan ang rithmong ito ng isang malalim na paghinga at narinig ni Amihan na nagsimulang magsalita ang Prinsipe.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon