Mga Panibagong Suliranin

762 30 6
                                    

"Alam kong nalalapit na ang pagbangong muli ng kaharian ng Sapiro, Mahal kong Reyna."

Napangiti si Amihan sa mga tinuran ng Prinsipe. Hindi niya makakaila ang saya na kanyang nadadama sa tawag na ito ni Ybrahim sa kanya.

Hindi maintindihan ni Amihan ang kanyang nararamdaman pagkat nang dumating sila ng Sapiro ay tila gumaan ang kanyang pakiramdam. Tila ang Sapiro ay tahanan na matagal niyang hindi natirahan. Kanyang ramdam ang pagiging kumportable at tiwalang poprotektahan siya nito pag dumating ang tamang panahon.

Nagpapasalamat siya kay Ybrahim pagkat pumayag itong gawin nilang kuta ang kanyang kaharian.

"Mahal na Reyna, nandiyan na si Mashna Aquil!" Putol ni Wantuk sa paguusap ng Reyna at Prinsipe.

Kahit na hindi magandang balita ang dala ni Aquil ay hindi maisip ni Amihan na tuluyang malugmok at may kaunting saya at pag-asa pa ring natitira sa kanyang puso.

"Magka ganun man ay kailangan pa din nating magingat." Tugon ni Ybrahim sa kanilang mga kasama.

Nagpapasalamat si Amihan pagkat nariyan ang Prinsipe sa tuwing mawawalan ng masasabi ang Reyna sa oras ng kagipitan. Mas lalo lamang niyang nararamdaman na hindi siya nagiisa.

Dumating naman si Danaya na kanina pa hinahanap ni Amihan pagkat bigla na lamang siyang nawala.

"Danaya saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" Pagaalalang tanong ni Amihan sa kapatid.

"Kilala ko na ang bagong Reyna na ipinalit ni Hagorn.." Paunang ulat ni Danaya.

Nagulat si Amihan pagkat bumalik pala ng Lireo sa Danaya upang abangan si Pirena. Kahit anong tanggi pa ang gawin ni Danaya ay tila may puwang pa rin pala si Pirena sa kanyang puso.

"Mahal na Reyna, Sang're Danaya. Tayo ay maupo at magpulong sa kung anong hakbang ang ating gagawin." Mungkahi ni Aquil na siya namang sinunod nila Amihan.

Inalalayan siya ni Ybrahim sa pagupo na tila ito ay mahirap na gawain ngunit ito'y tulong na tinangap pa rin ni Amihan. At tumayo ang prinsipe sa tabi nito na tila ayaw lumayo sa kanya.

Kanyang natutunan na kahit na sabihan niya ang Rehav na hindi niya kailangan ang tulong nito at siya'y lumayo ay hindi niya pa rin titigilan ito. Sadyang natural na ang pagiging Maginoo na tulad ng isang Prinsipe ni Ybrahim.

"Kilala ko ang Lila Sari na sinasabi mo. Iyon pala ang napangasawa ni Hagorn. Buti na lamang at iniligtas ka ni Pirena laban doon. Hindi maaring may mawala sa ating dalawa." Katotohanang tugon ng Reyna.

Batid ni Amihan na hindi na patas ang laban kaya't ibayong pagiingat ang dapat nilang gawin pagkat ang kaniyang brilyante at ang kay Danaya na lamang ang kapangyarihang hawak nila. Mawala man ang isa sa kanila ay tuluyan nang mawawala ang kanilang pagasang matalo ang mga kalaban.

"Dadalawa na lamang kasi tayo. Hindi na ako umaasa kay Pirena dahil iba siya sa atin. Ngunit si Alena kung sana'y kasama natin siya maski hindi na niya hawak ang kanyang brilyante mas madaragdagan pa ang ating lakas. Mas higit rin akong mapapanatag na kakayanin natin kahit papaano si Hagorn at ang Lila Sari na iyon."

Tunay man ang mga tinuran ni Danaya ay hindi maalis ang tila sakit sa kanyang puso sa tuwing mapapagusapan si Alena lalo na sa harap ni Ybrahim.

"Tama ka Danaya, malaking kawalan talaga ang ating kapatid. Lalo na si Alena." Pag sang ayon na lamang ni Amihan.

Sinimplihan na lamang niyang tignan ang nakatayo na tila bato sa kanyang tabi na si Ybrahim at hindi na siya nagulat na nakatitig na sa kanya ito. Napansin din niya ang paghinga nito ng malalim na tila may iniisip siyang ibang bagay na bumabagabag sa kanya.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon