Ang Sapiro

904 29 1
                                    


Nakalipas ang ilang araw at tahimik pa rin ang kuta nila Ybrahim na ikinabahala naman niya. Pagkat kanyang batid na may pinaplano sila Hagorn na masama sa kanila.

Hindi na siya iniiwasan ni Amihan at tila pag nag tatagpo ang kanilang mga paningin ay may ngiti na sa mga labi ng Reyna na ikinatutuwa ni Ybrahim. Kapag siya ay malapit ramdam ng Prinsipe na hindi na naiilang at tanggap na siya nito.

Isang gabi ay nabahala sila sa isang pangyayari na ngayon lamang nila nasaksihan. Naging kulay nang dugo ang tubig na umaagos sa talon na malapit sa kanilang kuta. Lahat sila ay nagtaka at nangamba kung ano man ang ibig sabihin nito.

Agad na pumunta ang magkapatid na Sang're sa Lireo upang alamnin ang mga kaganapan doon.

Naiwan naman sila sa kuta upang bantayan ang mga kasama.

"Tila masama itong pangitain para sa aming brilyante ng tubig." Bigkas ni Pinunong Imaw. Malaki nga ang posibilidad na may nangyari sa brilyante kaya naging kulay dugo ang tubig.

"Hindi kaya ay napasa kamay na ni Hagorn ang brilyante ng tubig?" Haka ni Mashna Aquil.

"Maari nga Mashna. Kung ganoon ay tatlo na ang brilyante na hawak mismo ni Hagorn." Pagsang ayon ni Pinunong Imaw sa Mashna.

"Tanakreshna!" Kalabisan na ang nangyayari. Batid ni Ybrahim na kung ganoon nga ay hindi magtatagal ay susugurin na sila ni Hagorn at susubukang puksain.

At hindi niya papayagan na mangyari iyon. Kailangan na nilang lumikas sa lalong madaling panahon upang maunahan ang mga plano ni Hagorn.

"Mashna Aquil, Muros, maghanda kayo. Lilikas tayo papunta sa bago nating kuta." Utos ng Prinsipe.

"Ngunit, kamahalan, saan tayo pupunta? At bakit tayo lilikas kung maayos naman ang ating kalagayan dito sa bago nating kuta?" Tanong ni Mashna Aquil.

"Hihintayin pa ba nating sugurin tayo ni Hagorn bago tayo kumilos?"

Sa tanong na ito ni Ybrahim, natigilan ang Mashna at nagisip saglit. At unti-unting napagtanto ang ibig sabihin ng Prinsipe.

"Masusunod Mahal na Prinsipe. Ngunit paano ang Reyna at si Sang're Danaya?"

"Ilalahad ko ang aking plano sa oras na dumating sila. Paghandain mo lang ang mga kasamahan natin upang mapabilis ang ating pag-alis." Utos ng Prinsipe sa mga Mashna ng Lireo.

"Ano ang iyong pinaplano Prinsipe Ybrahim?" Tanong ni Pinunong Imaw nang naiwan na lamang silang dalawa.

"Mamaya ko na lamang ilalahad Pinunong Imaw. Mabuti pa ay maghanda ka na."

Iniwan na lamang siya ni Imaw at naghanda na ng kanilang gamit.

Nagisip si Ybrahim nang bago nilang pagkukutaan kung saan mahihirapan ang mga kaaway na sila ay matagpuan at magkakaroon sila nang panang galang para sa mga kaaway.

Sumagi sa isip ni Ybrahim ang mga haligi ng Sapiro na matibay pa ring nakatayo kahit na napaglipasan na ng panahon. Malalaki ito at maaring maging taguan kung kinakailangan. Maayos pa rin naman ang mga bulwagan nito na maari nilang pagtulugan.

Dumating ang magkapatid na may dalang malulungkot na mukha. Dito pa lang ay batid na ni Ybrahim ang masamang balita na kanilang dala. Tuloy na nga ang kanilang paglikas at kailangan niyang ipaalam na ang kanyang plano na dalhin sa Sapiro ang buong pangkat nila.

Naupo sila sa kanilang lamesa at nagkaroon ng pagpupulong. Isiniwalat lahat nila Amihan at Danaya ang kanilang mga natuklasan sa kanilang pagpunta sa Lireo.

"Kaya naman pala ganoon na lamang ang pagpaparamdam ng brilyante kanina, ay dahil napasa ibang kamay nanaman pala ang pangangalaga nito." Sambit ni Imaw matapos niya marinig ang salaysay ng magkapatid.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon