Hindi maipinta ang mukha ni Ybarro. Hindi ba dapat siya ay masaya at nagbununyi? Ngunit bakit tila hindi niya nais ipakilala si Khalil lalo na kay Amihan?
Nasilayan niya ang Reyna at suot parin nito ang malungkot at nagaalalang wangis ng isang ina.
Saan ba siya nangaling? Bakit tila bigla na lamang itong susulpot at maglalaho sa kanilang kuta? Nahanap na kaya niya si Lira?
"Amihan.." narinig ni Ybarro si Danaya. Tila nanginginig ang Sapiryan at hindi niya maalis ang tingin sa Reyna. Alam niyang masasaktan si Amihan at tila doble nito ang kaniyang mararamdaman.
"Nais kong makilala mo siya. Siya si Khalil." panimula ni Danaya.
"Ang anak namin ni Alena." Si Ybarro na ang nagtuloy. Hindi niya maatim na hindi siya ang magsabi ng katotohanan. Kahit man lang sa bagay na ito ay maharap niya ang Reyna at masabi ng diresto ang katotohanan.
Hindi magawang maging masaya ng lubusan ni Ybarro sapagkat sa kanyang palagay ay siya ay nagtaksil sa Reyna, kahit na hindi naman niya alam noong umpisa na may anak sila ni Alena.
"Amihan, hindi ka ba natutuwa na makilala ang ating bagong hadiya?" Tanong ng kapatid sa Reyna. Hindi mukhang natuwa si Amihan sa pagkakakilala sa kanilang anak ni Alena.
Tila paulit ulit na sinasaksak ang puso at pagkatao ni Ybarro sa kaniyang nasisilayan na bakas ng galit sa mukha ng kanyang Reyna.
Sa mga pagkakataon na iyon, si Khalil ay hindi lamang anak nila ni Alena kundi ang bunga ng kanyang kataksilan sa kanyang Reyna.
Bawat detalye at kilos ni Amihan ay hindi pinapalampas ni Ybarro. Malaki talagang mysteryo para sa Prinsipe kung ano ang tumatakbo sa isip ng Reyna.
Napansin niyang huminga muna ito na malalim at nagisip bago inalok ang kanyang palad para dito. Napansin niyang may pagaalinlangan ito nang Sandaling tumingin si Amihan sa kanya.
Sa panahon na nagkasama sila ni Amihan natutunan na ni Ybarro na basahin ang mga galaw ni Amihan. Naging malakas ang kanyang pandama para sa nararamdaman ni Amihan. At alam niyang isa lang siya sa ilang mga mapapalad na nilalang na nakakagawa at pinahintulutan ng Reyna na pagkatiwalaan nang lubos.
Kaya ganoon na lamang ang pagsisisi ng Prinsipe sa kanyang nagawa. Nais man sana niyang protektahan ang nararamdaman ni Amihan ngunit alam niyang kung siya ang may kasalanan ay wala siyang magagawa.
"Khalil, ikinagagalak kong makilala ka." bahagyang ngumiti si Amihan ngunit saglit lamang ito. Walang tuwang mabatid si Ybarro sa kanyang mukha. Muli siyang tinignan ni Amihan at ibinalik sa kanyang anak. Biglaan din ang pagbitaw niya sa kamay ni Khalil na tila napaso ito.
"Wantuk, ikaw na muna ang bahala sa kanya." Ipinaubaya muna niya si Khalil sa kaibigan.
Nais niyang malaman kung ano ang lagay ni Amihan. Tinalikuran na lamang niya ang lahat matapos kilalanin si Khalil.
Pinagmasdan niya muna si Amihan. Tumatangis ito at lalong lumungkot ang kaniyang mga mukha, at alam niyang kasalanan niya ito.
"Patawarin mo ako.." sambit ni Ybarro sa sarili. Nais man niya itong iparinig sa Reyna batid niyang wala itong saysay.
"Buti ka pa Ybrahim, kasama mo na ang isa mo pang anak." Sambit ng Reyna. Doble ang bigat na naramdaman ni Ybarro sa kanyang mga narinig. Hindi niya alam kung saan magsisimula upang pagaanin ang loob ni Amihan.
"Amihan, Huwag kang magalala, makikita rin natin si Lira." Walang kasiguraduhan ang kanyang mga tinuran. Tila wala siyang silbi sa Reyna sa mga panahong nangungulila siya para kay Lira. Hindi niya ito matulungan at kahit ang pagdadala ng bigat ay tila si Amihan lang ang nagdadala. At heto siya na dinagdagan pa ang pinapasan ng Reyna.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanficPag-ibig na itinakda ni Emre ngunit hindi para magkatuluyan. Pag-ibig na umusbong sa hindi inaasahang panahon. Pag-ibig na mayroong malaking responsibilidad para sa ikaliligtas ng buong Encantadia. Para nga ba sila sa isa't-isa? Tama bang unahi...